Halloween Special

22 5 0
                                        

"AMANG, TOTOO TALAGA ANG MGA MULTO? ENGKANTO? DUWENDE? WHITE LADY? KAPRE?" tanong ko sa lolo ko.

Kalagitnaan ng gabi, sa loob ng bahay namin na hindi pa natatapos, ay naisipan kong tanungin siya ng ganyan. Bigla kasing pumasok sa isip ko ang mga kakaibang nilalang na di umano'y kasama daw natin dito sa mundong ibabaw. Ang tinig ng reporter sa radyong pinakikinggan ni Amang ay unti-unting humina, umayos siya sa pagkaka-upo sa kanyang katre, ang kanyang tulugan at nilingon ako.

"No ibagak, naani nataktakot ka lamet apo," napangiti ang lolo ko, "ag ka lalamet makaugip." (trans: Kung sasabihin ko, mamaya matatakot ka na naman apo, hindi ka na naman makatulog."

Umiling ako, desidido nang magpakatatag upang marinig ang kanyang kwento. Kung noo'y takot na takot ako, sa edad kong walo ay hindi na dapat ako matatatakutin. Inayos ko ang kutson na aking higaan at hinarap si Amang.

"Andila et! Basta ibaga yo la," pagpupumilit ko, "labay ko labat ya naantaan no tudtuwa o andi. Amang! Sige la ah!" (trans: Hindi! Basta sabihin niyo na, gusto ko lang naman malaman kung totoo o hindi)

Pinatay niya ang radyong kanyang pinakikinggan, "Sige pa la, maulitek kan ugaw." (trans: Sige na nga, makulit kang bata ka)

"Yes! Amang, dali na!" sa sobrang tuwa ko ay halos mapatalon pa ako sa pagkakaupo ko.

Itinabi niya ang kanyang radyo at nagsimula nang mag-kwento, "Noong kabataan pa namin, ako at ang barkada ko'y nagpunta sa nililigawan niya. Gabi noon, malaki at maliwanag ang buwan. Nagpunta kami ng lasing kami, pero sa kalagitnaan ng aming paglalakad," nanlalaki ang mga mata ni Amang habang nagsasalita at tila may itinuturo pa, "biglang may naramdaman ang kasama ko. Sambit niya'y tila may kakaiba raw sa likod namin. Ako nama'y hindi pinansin dahil akala ko'y wala lang, ngunit nang kami'y natapat sa isang napakalaking puno, tila isang balete, bumigat ang aking nararamdaman."

Natatawa ako sa hitsura ng lolo ko, talagang with acting pa habang nagke-kwento. Dalang dala siya sa kanyang istorya. Ang tawa ko'y naglaho ng ipagpatuloy niya ang kanyang pagsasalita.

"Sa gilid ng aking mga mata'y, nakita ko, sa kabilugan ng buwan, sa maliwanag na sinag nito, ay maitim at mahabang buhok. Kinilabutan ako, at pati na rin ang kasama ko dahil ganoon rin ang kanyang nakita. Ang kalasingan namin noo'y naglaho. Sa takot namin ay kumaripas kami ng takbo. Ang nasa likod nami'y sumusunod din, puting bestida ang suot nito sa pagkaka-tanda ko. Hindi kami tinigilan. Bibilisan namin ang takbo, bibilis din siya. Sa kalagitnaan ng aming pagtakbo ay nagdadasal na ako." tumigil siya.

"White lady siren man? Amang?" tanong ko. (trans: White Lady iyon? Amang?)

Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy ulit, "Swerte namin at saktong napadpad kami sa bahay ng kaibigan ko, pumasok kami doon at nagtalukbong ng kumot. Sa bintana ng kanyang kwarto, nakabukas, ay hindi namin inaasahang..."

"Inaasahang?"

"Sumilip siya! Wooohh! Waaahh!" Sigaw ni Amang.

Sa takot ko'y bigla akong nakatayo at lumapit sa kanyang pwesto. Mangiyak-ngiyak ako dahil sa takot na dulot ng kanyang pagsigaw. Siya nama'y tila mauubusan na ng hininga sa kakatawa. Natakot ako, pero nawala din lang dahil nahawa ako sa ngiti at halakhak niya.

Matagal na iyong naike-kwento ni Amang mula nung bata pa ako pero ngayon ko lang narinig ng kumpleto. Simula noon, paulit-ulit na niya iyong ibinabahagi sa aming magpipinsan, mga apo niya. Sa dalas niyang i-kwento iyon ay halos hindi na namin ito pinapakinggan. Ganoon si Amang, paulit-ulit magke-kwento, kundi ay magra-radyo. Ganoon lang ang kanyang libangan.

Sa hirap ng aming buhay, nang ako ay maglabing-apat na gulang, iniwan ko siya at sumama ako sa aking ina. Masakit sa akin 'yon, pero gusto ko din na makasama ang mama ko. Kaya kahit na ayaw ni Amang dahil wala siyang kasama sa bahay, sumama pa rin ako. Bago ako tuluyang makalayo sakay ng tricycle, nilingon ko siya at nakita ang maluha-luha niyang mga mata, ang lungkot na nilalaman nito, ang sakit, ang pagmamaka-awa na huwag na akong umalis, ang pagbabaka-sakaling bababa ako at babalik sakanya. PERO HINDI KO GINAWA, tumalikod ako at hinarap na lang ang mama ko na nasa tabi ko.

Noong una'y hindi pa ako sanay, hinahanap-hanap ko siya at ang kanyang mga kwento pero kalaunan ay nasanay na rin. Mula ng lumipat ako kay mama, hindi ko na nagawang bisitahin siya. Maski dalawin sa bahay, HINDI KO GINAWA. SA ANONG DAHILAN? TAMAD AKO. TINAMAD NAMAN AKO.

Miyerkules, maaga akong pumasok. Sumagi sa isip ko na dalawin siya dahil malapit lang ang bahay sa paaralan. PERO TINAMAD NA NAMAN AKO. First subject done, second subject done, break, third subject. Sa kalagitnaan ng pagsusulit ko, isang balita ang dumurog sa puso ko.

"K-Kuya, si A-Amang, w-wala na siya."

"A-Ano? Anong nangyari? A-Ano? Ano ulit?"

"Si A-Amang, wala na s-siya."

Hindi ko inalintana ang pagsusulit, nilisan ko ang paaralan at dali-daling tinakbo ang bahay namin. Sa daan pa lang ay hindi na matigil ang pagluha ko. Dire-diretso iyon sa pagbagsak. Malapit sa bahay, dinig ko na ang hagulgol ni mama. Dali dali akong pumasok, at bumungad sa akin, ang wala ng malay na si Amang. Nakahilata siya sa kanyang katre, nakapikit, hindi na humihinga, wala ng buhay. Nanghina ako, at binalot agad ng PAGSISISI.

Niyakap ko siya, ang lolo ko, "Amang! Amang! Amang... Amang... Gumising ka, amang..." Niyuyogyog ko siya, pinipilit na bumangon. Hindi ito totoo, natutulog lang siya. Inalog ko siya ng inalog, hangga't sa nanghina ako, at tanging hagulgol na lang.

Iyong araw na iyon, ay mas masakit pa kesa noong nawalan ako ng cellphone. Looking back at it now, makes me regret so much. So much to the point that I am convincing myself that I am the one at fault why my grandfather died.

What if I didn't leave him? What if I stay beside him? What if I choose him over my mama? What if I chose to suffer than to leave?

Maybe my story didn't make you scared the way you want by the ghosts scenes, but let me tell you one thing. ISN'T IT SCARY TO REGRET ONE THING YOU KNOW YOU CANT BRING BACK? ISN'T IT SCARY TO BE FLOODED BY WHAT IF'S AT THE END OF THE DAY THINKING? BUT THIS IS THE SCARIEST... MY AMANG USED TO TAKE CARE OF ME WHEN I WAS A CHILD, AND I PROMISED TO TAKE CARE OF HIM TOO. AND WHAT DID I DO? I LEFT HIM. I BROKE MY PROMISE. IT IS THE SCARIEST FOR ME. TO REALIZE HOW MUCH I LOVE MY LOLO WHEN HE'S ALREADY DEAD. TO REALIZE HOW MUCH I WANT TO TAKE CARE OF HIM WHEN HE'S ALREADY GONE.

My cousin once told me, "Hanap ng hanap sayo si amang bago siya mawala. Ikaw lagi niyang hinahanap. Hinihintay ka niya..."

Bro, I quit.

One-shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon