*entry 19*

19 1 0
                                    

"IF THE WORLD WILL GONNA END TOMORROW, WHO WILL YOU SPEND YOUR TIME TODAY WITH?"

Inilibot ni sir ang paningin niya sa mga kaklase ko at huminto ang tingin niya sa akin. Tamad ko namang ipinag-krus ang mga braso ko at inilagay iyon sa likod ng ulo ko at sumandal.

"Gavin?"

Walang gana kong tinignan si sir at sumulyap kay Sofie at nginisian.

"Idi-date ko si Sofie, sir," sabi ko at tumawa.

"Ayoko sayo, si Paulo ang gusto kong kasama!" Sagot niya at inirapan ako sabay harap kay Paulo na katabi niya.

Tumawa lang ako sakanya at ibinalik ang tingin kay sir na nasa harap. Nanatili ang tingin niya sa akin at hinihintay ang sagot ko. Ngumisi lang ako at umiling.

"Hindi magugunaw ang mundo sir, kaya 'wag mo na 'kong tinatanong ng ganyan. Hindi 'yan mangyayari."

"Hindi nga, tinatanong ko lang-"

Tumayo na agad ako at naglakad palabas. Nasulyapan ko si Loren na nakatingin at nang magtama ang mga mata namin ay agad na umiwas at lumunok pa.

Bitbit ang bag ay naglakad ako papunta sa kung saan. Tumingala ako sa mga nakahilerang puno dito sa field. Inilapag ko ang bag ko at humiga sa damo. Ang mga braso ko ang ginawa kong unan at pinagmasdan ang mga puno.

Pumikit ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Bumalik sa isip ko ang sinabi ni sir kanina.

Kung sakaling mangyari nga, kanino ko nga ba iaalay ang nalalabing mga oras?

Ulila na ako. Hindi ko na nakilala pa ang mga magulang ko at ang lolo't lola ko na ang nagpalaki sa 'kin ay sumakabilang buhay na rin.

Kaya, kanino nga ba? Ngayong mag-isa na lang ako sa buhay?

Bigla kong iminulat ang mga mata ko nang makarinig ng kaluskos. Nagtama ang mga mata namin ni Loren, nakatayo siya sa harap ko at nakatingin sa akin.

Bumangon ako at tumingala sakanya. Napatalon pa siya dahil sa pagkagulat. Lumunok ulit siya habang nakatayo roon.

"G-Gavin," she said.

The cold wind blew her hair making it to explode. Natabunan ng buhok niya ang mukha niya. Unti-unti niya iyong inalis, pinanood ko naman siya habang ginagawa iyon.

She's Loren. Hindi man niya sabihin, I can feel that she likes me. Hindi siya naiiba sa mga babaeng nagkakagusto din sa akin. Hindi rin siya naiiba sakanila dahil sa taglay nitong ganda. Masasabi kong, pareho lang siya sa kanila.

Kung ano man ang kaibahan niya sa nakararami, iyon ay ang pagiging consistent niya sa pagkagusto sa akin. She never stops supporting me, liking me, or whatsoever. Basta, lagi siyang nandiyan na naka-antabay sa akin. But not to the point na nakakairita, tahimik niya akong ginugusto kaya, hinahayaan ko na lang.

"What is it, Loren?"

Pati pagsasalita ko ay nagigitla pa siya. Ilang metro ang layo niya sa akin pero parang napapaso siya kaya humakbang siya paatras at lumunok na naman. Mukha siyang kinakabahan habang nakatingin sa akin.

"O-Okay ka lang b-ba? Bigla ka na lang kasing... u-umalis," nauutal niyang sagot sa 'kin.

I stared at her. Wanting to feel something. Wanting to give back what she's giving me but still, I can't. Oo, hindi ko siya gusto. Wala akong nararamdaman para sakanya. At hindi naman ako tanga para hindi siya patigilin noon pa pero siya lang talaga itong mapilit.

I don't get it, I can't seem to find a valid reason why girls like her likes me. What's so special about me anyway?

I'm a trash, snob, bad guy, and all that's negative. Tahimik ako, oo, but the real darkness is inside me. I never showed anyone a kindness, so why?

One-shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon