*entry 9*

35 6 0
                                        

"Saranghae ❤"

Anong mas pipiliin niyo? Jowa or gala? Nahihirapan ba kayong pumili? Well,for me hindi na ako nagdadalawang isip pa kung ano ang sagot diyan.Gala ang pipiliin ko dahil wala pa akong time for love.Sasaktan ka rin naman niyan eh so why waste time on that? I'm a traveller and I've traveled so many places and also countries nang ako lang but lately nakasama ko ang best friend ko.I've met her in college days at hanggang ngayon magkasama pa rin kami.I'm an IT graduate pero wala pa akong trabaho.Ang pinang-gagala ko is yung ipon ko from elementary days up to college.Masinop ako sa pera at bata pa lang ako tinatak ko na sa isip ko na I'll travel the world.Sa dami na nang napuntahan namin,hindi kami napapagod.Parehas kase kaming adik din,lakad ng lakad ganern.Then,one time napadako ako sa social media and I saw one place na sobrang sikat ngayon.Ang South Korea.I've never been go in there.So,napag-planuhan namin na puntahan ito.Nowadays,alam namin na uso ang k-pop.But the two of us really never knew that.Wala kaming alam sa mga k-pop na yan but we want to travel their place.Dumating kami sa Seoul mga bandang 5 am.Syempre sanay na kami kaya wala nang pahinga-pahinga.Bago pa man kami makarating dito ay nakapagpa-book na kami ng matutuliyan namin.We've planned na 3 days lang kami dito since ganun naman talaga every place na mapupuntahan namin.So pagdating,selfie dito,selfie doon.Nagpunta sa Namsan,triny ang padlock for couples,and many more.Mga bandang ala-una nang magutom kami kakalakad kaya nag-punta kami sa isang resto.Sa sobrang ganda ng place,naakit ako.Sa entrance ay may isang napaka-cute na mascot.Promoting the resto I think.Inabot ko ang phone ko kay Meisha para makipag-picture kay cute na cute na mascot!

"1 2 3 , smile!"

Dahil nga wala akong alam tungkol sa Korea eh wala din akong alam sa salita nila.I want to thank this mascot but I don't know.

"Meisha,paano mag-thank you in Korean?"

"Saranghae! Oo yun bes! "

Nahihiya akong humarap sa mascot,"S-Saranghae! Thank you! Saranghae!"

I shake the hand of the mascot.Natigilan siya sa sinabi ko.May mali ba? Feeling ko naman tama yun kase naririnig ko siya sa kapatid kong adik sa k-pop.Binitawan ko ang kamay niya then pumasok na kami sa resto.We eat our lunch there and we talk and also nagpahinga ng konti Mula sa pwesto ko,I saw the mascot remove his head.And there,I saw a guy,fixing his messy hair.Hindi ko masyadong makita ang mukha niya kase naka-sideview siya.And when he looked at my direction,nabigla ako.Seriously,how could he be this so damn hot and handsome at the same time? Na-stunned ako sa nakita ko buti na lang Meisha disturbed me.Tinignan niya ang tinitignan ko and then she teased me.

"Jai,crush mo no? Yieeee! Ikaw ha,dito ka lang pala makakahanap ng bibihag diyan sa puso mo."

"Eww! Mandiri ka nga Meisha! Wala akong time para diyan.And besides,hindi naman siya gwapo.Bawal na ba siyang tignan? Ew ka talaga Meisha.Ako? Hindi ko yan magugustuhan no!"

"Ang konti nung sinabi ko pren,halos mag-rap ka naman na."

"Eh kase nga,hindi ko naman----"

"Excuse me miss,your bill."

Naputol kami sa pag-uusap nang may biglang tumayo sa harap namin.Nagulat ako nang si Mr.Mascot yun! At mukhang nahihirapan pa siyang mag-english kase nabubulol pa siya.Umayos ako ng upo at binalaan si Meisha.Nakangiti kase siya nang nakakaloko saken.Ngumuso ako sakanya bilang tanda na siya na ang kumausap.

"Oh,thank you sir.Kamsahamnida!"

Tumango lang ang lalake at tumingin muna sakin bago umalis.Kunot noo kong tinignan si Meisha.

"Anong sinabi mo? Anong meaning nun?"

"Thank you."

"Teka,hindi naman yun yung sinabi mo saken kanina diba?"

"Sorry bes,hindi naman mapapansin yun eh."

"Eh anong meaning nung sinabi ko kanina?"

"I love you."

"Ano?!"

"Hayaan mo na,hindi na mapapansin yun bes."

Balisa ako hanggang sa umalis kami sa resto na yun.Tbh,kinakabahan ako for no apparent reason.Hindi ko alam pero kase,ilang beses kong nahuli sj Mr.Mascot na nakatingin sa kin while serving the other customers. Pagkadating namin sa hotel ay pansamantala na nawala ang kaba ko.Bagsak na bagsak kami ni Meisha at para bang ipinaubaya na ang katawan namin sa kama.Kinabukasan,namasyal kami.Pumunta kami sa Busan,Daegu,at Jeju island.Sobrang saya na nakalimutan ko na si Mr.Mascot.Pang third day ba namin,so kain kain na lang kami sa ibat ibang resto kase nga last day na namin.Next namin ay Paris.So,last na pinuntahan namin ay sa resto kung nasan si Mr.Mascot.Actually, ayoko nga eh,kaso mapilit si Meisha.Kaya ayun,dun kami nag-dinner.Akala ko hindi ako makakain kase panigurado na nandito siya,kaso wala.Nakahinga naman ako ng maluwag pero para bang nalungkot ako? Hays ewan.Lumabas kami sa resto at nagpunta sa Incheon Airport.Wala masyadong pasahero kaya mabilis din kaming nakasakay.Pitong oras ang byahe from SoKor to France.Syempre,jetlag kaya nagpahinga muna kami sa isang hotel.Kahit nandun na kami ay paulit ulit ang tanong ko kung bakit wala sa resto si Mr.Mascot? Nasan siya? Inalis ko muna siya sa isip ko at nagpahinga.Kinabukasan nun ay nagpunta kami sa Eiffel Tower.Syempre,selfie ulit kung saan saan.Nag-selfie ako then ni-review ko.Labis ang gulat ko nang i-zoom ko ang background at para bang nakuhanan si Mr.Mascot! Pamilyar eh! Tumingin agad ako sa likod ko para masigurado kung siya ba talaga.Nabigla ako nang makita siyang dahn dahang naglakad palapit sa akin.Nag-iba ang hitsura niya ngayon,naka-blue longsleeve na nakatupi hanggang siko tapos jeans.Seryoso,ang gwapo niya ngayon.Hindi ko matanggal ang pagkakatitig ko sakanya at ganun din siya.Nang makalapit siya sa akin ay tila ba napako ako sa kinatatayuan ko.

"I love you."

"H-Huh? A-Anong,I m-mean what are talking about?"

"You said you love me right? I'm answering you now."

Ang lakad ng kalabog puso ko.Mahal niya raw ako? Seryoso? Siya? Ang dali naman niyang ma-fall.Ako nga crush ko pa lang siya tapos mahal niya agad ako?! Nagjo-joke to eh.Patawa siya.

"T-Teka,uhh wait pala.Hindi kita ay mali! I don't love you.Okay? Nagkamali ay mali! Its not what you think."

"It is.You love me so I love you too.Wala nang bawian to."

"M-Marunong kang managalog?!"

"A bit."

"Ay torpe! Pinahirapan mo pa ako!"

"I said a bit.What did you say?"

"Nothing.I said I don't love you.I just don't know how to say thank you in Korean and my friend told me that it's Saranghae.I'm sorry."

"No need to sorry.What's done is done."

"So,ayos na tayo?"

"Aniyo."

"H-Huh?"

"I'll court you.I love you now and I can't change it anyway.I'll make you fall inlove with me,too.You're the one who said it,I'm just being fair here."


One-shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon