Kabanata 12

2.3K 96 1
                                    

Kabanata 12 : Pagkakakilanlan

Sumunod na mga araw ay masyado kameng naging busy hanggang sa hindi na ako nakatulog ng maayos dahil sa tambak na Gawain sa paaralan. Pero nalalampasan ko yun dahil tinutulungan ako ng mahal ko na matapos ang Gawain ko. kahit na may gagawin din siya ay ako padin ang inuuna niya.

" isunod mong isulat ito pero gawin mong version mo ang nakasulat dito, dapat ma feel ng mga makakabasa ng research mo na hindi mo nakuha ang mga inistate mo sa magiging conclusion mo dito.. kasi parang parehas lang ang conclusion nito sa ginagawa mong pananaliksik.." paliwanag niya at mas lalo kong naiintindihan ang gagawin ko dahil nalaman kong best in research pala ang boyfriend ko. kasalukuyan kameng nandito sa library at ginagawa ko ang mga deadline kong mga pananaliksik na dapatkong ipasa na kaagad bago ang deadline.

Natutuwa ako dahil natatapos ko kaagad yung research na ginawa ko dahil sa tulong niya. hindi lang siya sporty dahil napaka talino niya pa.

Umingay ang library ng may dumating na kaklase ko na hinihingal at nakatingin sa akin.

" anung kaguluhan ito ? bakit nagiingay kayo dito sa library.. umalis kayo dito.." paninita ni maam librarian sa mga kaklase ko.

" Bronze, nandito sa school ang isa sa mga sikat na Bussiness tycoon at hinahanap ka niya.. " kaagad akong naalarma sa kanilang boses at hinawakan ko ang kamay ni Ace.

" Ace, samahan mo kong pumunta doon.. " sambit ko at kaagad kameng sumama sa mga kaklase kong bruha.

Kaagad nameng tinungo ang lugar at kaagad kameng pinapasok sa principal office, nakita ko si Maam, Bermudez at isang hindi familiar na babae ko.

Nakasuot siya ng tuxedo at kita sa mukha niya ang authoridad at sa kilos nito ay masusi niya akong pikakatitigan.

" Bronze, siya pala si Mr. Silver Du Lamorovi.. inaako niya na ikaw ang nawawala niyang anak.." paliwanag sa akin ni Maam, Bermudez at kaagad akong kinabahan ng sobra sa sinabi niya.

Lumapit sa akin ang mukhang babae na ama ko at napagtanto ko na pareho kameng mukhang babae tignan.

Kaagad na tumulo ang mga luha ko sa aking mata, naramdaman kong humigpit ang hawak sa aking kamay ni Ace na naging dahilan para makakuha ako ng lakas ng loob para makapagsalita.

" wala akong ama, at wala akong pakialam sa kanya.." matigas kong wika at aakto na akong aalis nang hawakan ako ng mahigpit sa kamay.

" All this time, hinahanap kita at ngayong nahanap na kita.. hindi na kita pwedeng pakawalan pa, anak ... matagal ka nanamen hinahanap ng nanay mo.. hindi mo ba alam na ikinamatay na ng nanay mo ang paghahanap namen sayo ? " paliwanag nito ngunit tila nabingi ako sa mga sinabi niya at nawalan ako ng pake.

" hinanap ? oh come on, kung hindi pa ako umalis sa puder ng kinilala kong magulang baka hindi mo na ako maabutang buhay.. alam mo ba na lumayas ako sa pamilyang yon dahil sa malapit na akong mapatay ng kinikilala kong tatay at nanay ? halos mamatay na ako sa araw-araw na pangaalipusta sa akin ng mga taong yon.. at hindi mo alam na malapit na akong pawian ng buhay ng mga oras na pinaglaban ko ang kasarian ko sa kanila dahil lang sa nagmahal ako ng lalaki.. pinilit ko lang palakasin ang loob ko, kahit na duguan ako ng panahon na yon ay sumakay na ako ng bus pa maynila para makaalis sa impyernong pamilyang yon.." puno ng galit at paghihinagpis sa sariling wika ko at wala na akong pakialam sa mga nakakarinig.

Nanatiling tahimik ang paligid at napagpasiyahan kong magsalita ulit.

" alam mo papa este Mr. Lamorovi, tahimik na ang buhay ko at masaya ko nang nilalakbay ang buhay ng masaya kasama ang pinakamamahal kong si Ace, siya lang ang nagpahalaga sa akin.. siya lang ang taong hindi ako iniwan sa halip ay tinulungan niyang mawala ang mga inipon kong galit sa puso.. tapos dadating ka na parang wala lang sayo ang mga pinagdaanan ko ? babalik ka at sasabihin mo kukunin mo na ako ? how dare you.. hayaan mo akong mabuhay mag isa.. hindi ko kailangan ng tulad mo sa buhay ko.." muli kong litanya sa aking ama at hinatak ko si Ace paalis ng lugar.

Pagkalabas namen ng principal office ay naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni ace.

" hindi mo dapat ginanon ang ama mo, dapat naappreciate mo din na hinanap ka din niya.. ako , hindi ako nagkaroon ng mabuting ama at gusto kong maranasan mong magkaroon ng magulang.. hindi ko to sinasabi dahil sa pabor ako sa ama mo dahil hindi gaya ng ama ko ay may pakialam ang ama mo sayo kaya ka niya hinanap.. dapat makita mo yung effort niya.." paliwanag ni ace at tuluyan na niya akong niyakap.

Sobra akong naiinis sa sarili ko at sa buong pagkatao ko. Siguro isa akong masochista dahil sa pinag-gagawa ko sa sarili ko. Ayaw ko nang maramdaman ang mga Alaalang iniwan ko na at ayaw ko nang muling bulabugin ang isip ko ng alaala mga alaala na hindi karapatdapat pang ilagay sa pagiisip.

Hindi ko dapat ito nararamdaman pero ang feeling ko parang sinasagasaan ako dahil sa sakit ng kahapong pilit kong iwinawaksi pero pilit parin akong hinahabol kahit na iniiwasan ko na.

" tandaan mo nandito lang ako, hindi na kita iiwan pa dahil nangako akong ikaw lang ang iibigin ko at dadamayan kita sa lungkot na pilit kang ibinababa.. anu pa ang halaga ko kung hindi ko maiaalis ang sakit sa dib-dib mo ? " nanunuyong wika nito at napatingin ako sa kanya.

" hindi ko na kasi kayang kimkimin lahat ng pait ng kahapon ko, ayaw ko nang sariwain ang mga alaalang muntik na pumawi ng buhay ko.." umiiyak na tugon ko sa kanya at naramdaman ko na lang na hinihimas niya na ang likuran ko.

" ligtas ka na, hindi kita pababayaan sa mga demonyong yon.. tandaan mo yan, mahal kita at kahit ang buhay ko ay kaya kong ialay para mapasaya lang kita.." wika niya at alam kong seryoso siya sa bawat salitang kanyang binigkas. Nararamdaman ko din ang pagmamahal niyang talagang nagpapatibay sa loob ko.

" pero hindi pa ako handang harapin siya, isa siya sa mga taong kinamumuhian ko dahil kasalanan niya kung bakit ako nagkaroon ng masamang alaala nung kabataan ko.." naiiyak kong wika at sa pagkakataong ito ay iniharap niya ang mukha ko sa kanya.

" patawarin mo na siya, ama mo parin siya at sigurado akong miss ka na ng iyong ama.." sabi nito sa akin at tuluyan na ngang napawi ang galit na nararamdaman ko.

Nakita ko ang aking ama at si Maam Bermudez na pinapanood kameng dalawa. Napangiti si Maam sa nasaksihan niya at ang ama ko. si principal naman ay hindi makapaniwala sa kanyang nasaksihan.

" patawarin mo na ang ama mo, siya na lang ang maituturing mong pamilya bago ako.." sabi ni Ace at kaagad akong lumapit sa ama ko.

" sorry sa inasal ko kanina, napakamanhid kong tao dahil hindi ko manlang inunawa ng sinabi nyo at nagpadaig ako sa galit ko.." umiiyak pa rin na paghingi ko ng tawad at kaagad akong niyakap ng aking ama.

" alam mo ba kung magkano na ang naiwaldas nameng pera para matunton ka lang ? pero okay na ako dahil nahanap na kita at nakita kong nakahanap ka na ng mag mamahal sayo habang buhay.. hindi siya pangkaraniwang lalaki dahil handa siyang pasiyahin ka na hindi iniisip ang sarili niya, bihira ang mga taong ganyan at ang mga ganyan ay dapat pinapahalagahan mo din.. naalala ko tuloy sa inyu ang ina mo, napaka sweet namen sa isat-isa at handa kameng dalawa na magsakripisyo para lang sa pagmamahalan nameng dalawa.. ikaw ang naging bunga ng pagmamahalan namen at nung nawala ka ay sobrang nalungkot ang ina mo dahil hindi ka niya pinrotektahan.. at huli niyang habilin sa akin at sa mga kapatid mo nung nagaagaw buhay na siya ay hanapin ka daw namen at ibalik sa pamilya naten.. hindi na ako makakapayag na umalis ka ulit sa buhay namen dahil anak, gusto kong mabuo ang pamilya naten kahit na nasa kabilang buhay na ang iyong ina.." pagpapaliwanag nito at mas lalo akong naiyak sa mga sinabi niya.

Mas lalong rumagasa ang mga luha ko at nakita ko si Maam Bemudez na naiiyak na dahil sa unang pagkikita namen ng tunay kong ama.

Tumingin ako sa kinaroroonan ni Ace at nakangiti ito habang pinapanood kame ng aking ama.

" hinding-hindi na tayo ulit magkakahiwalay pa at sinisigurado ko na hindi kana ulit mawawala sa buhay namen ng mga kapatid mo.." banat pa ng aking ama at sinisigurado kong hindi na ako ulit magiisa pa.

Hanggang Tanaw Na Lang Ba ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon