Kabanata 6

3.1K 117 1
                                        


Kabanata 6 : Hindi Malamang Nararamdaman

Ace Monteverde POV

Simula nung gumawa ang baklang yon ng eksena sa canteen ay nawalan na ako ng gana na kumain sa canteen na yon. Mabilis akong naiirita at hindi ko alam kung bakit ako madalas na sumisigaw. Parang nawawala na ako sa sarili ko sa bawat araw na lumilipas, at yung baklang yon ang parateng laman ng utak ko na dapat itinutuon ko sa babaeng magpapasaya sa akin sa hinaharap.

" Ace, nawawala ka sa focus, matatalo tayo niyan sa finals kung ganyan ka.." nagaalalang wika sa akin ni leandro at napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

" Focus naman ako ah.." madiing sabi ko at napangiti naman si Leandro.

" aminin mo, simula nung may nangyari sa canteen para kang naging ewan, aminin mo nga sa akin.. may gusto ka ba sa baklang yon ? yun lang kasi ang nakikita kong dahilan para maging ganyan ka eh.." nanunuksong sabi nito at doon na ako tumingin sa kanya ng diretso.

" paano kung ganon nga ? hindi ko alam kung bakit siya ang laman ng utak ko, galit ako sa bakla at dapat hindi ko nararamdaman ang mga ganitong feelings toward sa kanya.." galit na sabi ko at nanlaki nga ang mga mata niya.

" it means na nagkakagusto ka sa baklang yon ? pero okay lang sa akin na magkagusto ka doon.. ni rereject kaya nung baklang yon si bryan sa classroom nila.. alam mo ba na priority ng baklang yon makapagtapos ? kakaiba siyang bakla sa lahat ng bakla na nakilala ko.." banggit ni leandro at doon nawala ang galit na nararamdaman ko.

" alam ko na yang sinasabi mo, alam kong priority niya mag aral.. nagtatrabaho siya sa restaurant at sa coffe shop malapit sa dorm na inuuwian niya.." wala sa sarili kong sabi sa kanya. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ko at wala sa oras na napatingin ako kay leandro na nakangiti ng malapad ngayon.

" leandro, tigilan mo ako sa ganyang ngiti mo.. mag sasapakan tayo ngayon.." banta ko at nawala ang expression niyang nakakaloko sa mukha niya.

" nagiging stalker ka na, isang magandang senyales yan sayo.. kinakain kana ng sistema ng love HAHAHAHA.." sabi nito at wala na akong nagawa at nabatukan ko siya ng malakas.

" sabi ko na wag mo kong uumpisahan eh, ano sapakan na tayo ng magkaalaman na.." matapang kong wika at ang loko naman ay nag peace sign.

" alam mo pre, naging ganyan di ako kay Candice.. naging stalker ako para malaman ang mga ginagawa niya.. at alam mo ba na napakasarap sa pakiramdam na malaman mo na ang inistalk mo ay napakasipag.. napapangiti pa nga ako nung minsan na makita ko si Candice na nagtatrabaho sa Candy Store na nakangiti.. parang ganyan din nararamdaman ko, kaya kung mahal mo dapat gumawa ka na ng paraan dahil baka maunahan ka ni bryan.. gwapo yun at mayaman, balita ko lumipad siya sa bansang ito para hindi na ito mambulakbol sa Korea.." mas lalo akong nabuisit nung narinig ko ang pangalan na bryan.

Kahit na hindi ako sigurado sa nararamdaman ko ay pipilitin kong magkaroon ng oras para kumpirmahin ang mga hinala ko. at gusto ko kung kukumpirmahin ko na ang sekwalidad ko ay siya ang magiging instrument ko para malaman yon.

Napakahirap maging isang soccer player dahil kailangan mong I maintain ang Stamina mo at kailangan ay I maintain din ang katawan ko. kaagad kameng dumeretso ni leandro sa field para makapagwarm up exercise na rin. Habang nag eexcersice ako ay namataan ko na may nakatanaw sa akin sa may puno at alam kong si Bronze yon. Parate ko siyang nakikita sa punong yon at pinapanood ang practice namen.

Bigla akong napangiti dahil napagtanto ko na pinapanood pala niya ang bawat practice ko.

" Ace, anyare sayo bakit talo mo pa kameng excited maglaro?" pagtatanong nito pero hindi ko siya sinagot sa tanong niya.gusto kong maging sikreto na muna ang natuklasan ko.

Nanonood siya at ngayon ginanahan akong maglaro.

=====

Natapos ang laro na nandoon parin si Bronze sa lilim ng puno at para bang naglilipit na siya ng gamit niya. kaagad akong napangiti dahil sa nakita ko at hindi ko alam kung bakit. Siguro nga in love ako. Minsan ang pagmamahal ay ang lakas paglaruan ang buhay ng isang tao at isa ako sa nabiktima niya.

Kaagad akong nagtungo sa locker room at dumeretso ako sa shower room para makaligo, hindi mawala sa utak ko ang mukha niya at mas lalo akong nilulugmok ng sarili ko sa kanya. Hindi ko gusto ang pangyayari at kailanman ay hindi ko gustong pumatol sa bakla.

Kailangan ko itong pigilan, pero ang malaking tanong sa utak ko ay paano ko mapipigilan ang atraksyon ko sa kanya.

" ang galing ng laro mo kanina ace, parang inspired ka.. nakita ko kanina na nanonood pala si bronze ng practice game naten.. dati ko pang nakikita na naonood yan dito.. alam mo ba kung sino pinapanood niya ? edi yung crush niya / inspirasyon niya sa pagaaral.." kaagad na nakuha ni leandro ang atensyon ko at ngayon tiim ko siyang tinitigan.

" sino ang inspirasyon niya ? " maangas na tanong ko at parang sa tanong ko na yon ay umaasa ako n asana ako ang inspirasyon niya.

" ayon sa source ko, ikaw yung inspirasyon niya.. parate ka daw kasi niyang tinitignan sa malayo kahit nasa canteen palang.. alam mo namang napaka bait kong kaibigan kaya inaalam ko lahat ng tungkol sa nagugustuhan mo.." nanunuksong sabi ni Leandro at kaagad na naginit ang kamao ko.

" tinutulungan mo nga ako pero iniinis mo naman ako..." sabi ko at aambang babatukan ko na siya.

" basta kahit anong relasyon pwede mong pasukin basta pananagutan mo ang damdamin ng mahal mo.. mahirap kasi na siya lang ang nagmamahal sa inyo.. pero kaya mo bang ipaglaban ang pagmamahal mo sa kanya.. alam mong tutol ang magulang mo at itinakda kana nilang ipakasal sa babaeng hindi mo kilala .." biglaang sabi nito at kaagad kong naalala ang sinabi sa akin ng magulang ko. wala daw akong magagawa kundi pakasalan ang babaeng yon, kailangan daw nameng ikasal para sa kumpanyang hindi naman ako ang humahawak.

" gagawa ako ng paraan at kung siya nga ang mamahalin ko habang buhay ay ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya kahit anong mang kapalit nito sa hinaharap, ayaw kong ikasal ako sa taong hinde ko mahal.. tandaan mo yan.." matigas na sabi ko habang iniisip ko ang mga mangyayari sa hinaharap.

Hindi ko mapigilan ang pagiisip ng hinaharap ko pag hindi kame nagkatuluyan at kung mangyayari nga yon ay magpapakamatay ako kesa naman ikasal ako san a hindi ko naman kagustuhan.

Gagawin ko ang lahat para sa pagmamahal at desperado ako na makamtan ang ganoong pakiramdam.

" Leandro, diba may Vault naman kayo sa bahay nyo ? pwedeng humiram ng isa dahil sisimulan ko na ang plano ko.. ayaw kong makasal sa babaeng yon.. at gagawin ko ang lahat para mahadlangan yon.." madiin kong sabi at nagpangiti kay leandro.

" ilang beses ka na ba na broken hearted ? lima o sampu.. gigil na gigil ka sa pagmamahal ah.." nanunuksong sabi nito at babatukan ko na siya ng tumakbo siya.

" pag binatukan mo ko wala kang vault na mahihiram.." pagbabanta niya sa akin at napangiti ako sa inaasal niya. matagal ko nang naging kaibigan si Leandro at natutuwa ako na sa tuwing may problema ako ay pinapayuhan niya ako.

Hindi ako mabibigo sa susunod kong experience na magmahal ulit at sisiguraduhin kong walang magagawa ang magulang ko kung umayaw ako sa kasunduan nila.

Hanggang Tanaw Na Lang Ba ?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon