Ven's Point of View
Nakarating kami sa park ng school nang may mapansin kaming dalawang kotseng itim. Alam ko ang kay Heaven dito kaya kataka-taka kung kanino yung isa.
Syempre, di mawawala sa isang tao ang kabahan, lampa o maangas ka man. Kinakabahan ako sa mga posibleng mangyari.
Ven, huminahon ka. May kakampi ka dito, nandyan lang si Adonis sa tabi. Kung may masama mang mangyari sa aming dalawa, thankful na din ako kasi namatay kami ng magkasama.
Pero di pa ako handa mamatay, marami pa kaming dapat gawin ng taong mahal ko.
Nasa may gate na kami ng makarinig kami ng putok ng baril.
Sinasabi ko na nga ba. Di lang kami nandito sa school.
Teka? Sino kasama ni Heaven doon? Sino ang bumaril, siya o yung isa pa nyang kasama? Sino ang kasama nya dun?
Hinawakan ni Adonis ang kanang kamay ko at naramdaman ko ang higpit nito. Kinakabahan din siya.
Lumakad kaming dalawa papuntang park pero dahan-dahan at patago kaming pumupunta doon.
Madilim.
Sobrang dilim.
May isang ilaw lang ang nakabukas at kita ko ang isang aparisyon ng isang tao... isang babae na nakahawak sa dibdib nya.
Anong nangyayari?
Kinulbit ako ni Adonis at tinuro sa isang medyo madilim na parte, may tatlong taong naglalakad dahan-dahan at palayo doon sa babae na nasa bench.
Nang mas nakalapit kami, nakita ko ang umaagos na dugo kay Heaven sa kanyang dibdib.
Nakatayo pa rin siya at kita mo na medyo naghahabol siya ng hininga.
Maya-maya, may nilabas siya sa kanyang likurang bahagi, sa may bandang butt nya--- isang baril.
Buti na lang at wala pa kami doon kasi feeling ko gagamitin nya sa amin kung nagkataon na magtalo kami.
Kilala ko ang tulad nya, kilalang-kilala.
Isang babaeng bihasa sa kahit na anong armas ang ipahawak mo sa kanya--- isang hawak nya pa lang, kita mong sanay siya at kapag nagpakawala na siya ng bala... bullseye!
Hinawakan nya ang baril pero nanginginig siya kasi hirap siyang makakilos dahil sa mabilis na pag-agos ng dugo sa dibdib nya.
"Wala ba tayong gagawin?"
"Umpisa pa lang, she deserve it. And wag na baka madamay pa tayo."
BINABASA MO ANG
A Dying Wish (Editing)
General FictionA Dying Wish Chapters Edited (19/50) A story of a girl who has everything she want. Until one day, everything turned upside down. Will she continue to live and remember everything she has or will she forget everything? Copyright © fasdelacruz 2014