*entry 15*

22 4 0
                                        

PADER

"Hey guys, itulak niyo ko kay Mark!"

Biglang nagtawanan ang mga kaibigan ko sa sinabi ko.Nandito kami ngayon sa hallway papunta sa classroom.Mula sa pwesto namin ay kita ko si Mark,ang matagal ko ng crush.

"Lakasan mo Kc ha!" Sigaw ko sa kaibigan ko na nasa likod ko.

"Oo na! Oo na! Ang landi nito! HAHAHAHA."

Malaki ang ngisi ko habang papalapit sa akin si Mark.Kasama niya ang mga barkada niya pero siya ang nauuna.Hindi na ako makapag-hintay! Nang malapit na sila ay bumulong na ako kay Kc.

"Bessy,dali na!"

*boogsh*

"OUCH! KC ANO BA!"

Nagkunwari akong nasaktan kahit nakayakap ako ngayon kay Mark.Nagkatitigan kami at naamoy ko agad ang pabango niya! Omg! Ambango mo crush! Akin kana lang!

Ayoko siyang bitawan pero ramdam ko ang pagkalas niya sa kamay ko kaya bumitaw na ako.Tawang tawa ang mga kaibigan ko sa likod,habang ako naman ay tuwang tuwa dahil nayakap ko ngayon si Mark! Shit! Ang bango bango talaga ng bebe ko!

"Sorry Fifth,nasaktan ka ba?"

Omygad mga bes! Halata namang sinadya iyon pero siya pa ang nag-sorry! Concern pa sa 'kin! Mahal mo na ako crush? Pakakasal kana sa 'kin? Tara na siren! Haha.

"H-Hindi,masakit dito eh." Itinuro ko ang puso ko.

"Ha? Napano ka?"

"Masakit,kase hindi mo man lang ramdam ang pagmamahal ko."

"YIEEEEHHHH!"

"HAHAHAHA hoy Fifth ikaw na talaga!"

"Mark sagutin mo na kaibigan namin!"

Ang ingay ng mga kaibigan ko pati barkada niya pero nanatili lang siyang tahimik.Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.Akala ko sasabihin niya rin na mahal niya ako,na kami na lang dalawa,na pakakasalan na niya ako,na bebe ko na siya,na bubuo na kami ng pamilya together, na ako na ang forever niya,na kasabay ko na siyang tatanda,na siya na ang honneybonybabybunny ko, pero nagulat ako sa sinabi niya.

"I just don't love you Fifth.And by the way,ang tigas ng dibdib mo.Pader ba 'yan?"

"HAHAHAHAHA pahiya ka Fifth! Wag kasi ang pare namin!"

"BWAHAHAHA PADER KA BESSY?"

"BOOOO! NA-REJECT! PADEEERRR!"

I was stunned.Nilait niya ba ako? Did he just say that I'm just like a wall? Mahal,bakit? Sinasaktan mo na ako ngayon? 'Di mo na talaga ako lab? Pakamatay na ako siren! Joke.Foul 'yon ha.

One-shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon