Kabanata 9

2.8K 103 5
                                        


Kabanata 9 : Marka

Kinaumagahan ay nanatili parin sa aking ulo ang nangyari kahapon at hindi maialis sa utak ko ang mga ginawa nameng hindi ko pinagsisisihan. Ilang beses akong inangkin ni ace kahapon at hindi ko naramdaman na pinaglalaruan niya ako sa bawat halikan na ginawa namen.

Nagising akong walang saplot at bakas sa likuran niya ang mga kalmot na gawa ng matutulis kong mga kuko. Hindi siya nagsisisi dahil naramdaman niya ang gusto niyang maramdaman sa akin.

Napatingin ako sa kanyang mukha na masayang natutulog sa aking tabi at nakapwesto nanaman siya sa bandang leeg ko.

Hindi ko inaakala na mauunang angkinin ako ng taong ito kesa ligawan ako. Wala akong magagawa dahil nadala na din ako ng nararamdaman ko sa kanya at alam kong dati pa na hindi lang init ang nararamdaman ko sa kanya dahil pagmamahal na yon na pinipigilan ko lang pausbungin dahil sa takot na ipagtulakan niya ako palayo sa buhay niya.

" nakatingin kananaman sa akin ?" nagulat ako sa kanyang wika at muli akong pinamulahanan sa sinabi niya. nakadantay sa akin ang kanyang mga malalaking mga binti at nararamdaman ko ang kanyang pagkalalaki na naninigas sa aking bandang hita.

Yumuko ako at tumayo, kaagad kong tinakpan ang sarili ko at napatawa lang ang kumag sa ginawa ko.

" wag mo nang itago yan dahil nakita ko nay an kahapon, wala ka nang maitatago sa akin.. " sabi niya pero hindi ko siya pinakinggan dahil sa hindi ako sanay at nahihiya parin ako sa kanya.

Naramdaman ko na lang ang mahigpit niyang pagyakap sa akin at mula sa kanyang pagyakap ay naramdaman ko nanaman ang mainit niyang hininga na nagpapasibol ng init sa aking katawan.

" wag ngayon, papasok tayo ng school ngayon.." bilin ko sa kanya at naramdaman ko na lang na umalis na siya sa likuran ko.

" alam ko, hayaan mo may next time pa tayo para gawin ang napakaamazing na parte ng buhay ko ang angkinin ka.." madiing sambit nito at kaagad na akong tumakbo papasok sa banyo ay sinigurado kong hindi mabubuksan ang banyo.

Binilisan ko ang pagligo at hanggang ngayon ay nararamdaman ko ang sakit ng pag angkin sa akin ni Ace.

Nababahala ako sa nangyari sa amen at baka tulad ni Mark Iwanan din niya ako. Kaagad akong nakaramdam ng kasawian sa pinaggagawa ko kahapon at ngayon hindi ko na alam ang gagawin.

Natapos ako sa pagligo at nakita ko si Ace na naghihintay sa harapan ng pinto ng banyo. Hindi siya nag lagay ng tuwalya sa kanyang pagkalalaki at ngayon napagmasdan ko ulit ang kanyang nakakatakot na kahabaan.

" Bronze, kung may inaalala ka tungkol sa ginawa naten kahapon.. wag kang magalala.. may sinubukan lang ako at napagtanto.. sayo lang ako nakakaramdam ng libog at wag kang magalala dahil sigurado na ako sa nararamdaman ko sayo.. wag na wag kang magtatangkang mawala sa buhay ko ngayon dahil pag ginawa mo yon, hahanapin kita at ipamumukha ko sayo ang pagmamahal ko sayo.. seryoso na ako sayo at ayaw ko nang maramdaman ulit na iniiwanan ako.." pagbabanta nito sa akin at naiyak ako sa mga sinabi niya.

Hindi ako sumagot pero niyakap ko siya ng napakahigpit. Doon ako muling nakapagsalita at doon ko naramdaman ang mga nais kong sabihin sa kanya.

" sana wag mong gayahin si Mark, ayaw kong mangyare ulit sa akin yon.." naiiyak kong sambit at naramdaman kong muli ang kanyang nagaalab na pagyakap sa akin.

" wag kang magalala dahil ipaglalaban kita kahit anong mangyari.." sabi nito sa akin at pumasok na siya sa banyo.

=====

Hanggang Tanaw Na Lang Ba ?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon