Kabanata 7

3.2K 117 5
                                    



Kabanata 7 : Kaba sa Dib-dib

Lumipas ang 1st sem at marameng nangyari sa buhay ko, nakapasa ako sa lahat ng subject ko at napangiti naman ako ng sobra dahil worth it lahat ng ginawa ko at halos lahat ng grades ko ay line of 90.

Maaga akong nagising at kaagad na naghanda ng gamit ko para pumasok.

May kumatok sa kwarto ko at kaagad ko namang binuksan yon, kaagad na tumambad sa akin si Manag Olicia na nakangiti sa akin. Siya kasi ang may-ari ng dorm.

" Bronze, iha.. may ka share kana sa dorm kaya hindi kana masyado mahihirapan mag bayad ng upa mo dito.." sabi ni Manang Olicia sa akin at napangiti ako.

" kung ganon salamat po, sinabi nyo ba sa kanya na bakla ako ? baka mandiri siya sa akin pag nakalipat na siya.." nagaalalang wika ko kay Manang Olicia.

" okay lang daw, basta makalipat na raw siya.. actually nandito na siya at nilalabas ang mga gamit niya sa kotse niya.." banggit nito at napatingin ako sa bintana. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko.

Si Ace ba ang nakikita ko ?

Lumapit ako kay Manang Olicia at nakangiti na nagtanong dito.

" ano po bang pangalan ng magiging kashare ko sa dorm ?" nagtatanong na wika ko dito at napangiti siya.

" Ace Monteverde ang ngalan niya.. oh siya maiwan ko na ikaw.." kaagad na umalis si Manang at ako naman naiwang nawiwindang sa nangyayari. Bait ba nangyayari ito sa akin ?

Kaagad kong inayos ang mga gamit ko sa loob ng dorm at inayos ko ang lap top ko na mumurahin sa gilid at ang mga damit kong nakakalat sa paligid.

Nakakahiya na makita ito ni crush na magiging ka share ko sa dorm.

Buti na lang mabilis akong mag linis at saktong pumasok na siya sa dorm.

" Pwede mo ba akong tulungan na mag ayos ng gamit dito sa dorm ? " wika niya sa akin at napangiti ako.

" pwede naman.. pero may pasok ayo ngayon diba baka mamaya na lang pagkatapos ng shift ko.." paliwanag ko at nginitian niya ako. Kumabog ang dib-dib ko ng makita ko ng malapitan ang ngiti niya.

" wala kayang pasok ngayon diba sabado ngayon ? nananaginip ka pa ba ? " nangaalaskang wika nito sa akin at kaagad akong napapunta sa kalendaryo. Tama siya walang pasok ngayon dahil sabado ngayon.

Siguro nadala ako ng panaginip ko na may pasok parin.

" sige, tutulungan na kita.. pero hanggang tanghali lang ha, may trabaho pa ako sa testaurant at sa coffee shop eh.." sabi ko sa kanya at napangiti naman siya.

" okay lang sa akin, kahit hanggang tanghali lang.. dali tulungan mo na ako.." sabi nito at kaagad kong kinuha ang mga gamit niya at nilagay ko sa may gilid.

Kaagad kong nakita ang mga damit niyang hindi nakatupi kaya tinupi ko na kaagad at maingat na nilagay sa drawer niya. nakabaklas ang drawer niya kaya inayos ko at nilagay ko ang mga damit niya doon. Hindi ko ginalaw ang mga underwear niyang nakalagay sa basket dahil nakakahiya baka ano pa ang masabi niya sa akin.

Nakita ko siyang pumasok sa dorm at ngayon naka topless na siya. Kaagad na sumilay sa akin ang mga shining abs niya.

MY GHWAD

Hanggang Tanaw Na Lang Ba ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon