Kabanata 3 : Konsensiya
Ace Monteverde Points of View
Napatingin ako sa isang bakla na kinaiinisan ko sa lahat at ngayon ginugulo niya ang tahimik kong pamamalagi sa likuran ng building. Iyak siya ng iyak hanggang sa marinig ko ang mga sinambit niya.
" bakit pa kasi ako naging bakla ?!!! kung hinde dahil sa preference kong to sana hindi ako itinakwil ng magulang ko !!! pero wala na eh, bakla na talaga ang turing ko sa sarili ko.!!" sambit niya at kita sa kinatatayuan ko ang labis niyang pagiiyak, parang hawak niya ang problema ng mundo dahil sa pagiiyak niya.
Nakaramdam ako ng patak ng ulan at doon ko napagtanto na uulan na pala. Lumakas ang ulan pero nakita ko siyang nakahandusay sa sahig at tila nawalan ng malay. Kaagad akong pinuputakte ng konsensiya ko at hinde ko mapigilan ang sarili ko na lumapit sa kanya.
Lumakas pa lalo ang ulan at minadale ko siyang buhatin kasama ang maigat niyang bag. Kaagad akong pumunta sa clinic at nagulat ang nurse sa nakita niya.
" Hala, anung nangyari kay bronze ? saan mo siya nakita ? " nagaalalang tanong ng nurse sa akin ng makita niya ang kahindikhindik na sinapit ng kakilala niya.
" nakatambay kasi ako sa likod at doon ko siya nakita sa likod umiiyak tapos nun nahimatay na siya tapos naulanan na siya non.." paliwanag ko at doon mas nanlaki ang mata ng nurse.
Kaagad siyang kumuha ng gamot at kaagad siyang lumapit sa bakla at hinubaran niya ito. Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko ang kakaibang latay sa kanyang katawan na ikinasira ng mood ko.
" anung nangyare dyan sa katawan niya ? bakit ang dame niyang latay dyan ? " pagtatanong ko, dahil kung sa akin nangyare yan ay siguro napalagan ko na yung gumawa sa akin niyan.
" ay, sa magulang niya yan nakuha at sariwa pa yan dahil 2 yrs palang yang peklat niya, natanggap niya yan nung umamin siya sa magulang niya na bakla siya.. pagkatapos siyang halos patayin ay itinakwil siya ng mga magulang niya tapos nagpalabot-laboy yan dito sa maynila.. buti mabait si maam. Bermudez tinulungan siyang makapagumpisa ulit.." paliwanag ng nurse at doon ako naawa sa kanya.
" alam mo idol ko tong batang ito, kasi ginagawa niya ang lahat para makapag-aral ng mabuti.. tapos nagtatrabaho pa siya at dalawa pa ang part time job niya para sa pinagkukuhaan niya ng panggastos sa sarili niya.. hanggang ngayon dahil sa trauma niya hindi siya nag try na magmahal ng lalaki dahil naalala niya yung mga pinagsasabi ng tatay niya at mama niya sa kanya kaya okay lang sa kanya na hanggang tingin na lang sa crush niya.." litany ng nurse at ngayon pinupunasan niya ang katawan ni bronze gamit ang maputing tela.
Muli ko siyang tinignan at nakita ko kung gaano kadame ang mga latay niya sa katawan at kung pagsusumamuhin ay nilatayan siya ng pitong guhit na malalaki sa katawan niya. at ang color violet nito ay hinde pa nawawala sa kanyang katawan, idagdag pa na napakapayat niya siguro dala ng pagtatrabaho niya at isama mo pa siguro yung mga thesis na binigay ng mga teachers namen.
Dumating ang pamilyar na guro na guro ko rin sa isang subject, at kaagad siyang lumapit sa kanyang estudyante at naiiyak nanaman ito.
" kawawa naman ang estudyante ko, ilang araw na ata tong puyat at siguro hindi na nakayanan ng katawan niya kaya nahimatay.. pagpahingahin ko muna dito tung bata na ito, I excuse ko muna sa mga teachers niya.." sambit nito at lumabas na ako sa clinic at dumeretso na ako sa lockers room at doon napagpasiyahan na maligo at magpalit ng damit.
Kaagad akong pumasok sa shower room at inisip ang kalagayan ng baklang yon, hinde kataka-taka na mangyayari sa kanya yon kung magkaroon siya ng malulupit na magulang. Totoo nga na minsan ang tao ay hinde dapat hinuhusgahan sa kanyang pisikal na kaanyuan .
Binuksan ko ang shower at kaagad na dumaloy sa katawan ko ang tubig na nanggagaling sa shower sa bandang itaas ko.
Bigla kong naalala ang kanyang mukha na parang tamang-tama lang ang kanyang itsura na binagayan ng kanyang maninipis na kilay at isama mo pa na namumula ang kanyang mga pisngi.
Napadilat ako sa aking naisip at hindi ko na malaman ang gagawin dahil hinndi ako sanay sa ginawa ko kanina.
Tinapos ko ang pagligo nun kasabay ng pagtapal sa aking pangibabang bahagi ng aking katawan. Kaagad akong dumeretso sa locker room at muli kong nakita si Leandro na kasalukuyang naagpapalit ng kanyang uniform at siguro ay papasok na siya sa kanyang susunod na aralin.
" saan ka galing ? aalis na ako, malalate na tayo sa klase naten.." bigkas ni Leandro at tapos na siyang magbihis.
" may dinala lang ako sa clinic dahil nahimatay kakaiyak.." maikli kong pahayag at tinapik niya lang ang balikat ko.
" buti naman, kamusta naman na yung hinatid mo sa clinic ? okay nab a ?" pagtatanong ni Leandro.
" okay na siya, sigurado akong aalagaan siya ng nurse ng paaralan.." naniniguro kong wika at siya naman ngumiti na parang ipinagmamalaki pa niya.
" tama yang ginawa mo.. bumabalik kana sa dati, nagiging approachable ka na ulit.." pangaasar niya pero hindi ko siya pinatulan na dahil sa wala akong ganang makipagbiruan.
" tigilan mo ko leandro, baka masuntok kita dyan.." pagbabanta ko t tumahimik na nga ang kupal.
Kaagad akong lumabas ng gate at muli kong naalala ang baklang yon, simula kanina parang hindi na siya mawala sa utak ko at nababahala ako sa nangyayari. Sana hinde maulit ang masalimuot kongkaranasan sa tulad niyang nanamantala.
BINABASA MO ANG
Hanggang Tanaw Na Lang Ba ?
RomanceIsang Baklang Hanggang Tanaw na Lang sa Kanyang Ultimate Crush .. Hindi Niya inaakala na sa isang Iglap ay magiging magkalapit sila dahil sa isang gulo na napasukan ng niya.. ANo kaya ang gagawin ng ating bida para sa susunod na mangyayari ?
