Kabanata 10 : Sa Kabilang Dako
Third Person POV
" Mr. Ramirez nasaan ang anak ko ?" sabi ng isang lalaking na nagtataglay ng mukha ng isang babae. Hindi kataka-takang nagmana sa kanya ang kaniyang mukhang babaeng anak.
" gusto mo malaman ang kinaroroonan niya ay dapat mo muna akong bayaran.. 10 million para sa anak mo.." malakas na pagkakasabi nito sa tatay ni Bronze.
" kung ayaw mong sabihin ay hindi na kita kukulitin dahil marame naman akong paraan para mahanap siya.. at dahil sa ginawa mong pagtataksil sa akin nung nakaraang dalawang dekada ay pupulbusin ko ang pamilya mo.. kasama ka na !! " nakangiti lamang ang tatay ni Bronze na si Silver Du Lamorovi.
Si Silver ay sikat na negosyante at minsan ay walang awa din siyang kumikitil ng buhay sa mga taksil ng kanyang empire. Kaagad na sumugod ang mga alagad niyang nakatuxedo at pinaulanan ng Granada ang mansion nila. Kalunos-lunos na sigawan ang maririnig sa loob ng mansion hanggang sa sumigaw ulit si Mr. Ramirez.
" binabawi ko na ang sinabi ko, ang anak mo ay nasa maynila at pinagaaral niya ang sarili niya sa isa sa mga prestihiyosong paaralan doon.. parang awa mo na tigilan nyo na ang ginagawa mo sa mansion namen.." kaagad na sumenyas si silver sa kanyang tauhan at nginitian na lamang si Mr.Ramirez.
" masunurin ka naman pala eh, hindi ko na kayo guguluhin.. pero wag na wag nyong pakikialaman muli ang aking anak.. dahil sa susunod na magtagpo ang landas naten magkikita tayo sa impyerno.. kahit mapatay nyo ako marame ang hahabol sayo Mr.Ramirez.. tandaan mo yan.. nakaplano na ang patong na pera sa ulo mo.. at kahit sino mang kakilala mo ay papatulan ang ganong kalaking pera para ipadakip ka lang.." pagbabanta nito at tuluyan na ngang umiyak si Mr. Ramirez habang nakatingin sa kanyang mansion na nasusunog.
Ligtas na nakalabas ang kanyang mag-ina sa mansion at puno ng takot niyang tinginan ang kotse na umalis sa kanyang kinalulugaran.
Kaagad na bumiyahe si Silver para puntahan ang anak niya, kahit ano pa ang anak niya ay tatanggapin niya ito dahil nakarating sa kanya na bakla ang anak niya at wala siyang pakialam tungkol doon.
" hintayin mo ako anak, hindi kana mag iisa dahil nandito na ang daddy mo na handang mahalin ka.. hindi kana magiisa dahil kasama mo na ako.." wala sa sarili nitong sabi at kaagad na pinagmadali ang kanyang driver na magmaneho papuntang air port.
Napaka galing kasi ng nagtago sa kayang anak kaya nasa probinsiya ito nagtago, dala ang milyong ransom para sa kanyang anak.
=====
Sa kabilang banda naman ay galit na galit ang ama ni Ace at kasalukuyan itong nagdadamdam dahil sa katigasan ng ulo ng kanyang anak.
" kailangan naten si Ace at kailangan niyang magpakasal sa babaeng yon, hindi ko maatim na bumagsak ang negosyo naten.. sila na lang ang pagasa naten para umahon muli ang kumpanya naten.." madiing sabi ng tatay ni Ace.
Ang nanay naman ni Ace ay kumokontra sa desisyon ng kanyang asawa.
" For Once naman, Paulo Niccolo Monteverde, isipin mo naman ang kagustuhan ng anak mo.. gagamitin mo siya dahil lang sa negosyo mo ? hayaan mo siyang lumigaya sa piling ng mahal niya.. wag mong pagkaitan ang anak naten, tama nang ako ang unang nagdusa sa pamilya naten at wag mong idadamay ang anak naten.. balak na niyang magpakamatay pag nawala ang mahal niya at alam mong nagmana sayo ang anak mo na mahilig sumugal para lang sa kagustuhan niya.." malakas na banat ng nanay ni ace sa kanyang asawa.
" Oh tapos , pabayaan ko siya na mapunta sa isang bakla ?!! nahihibang ka na ba Martha ?!! " galit na tugon ng asawa ng babae at ngayon nagaaway na sila.
" wag mong pakialaman ang anak naten.. kasalanan mo yan kung bakit bumabagsak na ang kumpanya dahil sa kakasugal mo tapos idadamay mo ang anak naten ?!! wag mong idadamay ang anak naten dahil sabay akmeng dalawa ng anak mo ang mawawala sa undong ito.. tandaan mo yan, tutal sawa na ako sa panggagapo mo sa akin sa mga kamay mo.. at ayaw ko nang magpatali sa kamay mong bakal.. isa kang demonyo Paulo isa kang demonyo !!! " banat ng babae sa kanyang asawa at hanggang bigla na lang natumba ang asawa ng babae sa sahig.
" tama yan, mamatay kana dahil demonyo ka... isa ka sa nagpahirap ng buhay ko at ngayon sa anak pa naten? Gusto mo din mag dusa ang anak naten ? Bahala ka sa buhay mo mamatay kanang demonyo ka !!! " puno ng galit na sigaw ng babae at umalis na siya sa opisina ng kanyang asawa.
Dahil sa nalulugi na ang kumpanya nila ay wala na silang katulong sa mansion at wala na rin siyang pake kung ibebenta na niya ang mansion at pati na din ang mga ariarian para makaalis na siya sa impyernong kinasasadlakan niya.
" tama lang itong ginawa ko anak, ayaw kong magdusa ka at ayaw ko ding danasin ang dinanas ko sa kamay ng pamilya ng tatay mo.." sabi nito sa sarili niya at kaagad na lumabas ng mansion ay hinintay muna ang ilang oras bago himingi ng tulong.
Dinala sa ospital ang tatay ni Ace at tulad ng inaasahan ay dead on arrival ito. Binenta ng nanay ni Ace ang lahat ng ari-arian at pati na rin ang kumpanya para makabawe siya sa masasamang dinulot ng asawa niyang demonyo sa kanya.
Ibinigay alam na rin niya na ang bagong stock holder ng kumapnya ay ang magulang ng babae na na kung saan balak ipakasal ang kanyang anak.
" ikinalulungkot namen ang pagkawala ng yong asawa.." sabi ng magaswa sa nanay ni ace at umiiyak na umaarte ang nanay ni ace sa dalawang magulang na ito.
" hindi na matutuloy ang kasal kay libre nyo na itong mabibili ang kumpanya.. tutal malulugi na ito at ang anak ko ay naglayas ng bahay dahil sa tatay niya.. hindi ko na alam ang gagawin sa mga oras na ito... wala na ang asawa ko at ang anak ko din wala na.." umaarteng wika nito sa magulang ng babae.
" naiintindihan namen, hon bilhin na lang naten ang kumpanya nila.." sabi ng babae.
Binili ng magasawa ng kumpanya at masaya sila dahil hindi na nila kailangan ipakasal ang kanilang anak para magkaroon ng kumpanya sa pilipinas.
BINABASA MO ANG
Hanggang Tanaw Na Lang Ba ?
RomanceIsang Baklang Hanggang Tanaw na Lang sa Kanyang Ultimate Crush .. Hindi Niya inaakala na sa isang Iglap ay magiging magkalapit sila dahil sa isang gulo na napasukan ng niya.. ANo kaya ang gagawin ng ating bida para sa susunod na mangyayari ?
