Kabanata 2

3.8K 133 4
                                    

Kabanata 2 : Tinging Nakakababa

Naglalakad ako papasok at habang papasok ako ay naiisip ko na ano nga ba ang susunod na mangyayari sa araw ko. hindi ko inaasahan, bigla na lang may tumigil na kotse sa harap ko at muli kong nakita ang pamilya ko na nakatira sa probinsiya.

" Anak, kamusta ka na ? " nakangiting wika ng aking ama at muli akong napatingin sa kanya at ni emosyon ay walang gumuhit sa aking mukha. Sila ang pamilya na tinakwil ako tapos ngayon kakausapin nila ako na parang walang nangyari ?

Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad, mas mabuti nang lumayo ako sa kanila dahil ayaw ko ng away at sa paraan niya ng pananalita ay parang nakakaramdam ako na may gagawin siyang hindi kanais-nais.

Binilisan ko ang paglalakad para makarating ako sa paaralan pero hindi nila ako tinigilan.

" anak , hindi ka ba nagsasawa sa pagiging bayot mo ? maging lalaki ka at pwede ka nang bumalik sa bahay.." maikling wika ni ama pero ni sulyap ay hindi ko siya tinignan. Kasama niya ang isa kong kapatid na siyang nag buking sa akin na naging dahilan para malaman ng magulang namen ang totoong ako.

Isa siya sa mga taong kinasusuklaman ko at ayaw ko nang makita hindi ko kailanman gagawin ang iniutos niya at hindi ko na siya susundin dahil higit sa lahat ay itinakwil na nila ako at bakit nila ako ngayon hinahanap ?

Alam kong may agenda siya para gawin niya ang mga ito, hindi siya maglalakas loob na pabalikin ako kung hinde.

Hanggang sa makapasok ako ng paaralan at kaagad na tinungo ang silid ni Maam, Bermudez. Muli akong napaiyak sa kanya at kinwento ko ang nangyari kani-kanina lang.

" malapit ka nang makatapos, isang year na lang at malalampasan mo na itong gusot ng buhay mo.. hindi mo na sila kailangan pang ipasok sa yong alalahanin.. kung ayaw mo na silang makita ay iparamdam mo sa kanila ang saloobin mo atpatunayan mo ang sarili mo na kahit na isa kang bakla ay kaya mong umangat kahit na wala sila.." payo ng guro ko sa akin, muling sumilay sa aking mukha ang kasiyahan na narinig ko sa kanya ang kanyang payo.

Dapat akong mas lalong mag pursigi at kung kailangang iwasan ang mga hadlang ay gagawin ko.

Determinado akong naglakad sa klase ko at inisip ang mga bagay na nagawa ko sa buhay ko. kung hindi nila ako itinakwil na anak ay hindi ko mararanasan na magtrabaho at dahil sa mga magulang ko ay natuto akong tumayo sa sarili kong paa. Kung hinde dahil sa kanila ay hinde ako naging scholar ng prestihiyosong paaralan na ito at hinde ko makikilala ang inspirasyon ko kung bakit ako pumapasok sa paaralan na ito.

Pagkapasok ko ng silid aralan ay kaagad akong naupo sa upuan ko at kaagad na namataan ng aking mata ang nagong estudyanteng nakaupo sa silya malapit sa harapan.

" may bago tayong classmate sa subject na ito, kausapin kaya naten para malaman naten ang name.." pabulong na sabi ng babae sa kaliwa ko.

" wag na, malalaman naman naten pag nagpakilala na siya sa harapan.." sabi naman ng katabi ng babae sa kaliwa ko.

Kung sino man siya ay sana maging kasundo ko siya sa loob ng silid aralan na ito at hindi siya magdulot sa akin ng problema.

Dumating na si Maam, nakangiti siyang pumasok at kaagad na bumati sa amin. Kaagad niyang napansin ang misteryosong lalaki sa harapan at inaya niya kaagad itong magpakilala.

" My Name is Bryan Sheers .." maikling pagpapakilala nito at base sa kanyang mukha ay isa siyang nerd pero bumagay sa kanyang mukha ang suot niyang salamin.

Hanggang Tanaw Na Lang Ba ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon