Girl:Pwede ba kitang ipag-luto?
Boy:(ini-snob si girl at nagpatuloy lang sa kanyang cellphone.)
Girl:Hoy! Ipagluluto kita sabi eh!
Boy:(hindi pa rin pinansin si girl)
Girl:(Umalis sa harap ni boy at inihanda ang gagamitin)
Boy:(Pasikretong tumingin kay girl habang naghahanda)
Girl:Ano namang iluluto ko? Hindi ko pa naman alam mag-luto (napakamot sa ulo)
Boy:(Pinapanood pa rin si girl)
Girl:(Humarap kay boy) Anong gusto mo?
Boy:(tumingin kay girl na walang emosyon) Hindi ako gutom.Manahimik kana lang diyan.
Girl:(hindi pinansin si boy at nagsimula na lang magluto)
Dahil hindi alam magluto ni girl ay napaso siya sa tumalsik na mantika.
Girl:Aray! (napahawak sa kamay na napaso)
Boy:(nagmamadaling lumapit kay girl) Anong nangyari?!
Girl:N-Napaso kase a-ako eh (nakayuko siya dahil natatakot kay boy)
Boy:(hinila si girl patungo sa lababo) Sabi ng hindi ako gutom eh.Ang kulit!
Girl:(nakayuko lang habang hinuhugasan ni boy ang napaso niyang kamay)
Boy:(Napatingin kay girl na nakayuko) Okay na?
Girl:(napaiyak ng mahina dahil sa takot kay boy) O-Okay na.
Boy:Bakit ba kase gusto mo kong ipagluto?
Girl:Baka kase nagsasawa kana sakin.Ikaw na lang kase lagi ang nagluluto.(napayuko)
Boy:(hinila si girl at niyakap ng mahigpit)
Girl:(nabigla)
Boy: Bakit naman ako magsasawa? Eh mahal kita eh.Handa akong pagsilbihan ka kahit gaano pa katagal.Kahit habambuhay pa.
BINABASA MO ANG
One-shot Stories
RandomMga storyang sumasagi sa aking isip na nais kong gawing isang buong kwento ngunit ako ay tinatamad kaya't naisipan ko na lang na gawing isahan.