Jazz being pissed-off!

442 28 3
                                    

Chapter Twenty-Five

Nang akmang papasok na sila ay nag-angat ito ng tingin at sinulyapan sila.At sa pagkagulat niya ay nginitian sila nito.
"A-ah...S-Sir,ipapasok ko lang ho sana ang mga gamit ko,"pagbibigay-alam niya rito.

"Ah,yes,"sagot nito."Feel free to put it there."

Itinuro nito ang isang ekstrang mesa na nasa isang gilid.Hindi ito sa kanya nakatingin kundi kay Anna.At ang malanding babae naman ay halatang kilig na kilig bagaman pilit na itinatago nito iyon.Muntik na niyang paikutin ang mga mata dahil sa nasasaksihang inaakto ni Anna.Daig pa nito ang isang teenager na nagpapa-cute.Bagaman hindi niya pinagkaabalahang tingnan si Brix, nararamdaman niyang nakatitig ito sa kanya.

Ano naman ang drama ng taong 'to?lihim na paghihimutok niya.

Nang matapos sila ay nagpaalam nang lumabas si Anna.Abot-tainga ang ngiti nito habang nagpapaalam kay Brix.Sinuklian naman ito ng binata nang isang makalusaw-tuhod na ngiti.

At may balak pa yatang makipaglandian ang walanghiyang lalaking 'to kay Anna,ah.At ito namang si Anna,masyadong halata.Pag-umpugin ko kaya kayong dalawa?sa isip-isip niya habang nakatunghay lang sa pagpapalitan ng ngiti ang dalawa.

Eh,bakit ka affected?tanong ng isang bahagi ng isip niya.
Excuse me.Hindi ako apektado.Ano ba ang pakialaman ko sa kanila?Kahit magngitian sila riyan hanggang sa tubuan sila ng ugat at manigas ang mga bibig nila sa kakangiti.Wala akong pakialam!Yeah,right.Liar,liar pants on fire.

Napabuntong-hininga siya.Nababaliw na yata siya.She was arguing with herself!Umupo na lamang siya sa kanyang mesa at sinimulan ang pagtatrabaho.Ngunit bigla siyang tinawag ng binata.The sight of Brix inside their office was interesting.

"Missed me?"pang-aasar ni Jazz.Ngunit sa halip na sagutin ni Brix ang pang-aasar niya ay seryosong nakatitig lang ito sa kanya.

Pakiramdam ni Jazz ay nakakita siya ng isang magandang ibon na nakakulong sa maliit na hawla.Hindi naman ganoon kaliit ang opisina nila pero nang makita niya si Brix doon,pakiramdam niya ay napakaliit niyon para sa binata.But the thought of Brix and her inside their office was something.

Bumilis ang tibok ng puso ni Jazz nang makitang naglakbay ang mga mata ni Brix sa kabuuan niya.Bigla siyang na-conscious dahil sa kanyang suot kahit hindi naman iyon tipong "daring"ang dating.Para lang iyong malaking T-shirt ngunit pakiramdam ni Jazz ay natutunaw siya sa mga tinging binibigay sa kanya ni Brix.

"Seventy thousand a month as my secretary,"ani Brix nang tumutok ang mga mata nito sa kanyang mukha.

"Okay na 'yong sixty,eh.Kailangan mo lang gawin ang kundisyon ko,"ani Jazz rito.Humalukipkip na siya para hindi maasiwa sa hitsura niya.
'Wag mong ipahalata na naapektuhan ka sa mga tingin niya,Jazz!anang isang bahagi ng kanyang isip.

"Seventy except that condition,"ani Brix.

"Kahit umabot pa 'yan ng isang milyon,kapag hindi mo ginawa ang kondisyon ko,maghanap ka na ng ibang secretary.You know what,I'm actually flattered.Sa nakita kong mga aplikante,maraming magagandang babae.Pero ako pa rin ang napili mo.Na-touch ako,"pabirong sabi ni Jazz.

"I'm not looking for a date kaya bakit mukha nila ang titingnan ko?"sagot naman ni Brix.Sinasabi mo bang hindi siya maganda?

At hindi ka rin niya gugustuhing maging date,anang bahagi ng isip ni Jazz.
"Puwede ka namang maghanap pa ng ibang sekretarya kung ayaw mo sa akin,'di ba?Bakit ako pa na kinaiinisan mo?"

"Like I said before, you're an efficient secretary.Iyon ang pinagbabasehan ko at hindi kung ano pa man.Bakit?Ano pa bang dahilan ang tumatakbo diyan sa isip mo?"tanong ni Brix sa kanya,saka siya pinangunutan ng noo.

Oo nga,Jazz.Ano pa ba ang iniisip mong dahilan para ikaw ang piliin niya?kastigo rin niya sa sarili.Hindi alam ni Jazz kung bakit napahiya siya kay Brix at sa kanyang sarili nang mapagtanto iyon.
Feeling importante ka naman,anang isang bahagi ng isip.

Well,ipinaramdam niya sa'kin na mahalaga ako sa kanya,sagot naman ni Jazz.
Kinikilig ka naman?kastigo niya sa sarili.
Honestly,yes.Simula nang magkaroon sila ng "kissing scene"ay tila nag-iba na rin ang tingin niya kay Brix.Naiinis nga siya dahil alam niyang dapat siyang magalit dahil sa ginawa nitong panloloko pero hindi iyon ang naka-bother sa kanya noon kundi ang halik nito.

A devil's kiss,ani Jazz sa sarili.
"My condition,Brix.Take it or leave it,"aniya kay Brix.

"What happened to "Monster,"Trouble?"tanong ng binata.Kahit ang pet name nito sa kanyang "Trouble" ay iba na rin ang naging dating sa kanya.

Ah,Brix!What do you do to me?
"Ah,kaya gusto mo akong bumalik para may makapagpaalala sa'yo kung gaano ka ka-monster.Ire-record ko na lang sa cell phone mo ang boses ko para mapakinggan mo lagi ang "Monster Brix,"sarkastikong sagot ni Jazz.

"Nah.May iba akong gustong i-record sa cell phone ko na may kinalaman sa'yo,"sabi ni Brix na may kakaibang kislap sa mga mata.

"A-ano naman?"tanong ni Jazz at minura ang sarili dahil bahagya pa siyang nautal.

"Shall we have a second round of our kiss or----"

"Shut up!"naiinis na sigaw ni Jazz.Ipinikit ni Jazz ang kanyang mga mata at pilit na inayos ang takbo ng kanyang isip.Pilit niyang itinataboy ang pagsusumiksik ng alaala ng halik na pinagsaluhan nila.
"Gagawa lang ako ng kape ko.Maiwan muna kita,Sir,"pagiiwas ni Jazz kay Brix.

Mahirap ba ang kondisyon ko?Ang burahin ang video na ginagamit mong pang-frame up sa'kin!Hay, buwisit ka!Konti nalang masasakal na talaga kitang demonyo ka!Kainis!Ginigigil mo talaga ako,eh.

Next....

Zelina "Princess Hurt"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon