Chapter 4

549 8 0
                                    

Chapter 4

Taylor Alyson Chua

Sumang-ayon naman ako sa sinabi niya. Sa aming dalawa, siya ang may alam sa pakikipagrelasyon. I know how to handle one but too afraid to do it.

Kapag kasi nag-commit ka, kadalasan ay kailangan mo ibigay ang lahat para sa relasyon niyo. I don't really get the point of that?

Then, matapos mo ibigay lahat ay iiwan ka din niya. Edi sinayang mo lang halos buong buhay mo sa kanya.

"You're right. Kilala ko siya pero hindi ko siya ganun kakilala." Bumuntong-hininga ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Habang nag-aayos kami, napansin ko ang isang folder na kulay white. Naiiba siya sa mga folder na brown na nakahanay sa transferee section.

Kinuha ko yun at binuksan. Tranferee record ng isang engineering student from US. Nakakapagtaka lang, walang kahit isang photo na naka-attached sa files niya kahit na kailangan meron dapat.

"Marie, tingnan mo 'to. May transferee oh pero walang photo." Agad naman lumapit sa akin si Marie sa pwesto ko at tinuon ang pansin sa papel.

"That's odd, paano na-accept 'to? Clueless tuloy tayo kung gwapo ba siya o hindi." Tiningnan ko siya ng masama.

Hindi ko akalain na mas uunahin niya muna kung gwapo o hindi yung transferee.

"Well, might as well na i-consult natin to sa office." Suggestion ko kaso di naman siya sumang-ayon at busy sa pagkalikot ng phone niya.

Aalis na sana ako para pumunta sa office kaso pinigilan ako ni Marie. Kitang-kita ko ang pakairita niya sa nakita niya sa phone niya.

"Anong problema mo? Inayawan ka ng lalaki mo?" Sinubukan ko siyang biruin kaso mukha wala siyang balak tawanan joke ko, it means di nakakatawa for her.

"That's the problem!" Tinuro niya ang brown na folder na hawak ko. "Wala siyang account sa facebook and other sites."

Halos mapa-facepalm ako sa sinabi niya. Di ko akalain na problemado pa rin siya sa lalaking 'to.

Kahit ako din naman na-curious sa kanya and how this application end up here, it means tinanggap na siya ng university as a student.

"Kaya nga dadalhin natin sa office, malay mo may file sila nito." Paliwanag ko sa kanya pero mukhang di niya nakuha dahil agad siyang humiga sa sofa at nakatingin sa kisame.

"If his files are here now, it means he's a student here. We have find him!" Umupo siya sa pagkakahiga at ngiting-ngiting nakatingin sa akin. "Tama! Madali lang siyang mahanap sa mga connections ko."

"Bahala ka mapagod kakahanap sa kanya." Di ko na pinagtuunan ng pansin ang binabalak ni Marie na makilala yung lalaki.

Nang may masasabihin si Marie ay biglang bumukas ang pinto at pumasok dun si Valentin. Hindi ako nagulat na makita ko siya, nakakapagtaka lang bakit siya nandito.

Ngiti siyang lumapit sa akin at agad akong niyakap. Halos mabigla ako sa ginawa niya at kinabahan ako dahil nandito si Marie, kunwaring di kami pinapansin.

"God! I miss you so much." Mahinang bulong niya sa akin bago ako pakawalan.

Narinig ko naman ang paghagikhik ni Marie.

"I missed you too, Valentin. Anong ginagawa mo dito?"

"I came here to visit you of course. And siguro tulungan na kita sa ginagawa mo."

"You don't have to. Kaya ko naman 'to." Pagpigil ko sa kanya.

Ayoko sa lahat yung tinutulungan pa ako sa bagay na kaya ko naman gawin.

A Dying Wish (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon