Kabanata 11 : Kalungkutan
Ace Monteverde POV
Pumasok ako sa loob ng St. Peter Chapel na kung saan nakahimlay ang tatay ko. kahit na kinontrol niya ang buhay ko ay tatay ko padin siya at kailangan kong puntahan siya sa lamay niya kahit na labag sa kalooban ko.
Nakita ko si mama na nakatayo sa gilid ng kabaong ng ama ko. kaagad kong pinuntahan ang libingan ng tatay ko at doon ko nakita na umiiyak ang nanay ko dahil sa pagkawala ng ama ko. alam ko ding pakitang tao lang ang pagiyak niya.
" mama.. si Bronze nga pop ala.. gusto kong makilala mo siya.." pagpapakilala ko sa kanila.
" condolence po tita.." sambit ni Bronze at niyakap siya ng mama ko.
" hindi na ako magpaligoy-ligoy pa dahil aalis na ako papuntang probinsiya at gusto kong manirahan doon ng matiwasay.. alagaan mo ang anak kong si Ace at sana wag nyong pababayaan ang isat-isa dahil alam kong mahal na mahal ka ng anak ko kahit na bakla ka.. hindi ko sayo ipinagkakatiwala si Ace kung wala akong tiwala sayo.. nakikita ko namang mabait ka at gagawin mo ang lahat para sa kanya kaya sayo ko na ipinagkakatiwala ang anak ko.. pwede nyo naman akong dalawin sa probinsiya kung gugustuhin nyo.." sabi nit okay bronze at naiiyak na ako dahil pinagkakatiwalaan ng aking ina ang pinakamamahal ko.
Gagawin ko ang lahat para sa pagmamahal at kung siya lang ang makakapagdulot sa akin nito ay ipaglalaban ko siya hanggang kamatayan.
" kumain na muna kayo, meron akong binili kanina na mga pagkain para sa inyo.." bilin ni mama sa amin at kaagad na kameng pumunta sa lamesa at kinuha ang pagkain na inorder niya para sa ameng dalawa.
Kumain kame at nakipaglamay sa burol ng aking ama, hindi siya naging mabuti sa akin pero nandirito ako para sa kanya at bilang respeto ko na rin sa burol niya. kahit anung mangyari ay ama ko pa din siya at hindi mababago ang katotohanan na yon.
Pagkatapos nameng makipaglamay ng ilang oras ay napagpasiyahan na namen umuwi ni Bronze sa dorm na inuuwian namen at kaagad ko siyang niyakap.
" wala na ang tatay ko at Malaya na naten magagawa ang gusto naten, mahal kita at mahal mo ako.. wala nang makakapaghiwalay sa aten.. tandaan mo yan mahal ko.." sabi ko sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit.
" sayo ko lang naramdaman ang tunay na agmamahal, sa tingin mo pakakawalan pa kita ? " sabi nito at tuluyan ko na siyang hinalikan sa labi.
" alam mo kahit anong gawin ko, napakatamis parin ng iyong labi.. pero hindi parin mababago na ang paborito ko sayo ang leeg mo.." banat ko sa kanya at alam kong mapupulahanan siya ng kanyang mukha. Kabisado ko na siya at alam kong yun ang nagpapapula sa kanyang mukha pag sinabihan ko siya ng napakatamis na mga salita.
" tigilan mo ako ace, ayaw ko muna.. " utal-utal na pagkakasabi niya pero hindi ko siya pinagsalita pa at hinalikan ko siya sa labi ng madiin.
" hindi ka naman makakapalag sa gagawin ko sayo eh, bibigay ka din naman.." paliwanag ko at kaagad ko siyang sinibasib ng halik ko. hindi na siya nakatanggi pa at kaagad ko siyang mariing hinalikan.
Muli kong naramdaman ang apoy sa pagitan namen na lumalakas at patuloy itong nagliliyab dahil sa aming pagnanasa sa bawat isa. Hindi ko mapigilan na pagnasahan ang lalaking wagas magpatibok ng puso ko at tanging siya lamang ang talagang pumukaw ng nahihimbing kong puso. Hindi ko na siya papakawalan pa at ayaw ko na siyang mawala sa piling ko. sigurado na ako sa nararamdaman ko sa kanya at handa akong gawin ang lahat para manatili siyang akin.
BINABASA MO ANG
Hanggang Tanaw Na Lang Ba ?
RomanceIsang Baklang Hanggang Tanaw na Lang sa Kanyang Ultimate Crush .. Hindi Niya inaakala na sa isang Iglap ay magiging magkalapit sila dahil sa isang gulo na napasukan ng niya.. ANo kaya ang gagawin ng ating bida para sa susunod na mangyayari ?