"Sasamahan kita,basta ilibre moko!"
Please,please pumayag ka! Wala akong baon ngayon!
The time na tumango siya at tinignan ako ay bigla akong napatalon sa tuwa.Wala na akong po-problemahin! Kinuha ko agad ang kamay niya at hinila patungo sa aking canteen.He's a transferee sa school at hindi pa alam ang pasikot-sikot.Dahil nga mabait akong babae,sinamahan ko siya.Pero may libre naman ako! HAHAHAHAHA
"Anong nakakatawa?" Tinignan niya ako ng nakakunot ang kanyang noo.
"Wala! Halika na at Ilibre mo na ako!"
Lahat ng paborito kong pagkain ay ipinabili ko sakanya.Nang makita kong mineral water lang ang binili niya ay namula ang pisnge ko at nahihiyang hinarap siya.Naka-upo na kami ngayon sa isa sa mga upuan sa canteen pero hindi ko pa nilalantakan ang mga pinamili ko.
"Iyan lang kakainin mo? Tubig?"
He just nodded at me and looked away,inilibot ang paningin sa loob ng canteen.At dahil sa kanyang ginawa,napagmasdan ko ng mabuti ang kanyang mukha.He has chubby cheeks,matangos na ilong,at ang kapal ng kilay! Mas makapal pa ata sa akin at ang pilikmata! Naglalaban kami sa haba! And oh! His lips,mamula-mula.Daig pa ako na halos mamuti na,sobrang putla ko tuloy tignan.
"Done checking me?"
Napagitla ako sa sinabi niya.Umiwas ako ng tingin at kumain na lang.Ilang minuto ang lumipas ay natapos na rin ako,habang siya ay tahimik lang na nagmamasid sa buong paligid.Nang marinig ko na ang ring ng bell ay inaya ko na siyang bumalik sa room.
THAT'S how me met.It's been seven months after that and mas nakilala ko pa siya.He's not the silent type,sobrang ingay niya! Makulit,madaldal,inglesyero,mayaman pala siya,mapagbigay,minsan mabait,pero madalas ang sama! He tried to hit on me after he treated me pero ipinangako ko sa sarili ko na I'll never fall in love with a man na sobrang landi! Yes! Malandi siya! Ang daming ka-chat,nilalandi yung mga babae na dumadaan sa hallway,but one thing na sobrang sakit para sa akin ay nang malaman ko na he only love one girl,and that's not ME.That girl was from a higher section, maganda,Maputo,matangkad,matalino,at kilala sa buong school.Nung una wala lang sa akin,but when I tried his name on Facebook,damn.I fall too hard! Pero mas lalo lang nadurog yung puso ko nang makita siyang umiyak nang dahil lang sa babae na mahal niya.That one hurt me.How I wish na sana ako na lang,sana ako na lang minahal niya kase I'll never hurt him I promise.Pero,after that,nalaman ko na lang na may nililigawan na siya,he moved on.That hurts but what can I do? Friend lang ang turing niya sa akin,he never treated me like a special girl in his life.
MARCH.Month full of goodbyes.Gustong gusto ko nang umamin sakanya! Na gusto ko siya,na may crush ako sakanya pero nalaman ko na may gusto din sakanya yung isa ko pang kaibigan.I've also seen the bad side of him,but I still want him,siya at siya lang.At dahil march na,wala ng klase.All we did was to play! Laro doon,laro dito.And god knows how I love the way he laugh and smile.But seeing him looking intently on other girls hurts so much.Nakakuha ako ng honor,hoping that it would impress him.But it turned out,wala daw siyang pake sa akin.Halos hindi ako makahinga nung time na yun,and I suddenly murmured,"walang p-pake? But I'm always praying for you every night.".
APRIL.Its done,we're done,recognition was done.Umasa ako na nandoon siya,umasa ako,na sana he'll support me,he'll cheer for me pero wala.Umasa lang ako sa wala.And now,he said.
"What happened to you? Iniiwasan mo ba ako? Masyado kang malamig sa akin."
Sabi ko na lang sa isip ko,"Ngayon mo lang napansin? Oo nga pala,you're too busy with the others girls."
I replied, "Wala,wala.Ayos lang ako,kaso durog na durog na."
After that,I left him.

BINABASA MO ANG
One-shot Stories
De TodoMga storyang sumasagi sa aking isip na nais kong gawing isang buong kwento ngunit ako ay tinatamad kaya't naisipan ko na lang na gawing isahan.