Kabanata 15

2K 85 4
                                        


Kabanata 15 : Hindi Maunawaan

Titanium Du Lamorovi POV

Naiinggit ako sa kuya ko na nakatagpo siya ng tunay na pagmamahal at hindi lang pagmamahal ang nahanap niya dahil nakajackpot ang kuya ko dahil artistahin ang boyfriend niya at sporty pa dahil isa palang soccer player ang boyfriend niya.

Kasalukuyan akong nasa Bar at nagiinom, hindi ko gusto ang sinabi ng kuya ko at kailanman hindi ko gagawin yon. Mapakatotoo sa sarili ?

Sa panahon ngayon pera na lang ang habol ng mga lalaki sa aming mga bakla at ilang beses ko nang napatunayan sa sarili ko na walang nagtatagal kung napapabilang kasa ganitong kasarian.

" mukhang nagiisa ka.. can I join you ?" sabi ng lalaki sa tabi ko at kaagad nanaman akong tinamaan ng libog ko ng makita ko ang gabakal niyang katawan.

Tumango lang ako dahil sa gusto ko din naman siya.

" alam mo naalala ko sayo ang nililigawan ko pero binusted ako.. alam mo napakabait nun at napakasipag.. si Bronze Ramirez, napakaganda niya at napakabait.. na attract ako sa kanya dahil napakabait niya at nasa kanya ang mga ugali na hinahanap ko sa isang karelasyon pero na kay Ace na siya.. masaya na ako dahil masaya na siya sa mahal niya at nakikita kong minamahal nila ang isat-isa ang bawat isa..." sabi nito at halata sa kanya na nakainom na din ang gunggong na ito, pero parang siya yung tinutukoy ng kapatid ko na lalaki na binusted niya dahil mahal niya nga si ace.

Parang hawig ang sinabi ng lalaking ito sa sinabi ni kuya sa akin na ipakikilala niya ako sa lalaking binusted niya. napaka gwapo naman nito pero kung titigan siya para siyang nasawi dahil dinadamdam niya yung nangyari sa kanya.

" isang taon na akong nagdurusa sa tuwing tinitignan ko silang dalawa na nag hoholding hands sa campus habang ako, hanggang tingin na lang sa kanila dahil wala akong karapatan dahil hindi ako mahal ng nagugustuhan ko.." pagpapatuloy niya at nalungkot ako sa kwento niya, masyado niya atang minahal si kuya kaya ganyan na lang siya magdamdam.

Hinimas ko ang likuran niya bilang tanda ng dinadamayan ko siya sa lungkot niya. grabe, napaka ganda naman ng kapatid ko, iniiyakan pa siya ng lalaki. siguro kailangan kong magpakatotoo para ma achieve ang tunay na pagmamahal.

Tinapos ko ang iniinom ko at kaagad kong binuhat si kuyang lasing at dinala ko siya sa kotse ko. kaagad kong pinaharurot ang sasakyan ko para mabilis na makauwi sa mansion. Pagkauwi ko ay kaagad kong inakay ang katawan ng lasing na kausap ko kanina.

Inakay ko siya sa kwarto ko at kaagad ko siyang hiniga sa kama ko. maayos ko siyang hiniga at umupo ako sa gilid niya. napaka gwapo niyang tignan, para siyang anghel titigan pag nakapikit ang mga mata niya. napakapula ng kanyang labi na parang ang sarap halikan pero hindi ko magawa dahil nahihiya ako sa kanya.

Ngayon lang ako nakaramdam ng hiya sa lalaki after kong marinig ang mga sinabi niya kanina. Karespe-respeto siyang tao at kung gagawan ko siya ng masama ay magiging masama ang image ko sa kanya. I think I like this guy dahil sa mabait siya at hindi kakayanin ng konsensiya ko na gamitin siya.

Bakit habulin ng tapat magmahal ang kapatid ko ? I want that kind of love na tutugunan ng taong mahal ko ang pagmamahal ko sa kanya and I hope n asana this time mahanap ko na ito at sana siya na ang perfect guy ng buhay ko.

Hinubad ko ang t-shirt niya, kaagad na tumambad sa akin ang napakainit niyang katawan sa bawat haplos ko ay parang inaapoy ang mga daliri ko. hindi ko alam ang ganitong pakiramdam pero sumasaya ako sa tuwing nararamdaman ko ang init sa kanyang katawan.

Hanggang Tanaw Na Lang Ba ?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon