Chapter 44

70 0 0
                                    

Ven's Point of View

It's been a week na nangungulit sina Ado at Patrick. I feel like I'm a Goddess, masyado nilang sinasamba. What's with me anyway?

Inuulit ko. Hindi ako si Taylor Chua na sinasabi nila. Gusto nyo pa blood test pa tayo? Aba! Aba! Of course part lang ng act yun.

Ako talaga si Taylor Alison Chua. Ang heiress ng Chua Corporation. Namatay man ang pangalan ko, buhay pa rin ang diwa ko pero sa ibang aspeto na ng buhay.

Nagbago na ako. Di na ako yung Taylor na masayahin, tatanga-tanga, hindi liberated, takot main-love, madaling magtiwala sa lahat at higit sa lahat ay ang sunud-sunuran.

Natuto na ako. I've learned from their wrong moves and from my mistakes. Ayoko na maging talunan, gusto ko nang lumaban ng pataas at kung maisahan man, nandyan ang pangalan ko. Ven Detta or Latin word vendetta meaning revenge.

After ng acting car accident namin. Mas minabuti ko nang patahimikin ang Taylor Chua na yun. Dahil sa kagustuhan ng nakakarami lalo na ako at ng parents ko. Sa simula pa lang, alam na ng parents ko ang plano namin nila Kath. Tutol man sila nung una pero nung mission accomplished, naging okay na sila.

Sa loob ng two years, nagpakatatag ako. Binigyang buhay ko ang panibago kong pangalan sa larangan ng showbiz. Wala akong bagay na hindi nagawa. I am one of the best in the US showbiz industry. Binuhay ko ang sarili ko sa sariling kong kakayahan.

Hindi na ako umaasa sa mga parents ko, liberated na akong tao. At masakit man na hindi na ako ang heiress ng company namin, may bago namang papalit. Ang baby brother ko na si Andrei James Chua. Of course, tuwang-tuwa si daddy kasi may magdadala na ng apelyido namin.

Malungkot man na hindi ko kasama palagi parents ko, okay na din kasi suportado pa rin sila s akin. Naging okay ako na mas prioritize nila si Andrei. I can handle myself.

About my medications, mahirap tanggapin na may brain cancer ako. Although nabawasan na ang cancer cells pero nandyan pa rin ang pag-iingat ko.

Hirap na makakuha ng free time. Ang dami ko kasing sunod-sunod na photo shoots at guesting sa mga TV shows.

Aaminin ko man, isang akong celebrity sa US or should I say buong mundo.

Napag-alamanan ng nga CNN na nadito ako sa Pinas para magtago. Sino at ano dapat kong itago? Di ba ako pwedeng magkaroon ng quality time for myself. Kakasawa din habulin palagi ng mga media.

Nandito ako sa sikat na show sa Pilipinas. Kilala ko yung host, nanonood kasi ako ng mga palabas nya. Mabait siya in person.

"Are you ready?"

"I'm always ready. Bilisan na natin ng matapos na to."

"Okay. Okay. Chill ka lang. Magsisimula na in 1 minute."

This is it! Kinakabahan din ako ng onti. Iba ang mga press dito at syempre, may mga alam na akong itatanong nila and I should act the way I started showbiz.

A Dying Wish (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon