Never akong nag-confess, never kong shinare ang mga experiences ko sa iba, never akong nag-kwento sa iba. But today, I just can't take it anymore.
Nakilala ko kita sa social media. Ikaw unang nag-chat, and nagpatuloy na ang lahat. We exchanged name, photos, numbers, at kung ano-anong pa. Nagka-kwentuhan, nag-share ng about sa sarili, family, friends, at iba pa. Naging kumportable ako sayo, not knowing nahuhulog na pala ako. You're so sweet, caring, funny, and so gentle. Alam kong gwapo ka, based on your profile picture, maputi ka, matangkad, photogenic, and friendly coz you're surrounded by girls.
We've been chatting in between months, nag-eenjoy naman ako na hanggang sa screen lang kita nakakausap, but never came in my mind na makipagkita sayo. Kase alam ko ang galawan ng mga lalake, sa una lang sila sweet, but you proved me wrong. Sa mga oras na kausap kita, hindi nawawala ang sweetness mo. Never sumagi sa isip ko na makipagkita sayo kase, natakot ako sa napanood ko sa TV. Na yung girl, ni-raped nung ka-meet niyang guy. But you proved me wrong again.
You want to meet me, and I fought the fear inside me. Nakipagkita ako sayo, you were wearing your white polo, and napaka-gwapo mo,swear. Nag-usap tayo, kumain, naglaro at tinapos yun ng isang malakas na ulan. Akala ko doon na matatapos, na hindi na ulit tayo magkikita, but one day, I saw you inside our campus. At, magkaklase pa tayo! Maniwala ka man o hindi, I'm the happiest nung nakita kita.
We became closer, and mas lalo lang akong nahulog sayo. You were friendly sa mga kaklase nating mga babae, at sobra akong pinapatay noon sa selos. Ang mga buwan ng pasukan ay naging masaya at malungkot para sakin. Pero nangibabaw ang saya kase nandun ka naman eh.
I was about to confess my feelings to you, kase ramdam ko eh, I can feel that you like me too. Your sweetness, yung concern mo sakin,yung pagiging gentle, and yung mga jokes mo na korni. You like me too, right?
I was about to confess my feelings to you, when I accidentally overheard you talking to your phone.
"Mahal kita Jenny... What? How did you say that? Hindi ko mahal si Marieelle! I don't even like her! Ikaw lang... yeah, ikaw lang. Okay... okay... I love you... always... bye."
Akala ko hindi totoo yung mga nababasa kong heartbreaks sa mga love story, yung physical na nararamdaman ng mga nasasaktan. Pero hindi pala, kase nararamdaman ko rin ang unti-unting sakit sa puso ko. Parang dinudurog, parang tinatapak-tapakan siya, parang tinutusok-tusok.
And a question came into my mind.
I thought you like me too?
Nag-assume lang pala ako.

BINABASA MO ANG
One-shot Stories
De TodoMga storyang sumasagi sa aking isip na nais kong gawing isang buong kwento ngunit ako ay tinatamad kaya't naisipan ko na lang na gawing isahan.