Jazz deny it..

522 25 4
                                    

Chapter Twenty-Four

Ipinalipat ang mesa ni Jazz sa loob nang opisina ni Brix,ayon na rin sa utos nito.Totoo ngang maagang nilisan nang binata ang condo niya dahil may mahalagang meeting ito sa araw na 'yon.Hindi na nga rin siya nito inabalang kausapin bago ito umalis.Kaya naman napagdesisyonan nalang niyang pumasok ng araw na iyon para makita ang binata.

"Diyos ko,bakla!Kasuwerte mo naman,bruha ka,"sabi ni Anna sa kanya habang inililigpit niya ang mga gamit niya upang ilipat ang mga iyon sa bagong workplace niya.Si Anna ang papalit sa puwesto niya.At hindi niya inaasahang magiging malapit siya sa babae sa unang araw palang nilang pagkikita.Masayahin ang babae at madaldal pa.

"Malas ka mo!"walang pakialam na sagot niya.

"Ano'ng malas ka diyan?Hindi pa ba obvious?Duh!Ang guwapo kaya ni Sir Brix.Gosh!Nalaglag ang panty ko kanina nang makita ko siya!At isipan mo,ha.Makakasama mo sa iisang kuwarto sa isang buong araw ang isang napakaguwapong lalaking tulad niya.Bakla,it is definitely a blessing from above!Puwede bang makipagpalit sa iyo ng posisyon?Ako nalang kaya maging secretary niya?"

"Sure.Bakit naman hindi?I-suggest natin sa kanya baka pumayag siya.Pero bago 'yon ihanda mo muna ang sarili mo sa mga bulyaw niya,"sagot niya."Baka hindi ka magtagal.May pagka-istriko pa naman,"pananakot niya sa babae.

"Gaga talaga 'to.Seriously,ang guwapo talaga ni Sir.Parang magnet ang mga mata niya,'noh?Naa-atract ako.Feel ko rin,nakikita niya pati kaluluwa ko kapag tumitig siya.Ang tangus-tangos pa nang ilong niya.May lahi nga palang Arabian si Sir.'Tapos ang lips niya...Gosh!Firm yet very sensual.Parang ang sarap halik-halikan!Mag-a-apply akong yaya ni Sir Brix.Papaliguan ko siya araw-araw,kahit walang bayad.Ay type na type,"malanding wika ni Anna.

"Ano tapos ka na?Tapos na 'yang malandi mo'ng pantasya!Ngudngod kita riyan,eh!"naiinis na saway niya rito."At saka baka may makarinig saiyo.Ma-tsismis tayo.Alam mo na, safety first."

"Heto naman!Ano ka ba?Siguro nagseselos ka sa akin,no?Hmm..pero may nobya na kaya si Sir?Pero siguro mayroon na.Sa guwapo niyang 'yon?"pagpapatuloy nito.Tila wala  talaga itong pakialam kahit na may makarinig sa sinasabi nito.Siya tuloy ang naiiskandalo sa pinagsasabi nito.

Gayunpaman,natigilan siya sa tanong nito.Naalala niya ang pagtatalo nila ni Brix dahil sa nangyaring bangungot nito kagabi.Sigurado siyang babae ang nasa panaginip nito.At kung sino man 'yon,iyon ang hindi niya alam.Tila may kumudlit na pait at kirot---at kaunting panghihinayang sa kanyang dibdib--dulot ng isiping may nagmamay-ari na sa puso ng binata.

Ows? Kaunti lang talaga,ha?Sinungaling,tudyo ng isang bahagi ng isip niya.
Manahimik ka!saway naman ng kabilang bahagi.

"O,ba't natahimik ka riyan?"untag ni Anna sa kanya."Ayaw pa kasing aminin na may crush din siya kay Sir,eh.Selos ka,'no?Hay,sana 'wag nang bumalik ang nobya ni Sir na nasa Amerika para may pag-asa pa tayo.Pero mas malaki na ang tsansa mong mapikot si Sir kasi iisa na ang opisina niyo."Umakto pa itong naiinggit talaga sa kanya.

"Tumahimik ka nga riyan.Hindi ko siya crush,okay?"aniya.

"Aysus!Para ka namang celebrity riyan.Denial queen ka masyado."

"Ano daw pangalan ng girlfriend niyang nasa Amerika?"

"Eh,bakla iyon ang hindi ko alam.Hayaan mo mag-iimbistiga ako.Friend tayo,eh,'di ba,Bakla?"nakangising sabi ni Anna.
"Pero ang dinig ko galing daw sa respetadong pamilya.'Bakla,hayaan mo na 'yon,maiba tayo.Atin-atin lang,ha?"

"Ano naman 'yan?"nanlaki ang mga matang tanong niya sa babae.Napahalukipkip nalang at napabuga ng hangin sa kawalan.

"Hoy!Bakla makinig ka!Para sa future mo 'to.Huwag kang puro reklamo,"sabi ni Anna na ginaya pa ang boses ni Madam Kilay."Baka mag-thank you ka pa sa'kin pag-dating ng araw,ay."

"Okay."

"'Pag kayong dalawa lang ang nasa loob ng opisina,gilingan mo agad.'Tapos,'pag pumalag pa rin,gapangin mo na.Hindi na nakukuha sa santong dasalan ang mga tulad ni Sir.Santong paspasan na ang kailangan diyan."Sinundan pa nito nang malutong na tawa ang sinabi.

"Tigilan mo ako,Madam Kilay,"saway niya rito.Natatawa siya.Hindi dahil sa mga sinabi nito pero ang hindi nito pagka-alam kung sino nga ba siya?Mukhang mabait naman ito at mapagkakatiwalaan.Na siya ang nobya ni Brix na matagal nang nasa Amerika.At ang hindi rin nito alam na magdamag siyang binantayan ng binata sa condo niya.

"Aysus!Eh,bakit namumula ka?Siguro,may balak ka nga talagang gawin 'yon,ano?Umamin ka na kasi,bakla.Sige ka,masusunog ang kululuwa mo sa impiyerno niyan."

"Do you wanna know a secret?"kindat niyang tanong kay Anna.

"Yes please....."excited nitong sabi.

"Tse!"Kung alam mo lang ako ang nobya ni Brix.....

"Aba?May pa do you wanna know a secret ka pa!Tse lang naman pala.If I know,pinagnanasahan mo talaga si Sir.'Wag kang mag-alala.If ever na sa'yo idulog ng kapalaran ang napakasimpatikong si Sir Brix,hindi naman ako mahu-hurt masyado.Kumbaga,slight lang mararamdaman kong sakit,"dagdag na biro nito bago tumawa uli.

"Wala akong balak pagnasahan siya.Hindi ko siya type,Bakla,"pagde-deny ni Jazz sa dalaga."Ang mabuti pa ay tulungan mo nalang akong magligpit ng mga gamit ko nang matapos na tayo dito."

Isang minutong katahimikan ang nagdaan at muling nagsalita si Anna.
"Alam mo bakla,maiba lang tayo ng topic.May kuwento ako saiyo about sa incident dito sa opisina ni Sir Brix kahapon.Dahil absent ka.Ako ang nag-sub sa'yo.Inutos ni Ma'am Bea na dito muna ako sa first day ko.I was so glad and then biglang nag-appear sa harapan ko 'tong babaeng mukhang aswang sa kapal ng make-up."

"Anong ginawa sa'yo?"

"Pinag-mayabangan ako.Wala naman palang maibubuga.May pa English- pang nalalaman ang aswang.Sinabi niya;You idiot! Simple instructions you cannot follow!Who..who....Sinong nagbigay sa'yo ng permiso na mag-trabaho dito bilang secretary ni Brix?"natatatawang kuwento ni Anna."I'm sorry Miss but it was Ma'am Bea idea.Sinagot ko siyang nakataas ang noo."

"Good!Eh,ang sagot niya?"

"You better watch!Saka dinuro ako!Sinagot ko naman siya nang;I'm just right here waiting for you.
Ayun,nagtawanan ang lahat.Napa walk-out nalang siya."

"Huwag mo na lang siyang pansinin.Gano'n talaga ang mga talunan!"ani Jazz.

"Ay,appear tayo diyan,Bakla.Kapag inaway ka no'n sabihin mo lang sa akin.Ingungodngod ko siya sa may ihing inidoro!"

Natawa na lang siya sa sinabi nito.
Tinulungan naman siya ni Anna bagaman patuloy pa rin ito sa pagkukuwento.Ngunit lingid saka alaman nilang dalawa ay dinig ni Sonia ang lahat nang pinag-usapan nila.And she's going to put up some show!

Humanda kayo sa'kin!Kahit magkampihan pa kayo! nanggigil na naisaloob ni Sonia.

Next.

Zelina "Princess Hurt"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon