Kabanata 18

1.8K 60 5
                                    

Kabanata 18 : Makasalanang Tao

Mark Encienda POV

Sa totoo lang ang pagmamahal ko sa kanya ay hindi nawala dahil siya lang talaga ang hinahanap ko simula nung nawala siya sa kanyang mansion, mahal ko siya at simula nun ay hindi na nawala ang pagtingin ko sa kanya.

Hind ko siya naipaglaban dahil sa nakapagusap na kame ng magulang niya, at pinagbabantaan nila akong papatayin ang buong pamilya ko kung ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya.

Kasalukuyan akong naglalakad paapunta sa paaralan ng mahagip ulit ng mata ko si Bronze kasama ang ilang buwan na niyang kinakasama. Nabalitaan ko na sila na dahil sila ang pinagchichismisan sa paaralan.

Marame ang ang hihinayang nung pumatol yang Ace nayan kay bronze at pansin ko na parate silang magkadikit at klase lang talaga nila sila nagkakahiwalay. Sa tuwing nalalaman ko ang mga impormasyon na yon ay mas lalong tumitindi ang galit sa loob ko.

Wala eh, ngayon wala nang hahadlang sa pagmamahalan namen dahil napatay ko na yung mga peke niyang magulang sa probinsiya namen. Kasama yung presko nilang anak, siguro isusunod ko tong Ace na ito.

Matagal na akong nababaliw dahil hindi ko siya makita at nalaman ko na lang na duguan pala siyang pumunta sa maynila ?

Hindi ko pa malalaman yon kung hindi ko narinig ang paguusap ng isang napakagandang lalaki na ang tunay na tatay pala ni Bronze.

Mas lalong lumawak ang galit ko sa mga peke niyang magulang kaya bago sila mamatay ay tinorture ko muna sila sa mismong basement ng mansion nila at sinunog ko ito.

Sobrang saya ko ng nawala na sila at maibabalik ko na sa aking piling si Bronze. Una siyang naging akin at hindi ako makakapapayag na makuha siyang muli sa akin !!

Akin lang siya !!

Pumasok ako sa bahay ko na binili ko sa pamamagitan ng pera na nakuha ko sa mansion, hindi ganon kakitid ang ulo ko para hindi ko malaman na may nakatago doon. Marame akong nakitang alahas at ang maraming salapi na nakalagay sa Safe room ng mansion.

Kaagad akong pumunta sa kwarto ko at muli kong pinagmasdan ang mga litrato namen ni Bronze, kung sana pinaglaban ko ang pagmamahalan namen at hindi ako naging duwag siguro kame ngayon ang nagmamahalan at hindi sila nung Ace na yon.

I can do killing just to take him back, siya lang ang buhay ko at hindi ko hahayaang hindi siya mapunta sa akin.

Naglakad ako papunta sa kwarto ko para kunin ang baril na nakalagay sa drawer ko at napangisi ako sa mga alaala na dala nito.

Nakailang ulit na akong nakapatay gamit ang baril na ito, hindi ko inakala na makakapatay ako hanggang sa ang tadhana na mismo ang nag dikta sa akin.

Masaya kameng naglalakad ni Bronze sa damuhan at sobra akong natuwa ng mga oras na yon dahil ang laki ng ngiti niya sa bawat oras na magkasama kame.

Hindi ko inaakala na ang napakaganda niyang ugali at ang maamo niyang mukha ang nakabihag sa akin.

Parate ko siyang dinadala sa ilog at madalas kong makita ang mga sariwa niyang mga sugat na gawa siguro ng magulang niya. naawa ako sa kanya at the sametime gusto ko na siyang kunin sa impyernong tinitirhan niya.

" Masaya ka bang kasama ako ? " pagtatanong ko sa kanya at ngumiti siya ng napakalaki na halos hindi ko maidentipika ang nasa loob niya.

Hanggang Tanaw Na Lang Ba ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon