Marie's Point of View
Di ko sukat akalain na bibigyan pa ako ng chance na mabuhay. Masyado akong nagpakatanga.
Sinasayang ko ang buhay ko sa isang lalaking di ako kayang mahalin.
After 3 weeks, nagising ako sa pagkaka-coma.
Isang aksidente na muntikan na kumitil ng buhay ko. Buti na lang at comatose lang ang inabot ko.
Nung magising ako, tanging parents at iba kong kaibigan ko lang ang nakikita ko.
Ni anino ni Ven at Adonis, di ko nakita.
Siguro masaya na silang dalawa.
Siguro di na nila kailangan ang tulad ko.
Siguro di na sila nababahala kasi alam nilanh coma ako at wala nang makakapigil sa kanila.
Siguro nagmamahal na sila ng walang sagabal.
Sa loob ng tatlong linggong tulog ako, maraming nangyari. May namatay at may nagsakripisyo.
Kahit may malaking agwat sa aming dalawa ni Heaven, at least napigilan nya ang lahat ng balak ni Spark.
Naging payapa na ulit ang lahat. Payapa ba talaga lahat?
Ako, hindi. Nyeta! Ang hirap ng hindi ka makuhang mahalin ng taong mahal mo.
And worst, mahal nya ang best friend ko at mahal din siya nito. Saklap ng buhay!
Nung araw na aalis silang papuntang US, syempre di na ako nagsayang ng oras para makita sila one last time.
Ako ang nakita ni Ven na naka-Sherlock na damit. Ayokong makita nya ako na luhaan at talunan.
Sa umpisa pa lang naman eh, talo na ako. Wala na akong laban.
Kitang-kita ko kung paano sila magmahalan. Yung tipong sobrang dikit na nila sa isa't isa na magiging isa na lang sila.
Bakit ganito kasakit ang magmahal?
Pero kahit na masakit, alam ko na tama ang ginawa ko. Tama ang desisyon ko na mas magandang ang best friend ko na ang maging masaya.
She deserve to be happy.
Alam kong fragile na siya, kaya kailangan nya maging masaya. Di dahil sa awa, deserving lang talaga siya maging masaya.
Malapit na mag-isang oras at nakita ko silang nakaupo sa waiting area.
Magkahawak sila ng kamay. Yung mga mga tinginan nila sa isa't isa.
Kailan ko kaya mararamdaman yang gawin mo sa akin?
BINABASA MO ANG
A Dying Wish (Editing)
General FictionA Dying Wish Chapters Edited (19/50) A story of a girl who has everything she want. Until one day, everything turned upside down. Will she continue to live and remember everything she has or will she forget everything? Copyright © fasdelacruz 2014