Christmas Special

18 4 0
                                    

Love in the Midnight

Malamig. Ang pang-karaniwang hangin ng Disyembre ay umihip.

It's the first day of simbang gabi. Puyat pa ako at nagmamadali dahil ako lang mag-isa ang nagising. Madilim sa daan buti na lang at naihatid pa ako ng pinsan ko.

The church here can't accommodate all the people in this whole town kaya marami ang mga nasa labas at nakatayo. Isa na ako roon.

Usually, kasama ko ang pamilya ko. Last year, we completed it. Ngayon kasi ay lahat sila napuyat sa kanya-kanyang trabaho kaya...

Kung noon ay hindi ko kaya, now that I'm nineteen, I now have the confidence to attend a mass alone.

Different lightings illuminated the simple church. The edge of the double doors are decorated by poinsettia flowers with Christmas lights. Mula sa pwesto ko ay kitang-kita ko ang maliwanag na altar pati na rin si Father.

Puno na nga ang upuan sa loob. Ang pwesto ko ay sa harap, sa gilid kung saan ang statue ni St. Hyacinth. Mrdyo late ako kaya pagdating ay marami na rin ang tao rito.

Simple lang ang isinuot ko. Jeans, a stripes black and yellow shirt, and a white rubber shoes. Napapatingin ako sa mga taong naglalakad.

Inaantok pa talaga ako. Sana hindi na ako nanood ng k-drama!

Sa pwesto kung nasaan ako ay natatalikuran namin ang ilaw. Abala ako sa paglinga-linga, hindi na pinapansin o tinitignan pa ang mga nasa tabi.

Kanina noong dumaan ako ay may pailaw na rin sa municipal hall. Karamihan pa ay doon ang punta imbes na ang misa. Mostly, mga kabataan.

The mass started. Tahimik ako at kung hindi sa church ang tingin, sa sahig naman at nakapikit. Quietly listening to the Father, someone stood beside me.

Una kong naamoy agad ang pabango nitong panlalake. Sa bango, nagising ang buong diwa ko at naalis agad ang antok.

Dahan-dahan kong tiningala kung sino iyon. Napanganga na lang ako nang makita.

Gwapo. Iyon agad ang pumasok sa isip ko. Nakasuot ng itim na hoodie, at itim din na face mask. Dahil naka-side view, kitang kita ang tangos ng ilong niya at haba ng pilikmata. Ang dalawang kamay ay nakalagay sa bulsa ng jacket at seryosong nakikinig. Tulad ko, mukhang siya rin lang mag-isa.

Sa paninitig ko, hindi ko agad napansin na nakatingin na rin pala siya sa 'kin. Agad akong umiwas at sa simbahan na lang tumingin. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.

Nakakahiya!

Naging conscious tuloy ako. Nakapaglagay naman ako pabango. Maayos ang suot ko. Nakapagsuklay ng buhok. Nag-toothbrush din. Check naman lahat.

Sa loob-loob ko ay nagdidiwang ako.

Yes! Thanks, God! May katabi akong gwapo! Kung ganito lagi, gaganahan talaga akong mag-simba!

Don't get me wrong. Hindi ako uma-attend ng mass just to search for a handsome guys. Siyempre for the words of God and the lessons. Pero masaya lang talaga ako.

Siniswerte yata talaga ako dahil ma's nadagdagan pa ang mga tao sa pwesto. Bahagya pa akong naitulak dahilan ng pagdikit ko sakanya.

"S-Sorry," agad kong sabi.

He just glanced at me for a sec and then divert his attention in front. Parang wala lang nangyari. Sumimangot ako.

Ang sungit niya, ah! Sa ganda kong 'to? Siguro kung ibang lalake yun, baka sila pa ang nag-sorry. Pero siya... tinignan lang ako T-T.

One-shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon