(Tadhana ft. Imahe)
"KINALIMUTAN KAHIT NAHIHIRAPAN, PAG-IBIG NA ATING SINAYANG... PINAGTAGPO, NGUNIT HINDI 'TINADHANA. HANGGANG DITO NA LANG TAYO..."
Hearing those lyrics in the song hurts me. Napakasakit nga naman ng mga katagang iyon. Nakilala mo, minahal mo, pero kahit gaano mo kamahal, kung hindi kayo para sa isa't isa wala din lang. The world is really unfair.
Pero wala ng mas sasakit pa sa itinadhana pero hindi pinagtagpo. Yung tipong, kayo dapat sa isa't isa, pero hinding hindi kayo pagtatagpuin ng tadhana. You were meant for each other, but you'll never meet each other.
Mas maganda na 'yong pinagtagpo kayo kahit hindi kayo itinadhana. Kasi, naranasan mo minsan sa buhay mo na magmahal, na mahalin ang taong alam mong dapat mong mahalin kahit hindi naman para sayo.
According to my Tita, Tito isn't her 'greatest love.' Meron daw talaga siyang pinakamamahal noon na iniwan siya. Tumagal din sila, legal, mahal na mahal ang isa't isa pero napunta sa puntong nang-iwan na ang isa. Umalis, at 'di na bumalik pa.
Noong una, akala ko niloloko niya lang si Tito. But when she said she loves my Tito so much, nawala na din ang duda ko. Mayroon lang mga pagkakataong nagsisisi siya kung bakit hindi niya inalam ang dahilan ng paglisan nito.
Regrets. She'd been flooded by what if's. What if pinaglaban niya, what if hinabol niya, what if tinanong niya, what if hinintay niya? What if binalikan pala siya? What if hindi naman talaga umalis? What if, may pag-asa pa?
It's a nightmare for me. Ayokong magsisi sa bandang huli. Ayokong isipin ang mga bagay na dapat kong ginawa una pa lang. Ayokong magalit sa sarili ko. Ayokong malunod sa pag-iisip ng mga maaring mangyari kung ginawa ko ang ganito o ganyan.
Bata pa lang, sa bawat panaginip ko ay mayroong kaisa-isang lalake. Lalaking hindi ko kilala pero kitang kita ko ang kaniyang hitsura. Hindi siya maputi, moreno. Matangos ang kaniyang ilong, kulay asul ang mga mata, makakapal ang kilay at manipis labi. Ang kaniyang itim at kulot na buhok ay inililipad ng hangin.
Noong una, akala ko wala lang iyon. Pero paulit-ulit siya sa panaginip ko. Nag-uusap kami, nagtatawanan, nagsasayaw, at kung minsan ay magtititigan lang. We've been to different places according in my dream.
I'm on my eleven years old when I tried to search for him in the internet kahit pa hindi ko alam ang pangalan niya. When I failed, I tried to lucid dream. Ginawa ko ang mga bagay para lang makapag-lucid dream ako. But then again, I failed.
Minsan, nanaginip ulit ako at siya na naman. Nasa balkonahe kami, habang naglalakad ako palapit sakanya ay inabot niya sa akin ang kamay niya. Nang makalapit ako ay hinila ako palapit at niyakap. Masaya kaming nag-usap at pagkagising ko'y nasapo ko ang noo ko.
I forgot to ask for his name!
Dahil nga panaginip lamang iyon, tumigil ako sa paghahanap ng kasagutan at hinayaan na lamang na mapanaginipan siya. Gabi-gabi, walang palya. At sa bawat pagtatagpo namin, nalilimutan ko na lang itanong ang pangalan niya.
Hanggang sa nag-dalaga, ganoon pa rin. Wala na akong ginawa, napagod na sa kahahanap sakanya. Naisip kong, baka imahinasyon ko lang 'yon? Baka hindi siya totoo. Baka guni-guni ko lang siya at hanggang panaginip lang.
I tried to entertain suitors. Noong una, masaya pero kalaunan, sa kada pikit ko ng mata ko ay ang lalaking may asul na mata at kulot na buhok ang nakikita ko. Siya lang yung laging laman ng isip ko. Kaya imbes na mag-boyfriend, hindi na lang.
Natuto ko siyang mahalin sa bawat gabing nakakasama ko siya sa panaginip ko. Kaya sa tuwing natutulog,excited ako kasi alam kong makikita ko siya. At hindi naman pumapalya. Sa panaginip ko, masaya kami, at sweet pa sa isa't isa.
Hindi nagtagal, dahil napag-iiwanan na, nagpakasal ako sa lalaking sinubukan ko namang mahalin pero hindi kasing lalim sa pagmamahal ko sa lalaking nasa panaginip ko. Nagka-anak kami, at kahit ganoon, nasa panaginip ko pa rin siya.
Umabot na sa puntong lumaki na ang mga anak ko, nagkaroon ng sariling pamilya, at biniyayaan na ako ng apo. But that guy who has a blue eyes and a curly hair didn't leave my dreams. Dahil doon, mas lalo ko siyang minahal.
Mabilis na lumipas ang panahon. Matanda na ako't uugod-ugod na. Nanghihina na ang katawan ko dahil sa katandaan. Ang asawa ko ang nag-aalaga sa akin at tanging kasama sa bahay. And every time I looked at him, I'll always see the man in my dreams. Kaya naaawa ako sa sarili ko, dahil hindi ko man lang nasilayan at nahaplos ang lalaking totoo kong minamahal.
It's one of those peaceful and lonely afternoon when I'll think of the things I wished I've done when I was younger. Sana pala, ginawa ko lahat para lang mahanap siya. Sana pala, nilibot ko na lang ang mundo para lang makita siya. Sana pala, hindi ako huminto noon sa paghahanap sakanya. Sana pala, nagpatuloy na lang ako.
Kung ginawa ko ba ang mga iyan noon, maaari kayang siya ang kasama ko ngayon?
I really hate regrets. Kasi alam ko, wala na akong magagawa pa. Huling huli na ang lahat. Hinding hindi ko na siya makikita. The world is really unfair. And so the destiny does.
Itinadhana kami, pero bakit hindi kami pinagtagpo?
Sa panaginip ko, naroon siya at lumiliwanag. Ramdam ko ang lakas ko at pag babalik sa pagiging dalaga ng katawan ko. He held out his hand for me. Napangiti ako at inabot iyon. Naglakad kami palapit sa liwanag. But before that, I looked back at my old husband together with our children crying in front of my dead old body.
"Thank you for the life you gave me when I had nothing," bulong ko.
Mabilis kong pinunasan ang luhang pumatak at humarap sa lalaking minamahal ko. He smiled at me, I am too. Tumalikod na kami at nagpatuloy sa pagsama sa liwanag.
This is what I've been waiting for my whole life...
BINABASA MO ANG
One-shot Stories
DiversosMga storyang sumasagi sa aking isip na nais kong gawing isang buong kwento ngunit ako ay tinatamad kaya't naisipan ko na lang na gawing isahan.