Kabanata 19

1.8K 56 5
                                    


Kabanata 19 : Ikaw Lamang

Madaling araw nang gisingin ako ni ace, kaagad naman akong bumangon nung ginising niya ako. medyo inaantok pa nga ako eh pero nung sinabi niya na mamamasyal kame maghapon ay nabuhay ang dugo ko. kaagad naman akong nagayos ng sarili at hinintay siyang matapos sa paliligo niya.

Porket kasi na kame na ay araw-arawin na namen yung intimate scenes namen. Kailangan ko din ng pahinga doon kaya minsan na lang kame makapag ganon at sumabay pa na busy kame sa kanya-kanya nameng mga projects. Sobra na akong tubuan ng wrinkles sa sobrang dame ng ginagawa namen nung mga panahon na rush day. Kasi di ko pa kasi nagagawa yung Gawain ko sa school at pati na rin yung iba pang Gawain sa ibang asignatura.

Atleast ngayon Malaya na ako sa mga yon dahil natapos na namen. Buti na lang nakayanan ko yun at tinulungan pa ako ni Ace para lang matapos namen yung mga Gawain na yon. Sobra kasing sweet ng Mahal ko kaya tinutulungan niya ako sa Gawain ko pero napaka naughty niya sobra kasi kung hindi mo siya pagbabawalan ay maya-maya nagrerequest yan ng ano.

Basta alam nyo na yon, anyway kaagad naman kameng lumabas ng kwarto pagkatapos niya, nakita ko sa sala si Titanium na nakaupo sa sofa at halatang bagong gising. Katabi niya si Bryan na sinusubuan ang kapatid ko. para lang bata hahaha, pero hindi ko masisisis sila dahil mahal na ata nila ang isa't-isa tulad ko. mahal ko si Ace at hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kanya.

" Mahal ko, yakapin mo ko ng mahigpit ah ...baka kasi ma Fall ka eh at hindi kita masalo.." paalala niya, kaagad naman akong pinamulahanan ng mukha sa sinabi niya. grabe ang epekto ni ace sa akin ay hindi nawawala, hindi ko alam pero parate siyang hinahanap ng puso ko at isip ko kahit na pasaway at naughty siya parate.

Kaagad naman na kameng umandar papunta doon sa lugar na sinasabe niya, he even described the place while nasa daan kame at hinahabol ang oras para makapaunta doon.

Yung lugar na pupuntahan namen ay beach daw pero hindi ako naniniwala except kung sa tabing dagat kame pupunta diba ? pero masyadong malayo na yung tinakbo namen at ako naman nakayakap ng mahigpit kay ace, sabi kasi niya bibilisan niya ang pagmamaneho at alam kong hindi niya ako ipapahamak dahil mahal namen ang isa't-isa.

Tanghali na at nagugutom na ako, pero ang sabi niya sa akin ay talagang malapit na kames a pupuntahan namen kaya nag hintay na lang ako, nakita ko na ang dagat sa malayo at hindi nga ako nagkamalai dahil maganda na ang beach kahit nasa malayo. Mula kasi sa pwesto ko ay nakikita kong kumikinang ang karagatan dahil sa sunlight kaya ang ganda.

" malapit na tayo, tsaka na pareserve na din ako doon kaya walang problema.." paliwanag sa akin ni Ace, alam ko namang ready siya eh sa mga ganito. Kaya gusto ko siya parate na lang niya akong sinusurprise sa mga kaya niyang gawin.

Nakarating kame sa Resort na malapit din beach, grabe mas nakakalula pala ang tanawin pag nakita mo nang malapitan. Gusto ko pa naman ang ganitong kagandang paraiso.

" halika na, mamaya mo nayan I enjoy.. punta muna tayo sa suite.." sabi ni ace at kaagad naman na akong sumunod sa kanya.

Nakaakyat kame sa suite at maganda din ang kwarto, may malaking king size bed at may sliding door para mapunta ka sa balkonahe, mula doon makikita mo ang napakagandang tanawin ng beach. Kita mo pa sa kabilang ibayo yung isla na siyang parang high light ng karagatan.

" halika na, kain na muna tayo bago gumala.." sabi ni ace at napangiti na lan ako habang sinusunod siya.

Nakalabas na kame ng hotel at kaagad na kameng naglakad sa malapit na mamahalin na restaurant, ngumiti ito sa akin sabay hatak sa kamay ko. were now holding each others hands at kaagad naman akong pinamulahanan ng mukha. Grabe, feeling ko parang parateng first time pag siya ang gumagawa at minsan hindi ko maiwasan na mainsecure.

Hanggang Tanaw Na Lang Ba ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon