Kabanata 5 : Nakakangiti
Nung lunes ay pnilit kong pumasok na kakaiba ang postura ko, marame ang natameme ng pumasok ako ng school na kakaiba na ang itsura ko. nakauniporme akong lalaki pero mukha na akong babae sa pagmumukha ko.
Masaya akong naglalakad sa hallway papunta sa silid aralan ng mahagip ng mata ko si Ace na kasalukuyang naglalakad sa harapan ko. naglakad lang ako at hindi siya pinansin dahil baka magalit siya sa tulad ko. alam kong galit siya sa bakla at ayaw ko nang madagdagan pa ang galit niya sa mga tulad kong bakla.
Pumasok ako sa classroom at marame ang napatingin sa may gawi ko, hindi ko inaakala na mapapansin nila ako.
" miss bakit nakapanlalaki kang uniform ?" pagtatanong nung lalaki.
" Ako si Bronze, kaklase nyo.." sabi ko gamit ang pambabae kong boses. Nagulat sila sa pahayag ko at nanlaki pa ang mga mata nila.
" sigurado ka ? magboses lalaki ka nga.." paghahamon nung isa at ginawa ko yung natural na boses ko.
" masaya na kayo, nag boses lalaki na ako.." sagot ko sa kanila, hindi sila makapaniwala na mukha akong babae kahit naka panlalaki akong suot.
" hindi ka maganda, tigil-tigilan mo nga pakikipag flirt mo Bronze.." mataray na sabi ng katabi ko parang ang dame niya kaagad insecurities sa akin.
" maganda si Bronze, hindi nga kaagad namen nahalata na lalaki siya eh.. diba mga pre ? " sabi nito at sumangayon ang iba.
" nag-ayos lang ako ng konti at nagsuklay.. kayo naman.." nagbibiro kong wika at tumingin ako sa katabi kong babae.
Dumating si maam at napangiti siyang tumingin sa akin. Bilang ganti ay nginitian ko si maam pabalik.
" Okay ka na ba ? Anyway bakit nagmukha kang babae ngayon ? akala ko baa yaw mong ipakita sa lahat yung kagandahan mo.." nanunuksong sabi ni maam sa akin.
" gusto ko lang I enjoy ang life.. puro nalang malungkot ang nasasagap ng radar ko kaya magpapakasaya ako sa buhay ko mula ngayon.." sagot at ngumiti si maam.
" buti naman naisipan mo yan, anyway class.. dadating sa bansa ang founder ng Luminous Corporation.. at hinihiling ko na sana sa kumpanya nila kayo mag apply ng OJT nyo.. marame kayong matututunan doon at lalo ka na Bronze.. mataas ang expectation ko sayo, hindi tayo magkaibigan pag grades na ang pinaguusapan kailangan mong magsikap para sa sarili mo.." natatawang sabi ni maam at tumawa din ang iba sa banat ni maam.
" alam ko naman po yun, ginagawa ko naman po lahat ng makakaya ko para matapos ang Gawain ko maam.." maikli kong wika at nginitian ko si maam.
Napangiti si maam sa sinagot ko at gayun din ako.
" buti naman nagkakaintindihan tayo, trabaho ko na matuto kayo sa mga Gawain naten at ineexpect ko na lahat kayo ay natuto sa akin.. hindi ako nagkulang sa inyo, alam nyo yan.. marame akong binigay na hand outs at lahat yon summarize na.. nasasa inyo na lang kung gusto nyong makapasa sa asignatura ko.." sabi ni maam at lahat kame ay napangiti sa kanya.
" naalala ko nga po dati na, may favoritism kayo at si Bronze yun.. nagulat kame ng bumagsak siya sa asignatura nyo nung last sem.." sabi nung imapktitang babae na katabi ko.
" narinig nyo naman diba ? galit-galit kame pag grades ang pinaguusapan.. paano siya matututo kung magsisipsip siya sa akin ? siya na lang mag-isa ang bumubuhay sa sarili niya at bilang guro niya ay proud ako sa dedikasyon niya sa pagaaral.. bumagsak siya, ngunit nagawan naman niya ng paraan dahil nasubmit niya lahat ng requirement ko kaya nahabol ko ang grade niya para maging 80.. sa inyo kasi maaga kayo nakapasa kaya mataas sa 80 ang nakuha nyo.. kumpara sa kanya, dalawa ang part time job niya at sinasabay niya ang pagaaral.. pag uwi ng dorm niya magpapahinga na siya dahil sa ubos na ang lakas niya.. kaya tularan niyo siya, hindi hadlang kahit ano man basta may tiyaga ka at masipag ka.. kaya kahit isa na akong guro ay maswerte ako dahil hindi ako naghirap tulad niya nung kasagsagan ng pagaaral ko dahil ang magulang ko ang sumusuporta sa akin eh siya, siya ang sumusuporta sa sarili niya.. kaya minsan ay natutuwa ako dahil may estudyante akong tulad niya.." mahabang wika ni maam at namula ako sa pagkukwento niya sa kalahati ng talambuhay ko.
BINABASA MO ANG
Hanggang Tanaw Na Lang Ba ?
RomanceIsang Baklang Hanggang Tanaw na Lang sa Kanyang Ultimate Crush .. Hindi Niya inaakala na sa isang Iglap ay magiging magkalapit sila dahil sa isang gulo na napasukan ng niya.. ANo kaya ang gagawin ng ating bida para sa susunod na mangyayari ?
