*entry 4*

54 5 2
                                    

B : Uy,pahiram notebook mo sa Science.
G : Kunin mo na sa bag.
B: Okay.

(After 5 minutes)

B : Pwede pahiram ng ballpen?
G : Nasa pencil case ko.Kunin mo na doon.
B : Sige. (malungkot na kinuha ang ballpen)

(After 5 minutes)

B : Pahiram nga nung project mo sa Math.Titignan ko lang.
G : Ge. (busy sa pagce-cellphone)
B : (napakamot sa ulo)

(After 5 minutes)

B : (nag-iisip ng bagay na hihiramin)
G : (tutok na tutok sa cellphone)
B : B-Bella,pwede pahiram ng ano? A-Ah---
G : Sige lang.Kunin mo na lang sa bag.
B : (kinakabahan.Hindi alam ang sasabihin.)
G : Kunin mo lang sa bag ko.Nandiyan naman lahat. (binalik ang atensyon sa cellphone)
B: (naiinis na kay girl) (huminga ng malalim at hinarap si girl sakanya)
G :(naiinis na napaharap kay boy) Ano? Sabi kunin mo na e!
B : Wala sa bag mo ang hihiramin ko!
G : E ano? Dali na! Alam naman na busy ako sa pagsusulat ng story ko e.
B : Pwede bang mahiram saglit ang atensyon mo? Pwede bang ako muna bago yang wattpad? Pwede bang mahiram ang konti mong oras para naman marinig mo ang sasabihin ko?
G : (naestatwa pero naguguluhan)
B : (huminga ng malalim) Bella,gusto kita! Hindi mo ba napapansin? Lagi kong sinusubukang makuha ang atensyon mo pero hindi mo naman binibigay! Lagi ka kaseng nakatutok sa wattpad na yan e! Gusto kita okay? Ang manhid mo naman e!
G : (napakunot ang noo) G-Gusto mo ako? Paano?
B : Gusto kita noon pa! Kaya nga hiram ako ng hiram ng gamit mo para lang mapansin mo.Paano kita nagustuhan? Dahil ikaw si Bella.Ikaw si Bella na adik na adik sa wattpad at hindi man lang ako pinapansin.Pwede bang ako na lang? Bago yang wattpad?
G : (natameme)

One-shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon