PART 2
Buwan ang lumipas,nang iwan ko siya doon.At dahil bakasyon na,nakatambay lang ako sa bahay at nakababad sa aking cellphone nang isang umaga ay makatanggap ako ng isang message galing sa aming group chat.
Kyrie Chua : Guys,sinong pupunta sa school?
John Paul : Wala,tamad kami bro,ikaw na lang.
seen by John Paul,Kyrie Padilla, and 2 others.
Bakit siya nagtatanong? Pupunta ba siya sa school? Anong gagawin niya doon?
John Paul : Ano bang gagawin mo doon?
Kyrie Chua : May babayaran lang,tsaka magpapapirma rin.
seen by Kyrie,John Paul,and 6 others.
Walang sumagot sa mga kaklase ko,ibig sabihin mag-isa siya doon.Mag-isa siya at wala siyang kasama.Nag-type agad ako ng sasabihin.
Mariel : Hintayin moko,pupuntahan kita.
Kyrie : Seryoso?
Ako pa ba? Eh mahal kita! Syempre sasamahan kita!
Mariel : Oo,hintayin moko diyan.Maliligo lang ako.
Kyrie : Hihintayin kita.
Pinatay ko agad ang data ng phone ko at mabilis na naligo.Limang minuto ay natapos agad ako,at mabilis na nagbihis.Nagpaalam ako kay mama,at humingi ng sampung pisong barya pandagdag sa pera kong bente lang.Tumakbo ako palabas ng gate,palabas sa residence, at pumara ng tricycle.Nang ihinto ako sa harap ng school ay inabot ko agad ang bayad,tumakbo papasok sa gate,patungo sa building namin,paakyat sa second floor dahil doon ang aming room.Hingal na hingal na ako,pero ng makita na nakabukas ang pinto ng room namin ay mas ginanahan akong tumakbo pa.Mabilis akong tumakbo palapit doon,at bumungad sa akin si Kyrie,nakahalukipkip,naka-upo sa isa sa mga upuan,at nang marinig ang ingay ng pagpasok ko ay dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa akin.
"Ang tagal mo."
Hindi agad ako nakasagot dahil sa pagod.Pumasok ako sa room at pinaypayan ang sarili gamit ang mga kamay.Sobrang init! Nakakapagod! Palakad-lakad ako upang sumagap ng hangin.Ramdam ko naman ang titig niya sa akin.
"Umupo ka muna."
Hindi ko siya pinansin.Patuloy ako sa paglalakad-lakad dahil ang init talaga.Ngunit nabigla ako ng bigla niyang hilahin ang kamay ko't iupo sa katabi niyang upuan.
"Maupo ka diyan,tayo ka ng tayo."
"Para tumangkad ako." Pagsusungit ko.
"Akala ko ba wala ka ng pake sa height mo?"
"Joke lang yun,syempre meron."
Ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin sa gilid ng aking mga mata.
"Buti pinayagan ka ng mama mo?"
"Hindi ako pinayagan,tumakas lang ako." para sayo.
Nagpahinga lang ako ng saglit,at inaya ko na agad siyang magbayad at gawin ang mga dapat niyang gawin.Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap ay biglang dumaan ang pinsan kong babae,si Shaira.At dahil don naputol ang sana'y moment namin.Nag-usap lang kami saglit ni Shaira,at inaya ko na agad si Kyrie na bumaba.
Sinamahan ko siyang magbayad,at magpapirma.Naroon din ang tita ko,ang mama ni Shaira,pati na ang papa niya,at kapatid na lalaki.Nagkamustahan kami at matapos noon nag-aya na silang umuwi.Nauna sila Tito at tita,naiwan naman kasama namin sila Shaira,pati ang kapatid niya.
Pauwi na kami ng mag-aya si Kyrie na ilibre kami,tumanggi ako pero mapilit siya.Pumunta lang kami sa isang milktea shop,natapos non nagpa-alam na siya na may dadaanan pa.
Ilang linggo na matapos non,at mas lalo pang lumala yung feelings ko for him.Pero may bigla siyang sinabi sa akin na sobrang nakawasak sa puso ko.
"May gusto sakin yung pinsan mo."
Tinanong ko siya kung liligawan niya ba.
"Hindi na."
Tinanong ko siya kung sila na ba.
"Hindi 'pa'."
And that simple reply broke me so bad.
Bakit,Shaira? Diba alam mo na may gusto ako sakanya?
BINABASA MO ANG
One-shot Stories
RandomMga storyang sumasagi sa aking isip na nais kong gawing isang buong kwento ngunit ako ay tinatamad kaya't naisipan ko na lang na gawing isahan.