"--I let my guards down, and then you pull the rug. I was kind of get to used to be in someone you loved..."
Someone he loved...
Ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na tama na, tapos na, wala na talaga.
Wala naman talaga. Pero ang hindi ko lang maintindihan, bakit patuloy pa rin akong sumusulat ng para sa'yo? Ng tungkol sa'yo? Bakit???
Noon, hindi ko maintindihan ang nasa Twitter ni Kuya Sic Santos. Yung header niya to be exact. Nahusgahan ko tuloy siya. Nasabi ko na:
Ay, hindi maka-move on? Hindi maalis sa isip, Kuya Sic?
Pero ngayon, unti-unti na rin iyong nangyayari sa akin. My pen just won't stop bleeding for you. Hindi ako mahinto sa kakasulat ng tungkol sa'yo. Kahit ayaw ko, patuloy na bumubuhos ang mga salita na nagsusumigaw ng pangalan mo.
Ngayon, naiintindihan ko na siya. Ang pakiramdam ng ganun. Mahirap pala. Sobrang hirap. Yung tipong sinasabi mo sa sarili mo na hindi kana apektado, pero patuloy ka pa ring sumusulat para sakanya?
Ang sabi ko sa sarili ko noon, hindi 'to! Hindi 'to para sakanya! Fiction lang!
Pero ngayon, na nagbabalik tanaw ako sa mga dati kong obra, natanto ko. Na halos lahat ng chapters dito ay para sa'yo. Nakakaawa ako, naaawa ako sa sarili ko noon. Kasi lahat ng hinanakit at naramdaman ko, naipon ko na pala.
Gusto ko ring... magaya ang nasa bio ni Kuya Sic sa Twitter.
Sana mahinto na rin ako sa kakasulat ng tungkol sa'yo. Sana matigil na ang pagdurugo ng lapis ko para sa'yo. Sana wala na akong maisulat na ikaw ang laman. Sana wala ng kahit ano. Sana... matigil na lang lahat.
Kasi nahihirapan na ako. I am only lying to myself when I said that I'm not affected anymore. Pero meron pa rin pala. Hindi feelings... hindi hinanakit... kundi mga hinabing salita na yung puso ko mismo ang gumawa.
Huwag mo sanang isipin na demanding na naman ako sa feelings mo. Hindi ganoon. Sana ay maintindihan mo na... nais lamang sumigaw ng puso ko. Nais ilabas ang lahat ng kaniyang saloobin sa pamamagitan ng pagsusulat.
Bigyan mo pa ako ng kaonting panahon. Konti pa... konti pa. Dahil ipinapangako ko, kapag ito ay tumigil, wala ka ng mababasa pang para sa'yo. Kapag naubos na ang tinta ng panulat ko para sa'yo, matatahimik na ang puso ko.
Pero sa ngayon, unawain mo muna ako. Hindi kita gagambalain, pangako...
______
Love you, Kuya Sic! Hehehe.

BINABASA MO ANG
One-shot Stories
AcakMga storyang sumasagi sa aking isip na nais kong gawing isang buong kwento ngunit ako ay tinatamad kaya't naisipan ko na lang na gawing isahan.