Jazz "Guilt"

579 27 2
                                    

Chapter Four

"Shit!"sigaw ni Jazz dahil sa gulat.

"This is a shower with a motion sensor,Miss.Nakikita mo naman siguro ang simbolong 'yan,'di ba?"sabi ng lalaki,saka itinuro ang icon ng isang taong itinatapat ang kamay sa censor."As you said a while ago,this is a five star hotel and spa.We don't go for the usual showers.If you can't handle this kind of luxury, we'll be happy to transfer you to Microtel here,"walang emosyong sabi nito.

"Hah! Ano'ng sinasabi mo?"Na hindi ako bagay sa ganitong lugar?Ang kapal naman ng mukha mo para pagsabihan ako ng ganyan!Nakapagbayad ko ng sapat dito,'no!Sino ka ba?"mataray na sita ni Jazz.

'I happen to owe this place,"anang lalaki na ikinaawang ng kanyang bibig.Pakiramdam ni Jazz ay nasupalpal siya dahil sa sinabi nito.Pero hindi niya ito uurungan.Lalo na't napukaw na nito ang 'battle mode' niya.

"Good.Masasabi ko ang lahat ng problema sa resort mo----"

"Narinig ko na ang lahat ng concern mo kanina.They're just petty concerns.Now,as for your lunch accommodation,here it comes.Enjoy 'till you choke yourself to death.And next time,try to act accordingly,"anito bago siya tinalikuran.

Hindi ba natatakot ang lalaki na maaring masira ang imahe ng resort nito dahil sa mga sinasabi sa kanya?

"Ma'am lunch niyo po,"nakangiting alok kay Jazz ng server na may dalang teay na naglalaman nang masasarap na pagkain pero hindi niya ito pinansin.Nakasunod pa rin ang tingin niya sa bastos na lalaki.

"Hoy!Hindi pa ako tapos sa'yo!Kaya naman pala inefficient ang mga nagtratrabaho dito dahil bastos din ang boss nila.No wonder this place is a mess.Humanda ka sa gagawin kong blog review about your resort,"pagbabanta ni Jaz,kahit hindi naman talag siya blogger.Hindi kaya ng pride niya na mapahiya at matalo sa isang kalaban.Tumaas ang bandera niya nang biglang tumigil sa paglalakad ang lalaki at muling humarap sa kanya.

"Are you threatening me?"baling ng lalaki habang palapit sa kanya.

"Natatakot ka ba?"matapang na sagot ni Jazz.

"What's your name?"sa halip ay tanong nito.

"At bakit ko naman sasabihin sa'yo ang pangalan ko?"nakataas ang isang kilay na tanong ni Jazz rito.

"Because I'll send your name to every hotel and ask them to include you in their blacklist,"seryosong sabi ng lalaki.

"Tinatakot mo ba ako?"siya naman ang nagtanong sa lalaki.

"No.I'm serious,"walang emosyong sagot nito.

"Fine!Ikakalat ko naman ang pangit na pamamalakad ng hotel mo,"ganting-sabi ni Jazz.

"Street rat,"narinig niyang sabi ng lalaki dahilan para kumulo ang kanyang dugo.Mayamaya ay tinalikuran siya nito at naglakad na palayo.

"Hoy!Ang kapal talaga ng mukha mo!Mayaman ka nga,bastos ka naman.Ungentleman pa,"naiinis na sigaw ni Jazz pero hindi na siya pinansin ng lalaki.Kaya binalingan niya ang server na nakangiti pa rin sa kanya hanggang ngayon."Nakakainis ang boss mo!"

"Sorry,Ma'am.Gano'n po talaga si Sir,"hinging paumanhin ng server.

Kumuha si Jazz ng mango juice mula sa dala nitong tray at agad na ininom iyon para kahit papano ay lumamig ang ulo niya."In all fairness,ang sarap ng mango juice nila."

Napangiwi si Jazz nang maalala ang eksenang iyon.Ngayon lang niya napagtanto na masyado pala siyang naging "hyper" nang araw na iyon.Naibunton niya sa lalakibg may-ari ng resor ng lahat ng frustration at galit niya sa mundo.

Nang magpunta kasi siya sa resort ay kare-resign lang niya sa trabaho.Napag-alaman niyang ang kanyang mommy Zelina at Papa David ang nagpapasahod sa kanya.Hindi matanggap ni Jazz na palaging nakasuporta ang dalawa kaya nag-resign nalang siya.Ang akala niya ay makakapag-relax siya kapag nag-bakasyon pero init ng ulo lang ang naranasan niya.

Muling tiningnan ni Jazz ang litrato ng lalaking nakaaway niya at ang profile nito.Jackson Brix Fernandez,thirty-three years old,owner of the Pacific Hotel and Casinos and Pacific Resort Spa;he was also the CEO of Fernandez Group of Companies.

Wow!Big shot,komento ni Jazz sa kanyang isip.Ngayon lang niya nasabi sa sarili na guwapo ang lalaki at ngayon lang niya tinanggap na mayaman nga ito dahil noon-----ay sobrang inis niya----ay wala siyang pakialam kung guwapo at mayaman ito.Ang pagkakatanda niya ay malaki ang atraso nito sa kanya.Bumalik na sa alaala niya ang lahat makalipas ang sampung taong pagkakawalay nila.At magbabayad ang lalaki sa ginawa nitong pangdudurog sa puso niya.

Next.....

Zelina "Princess Hurt"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon