POEM
ITIM
Hindi ito para sa'yo
Ngunit gusto kong mabasa mo
Ang nais ng puso kong sabihin
Dahil hindi ko na kaya pang ilihim
Pitong bilyong tao sa mundo
At sa'yo pa ako tinamaan ng husto
Sinubukan kong pigilan
Pero mas lalo lang natuluyan
Hindi ko naman hinihiling
Na ako ay iyong mahalin
Pero sana sinabi mo
Dahil umasa ako sa'yo
Hindi ko na pahahabain pa
Ayokong ikaw ay maabala
Gusto ko lang malaman mo na
And kulay ng mundo ko ay nag-iba
Paborito ko ang mga kulay
Lalo na ang dilaw
Berde, asul, pula
Luntian, puti at Lila
Pero lahat ng iyan ay naglaho
Dahil sa maling akala ko
Wala ng kulay para sa akin
Kundi ang nakikita ko na lang, ay purong itim...
______
here's ur requested poem! hope u like it!
BINABASA MO ANG
One-shot Stories
RandomMga storyang sumasagi sa aking isip na nais kong gawing isang buong kwento ngunit ako ay tinatamad kaya't naisipan ko na lang na gawing isahan.
