Kabanata 16 : Tunay na Ugali
Titanium Du Lamorovi POV
Pagkatapos ng mainit-init naming umaga ay hindi kame tumayo ni Bryan sa kama at nag kwentuhan kame. Kinwento ko sa kanya ang mga karanasan ko, hindi ako mabait at hindi ko ugaling maging ganito. Kinwento ko din ang mga sex life ko sa mga artista sa ibang bansa at ang iba sa kanila ay binayaran ko para lang sa One Night Stand at masasabi kong sulit naman lahat ng binayad ko sa kanila dahil sa napakaganda nilang performance sa kama.
" ang dame mo na palang nakarelasyon, nakakainggit naman dapat ako na lang ang nauna mo eh.. hindi kana sana nag hirap.." sabi nito sa akin habang nalulungkot.
" dapat inalagaan mo ang sarili mo, dapat ako ang first mo dapat eh.." sabi niya pa na parang nalulungkot.
Kaagad akong nabihag ng mapupungay niyang mata, kung sana maaga ko siyang nakilala edi sana hindi ako naging ganito na ang habol lang sa mga lalaki ay Sex.
" ewan, nangyari lahat ng ito sa akin nung makipaghiwalay sa akin ang long term boyfriend ko sa New York.. sinusumpa ko yung lalaking yon, dahil sa kanya naging ganito ako.." galit na sabi ko kaya galit ako sa mga lalaki.
Pero ngayon nakakaramdam ako ng kakaiba sa Bryan na ito at yung nararamdaman kong yon ay ayaw ko nang mawala pa.
" alam mo galit ako sa mga bakla, pero nung nakilala ko ang kuya mo.. nagbago ang pagtingin ko sa mga bakla, hindi pala lahat ng bakla ay habol lang ang sex.. dahil sa kuya mo napagisipan ko na tao din ang mga bakla at hindi dapat sila tinatrato ng mali.. napakaswerte ko na nakilala ko ang kuya mo, kung hindi sa kanya hanggang ngayon galit parin ako sa mga tulad nyo.." paliwanag ni Bryan at kita sa mukha niya na napaka sincere niya habang sinasabi ang mga yon.
Napaiyak ako sa sinabi niya at mas lalong napatunayan ang teorya sa utak ko na kung karespe-respeto ka gagalangin ka ng ibang tao. Kung naging karespe-respeto ba akong tao nung mga araw na kame pa ni Lucas, magiging katulad ba ng sa kuya ko ?
I think, hindi nakatadhana sa akin ang mga yon kung mangyayari man ang mga yon ay wala na akong magagawa kundi ang magpa agos sa tadhanang talagang nakalagak na sa akin. Hindi ko kasalanan na minahal ko ng sobra ang lucas na yon at dahil sa pagmamahal ko sa taong yon ay nabulag na ang puso ko at hindi ko alam na ginagamit na lang niya ako para sa mga luho niya at pati na din sa kakulangan sa sex life niya.
" bakit kaumiiyak, hindi kita pinaiyak ha.. Please tahan na.." seryosong wika ni bryan sa akin at naramdaman ko na lang na mahigpit na nakayakap ang mga kamay niya sa akin.
Napasandal ang aking ulo sa kanyang dib-dib at hindi ko akalain na maririnig ko ang napakalakas na tibok ng kanyang puso. Napakalakas ng tibok nito na parang ako ang gumagawa nito sa kanya. mas lalo akong naiyak dahil sa kaba at sa mabilis na pagpintig ng kanyang puso.
" ganyan ba talaga ang pagnagmamahal ?alam mo ngayon ko lang naramdaman na minahal ako at nagpapasalamat ako na ikaw ang nagmahal sa akin.." umiiyak na wika ko, nagpapasalamat ako sa may kapal at sa lumikha na nakilala ko ang taong mamahalin ako. Alam ng puso ko na nahanap ko na ang kapareha ko at hindi ko aakalain na magiging instrument ang kuya ko para makilala ko siya.
" tahan na, pramis hindi kana iiyak sa piling ko... sa kama lang kita paiiyakin.." bahagya akong napatawa pero patuloy parin ang luha ko na tumatagas sa mukha ko.
" okay lang sayo ang nakaraan ko ? tanggap mo ba ako ? " umiiyak na tanong ko sa kanya at biglang sumeryoso ang mukha niya.
" ngayon palang, kaagad mong nakuha ang puso ko, natural matatanggap kita dahil ako din ang mahihirapan sa bandang huli.. mahal na kita at patutunayan ko yon.." pursigido niyang sabi sa akin at kaagad niyang hinila ang kamay ko at nilagay niya sa kanyang dib-dib.
BINABASA MO ANG
Hanggang Tanaw Na Lang Ba ?
RomanceIsang Baklang Hanggang Tanaw na Lang sa Kanyang Ultimate Crush .. Hindi Niya inaakala na sa isang Iglap ay magiging magkalapit sila dahil sa isang gulo na napasukan ng niya.. ANo kaya ang gagawin ng ating bida para sa susunod na mangyayari ?
