Kabanata 13 : Kapatid
Kaagad na pinaasikaso ni ama ang papeles at kaagad nilang inilipat ang apelyido ko para maging Du Lamorovi. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari at parang isang panaginip lang ang nangyayari.
Papasok na kameng dalawa ni Ace sa mansion at kita sa mansion na napakaganda ng tirahan ng aking magulang. Sa mga muwebles na makikita mo sa sahig at sa napakaganda at napakalaking chandelier na halos sumakop na sa kisame. At sa mga kakaibang disenyo ng mga pader sa loob ng mansion.
Tahimik lang si Ace na naglalakad sa likuran ko hanggang sa marating na namen ang sala na kung saan naghihintay sa akin ang aking ama. Kaagad kong nakita ang dalawang babae na kamuha ko at alam kong kapatid ko sila.
" Bronze, ito nga pala ang mga kapatid mo na si Titanium at si Gold.. Si Titanium ay Lalaki at magkamukhang magkamukha kayong dalawa.. si Gold naman ay babae, swerteng nakuha niya ang kasarian ng ina nyo.." pagpapakilala sa akin ng ama ko sa mga kapatid ko.
Nginitian ko lang sila at si gold naman ay grabe kung makakaway na para bang excited na makilala ako.
" pagpasensiyahan mo na si Gold siya ang Bunso sa inyo.. Mga Anak ito si Bronze ang nawawala niyong kapatid, at ang kasama niya ang boyfriend niya.." nagulat ang mga kapatid ko sa sinabi ng ama namen at kaagad silang nag bulungan.
" Magdadala ka pa ng Boyfriend dito sa Mansion, hindi ka naman niyan seseryosohin.. tignan mo huhuthutan ka lang niyan, gaya ko.. walang pagmamahal na nagtatagumpay sa Third Sex kuya Bronze..." madiing pagkakasabi nito sa akin.
" pero pinaglaban niya ako sa magulang niya at bago pa ako makilala ni ama nagsasama na kame sa Dorm, nag lilive in na nga kame eh.." nakangiti kong sabi sa kanya sabay tingin kay Ace at tumawa lang ito sabay tingin sa kapatid ko.
Napatulala si titanium dahil sa mga sinabi ko, nag walkout siya dahil sa sinabi ko siguro nakaramdam ng hiya sa sinabi niya.
" Sumunod Kayo Kay Esmeralda at dadalhin niya kayo sa magiging kwarto niyo.. pinaayos ko ang kwarto nyo para maging komportable kayong dalawa at nagpalagay narin ako ng TV at Rfrigerator doon kung ayaw nyong bumaba masyado sa kwarto ninyo.
Nakangising sabi ni ama sa akin at nahiya ako sa pinagsasabi niya dahil alam kong bawat sinasabi niya ay may laman.
Kaagad kameng sinamahan ni Esmeralda sa kwarto namen at pinangunahan niya ang pagakyat sa napaka eleganteng hagdanan pa akyat. Dinala niya kames a isang kulay Red na pintuan at pumasok kame doon. Kaagad na tumambad sa amin ang isang King Size Bed at isama mo pa ang ganda ng lugar. Sa harap ng Kama namen ay may malaking Television at sa gilid ay may malaking Refrigerator na puno ng Pagkain. May nakakahong mga regalo na nakalagay sa gilid ng kama at kaagad ko iyon tinignan.
Isang Cellphone at isang laptop na magagamit ko sa pagaaral ko. napaiyak ako dahil sa nakita ko, hindi ko inaasahan na isa pala akong anak ng isang Sikat na Negosyante.
" Mahal ko, hindi ako komportable sa lugar na ito.. baka may makarinig sa aten pag mag Love Making tayo.." kaagad na panguusisa ni Ace sa lugar. Alam kong ayaw niyang may makarinig sa amen pag gumagawa kame ng mga aksyong dala n gaming pagnanasa.
" mahal, gusto mo na ba ? gusto mo bang binyagan na kaagad naten ang kama na ito ?" nakangiti kong sabi sa kanya at kaagad kong nakita ang mga mata niyang puno ng pagnanasa.
" mahal, gustong-gusto ko.." sabi nito at kaagad niya akong hinalikan ng madiin hanggang sa bumagsak kame sa napakalambot na kama. Naramdaman ko na ang apoy sa pagitan namen ay muling nagliyab na ngayon ay tumutupok sa aking kamalayan.
BINABASA MO ANG
Hanggang Tanaw Na Lang Ba ?
RomanceIsang Baklang Hanggang Tanaw na Lang sa Kanyang Ultimate Crush .. Hindi Niya inaakala na sa isang Iglap ay magiging magkalapit sila dahil sa isang gulo na napasukan ng niya.. ANo kaya ang gagawin ng ating bida para sa susunod na mangyayari ?