Chapter 17

185 6 0
                                    

Chapter 17

Taylor Alyson Chua

Ilang oras na akong nagpapaikot-ikot sa kama ko. Kanina ko pa gustong matulog pero hindi ko magawa.

Para bang lahat ng problemang pwede kong isipin, naisip ko na.

Ayoko na sanang isipin ang pinag-usapan nila kuya pero hindi ko talaga mapigilan ang hindi ma-curious sa kanila.

Napatigil ako pansamantala at hinarap ang kisame ng kwarto ko. Nakatitig lang ako sa puting kisame sa taas.

Napapikit ako ng mariin nang maalala ko si Valentin. It's already morning sa kanila so probably he is getting for his business work.

Alam kong busy siya sa work niya pero hindi ko pa rin matanggap na wala man lang siyang time sa akin. Kahit message lang na 'hi' di niya pa magawa.

Kaya ko naman gawin kaso babae ako at ma-pride ako. Nasa pananaw ko pa rin yung dapat lalaki ang unang gumagawa ng effort.

And why is it other girls are so unfair? Why do they have to make an excuse na babae sila at lalaki sila kaya dapat sila mag-effort?

That's why you're both in a relationship. You're making a bond that will tighten your relationship with each other. To do so, you have give what they want, either you're a girl or a boy.

The girl and the boy must give their efforts to grow the relationship.

That's why there is an old saying, "If you love someone, you would do anything to keep him/her" and that's what kind of relationship that will lasts.

What the hell that I'm thinking? Napaupo ako sa mga pinag-iisip ko. Tiningnan ko ang alarm clock at alas tres na ng madaling araw. Maaga pa ang pasok ko mamaya at hindi ko alam kung kakayanin ko gumising mamaya.

Kinuha ko ang laptop ko at binuksan yun. Dahil pumasok sa isip ko ang mga effort-effort na yan, ako na ang gagawa ng way para kausapin siya.

After kong buksan ang account ko, nanlaki mga mata ko nang makita ko siyang online. Agad akong nagtipa ng mga letra at sinend sa kanya.

Taylor
Hi, how are you? I miss you.

Nag-seen na siya kaagad pero after nun biglang nag-offline.

Nung una, inisip ko na baka nagloloko lang internet niya pero ilang segundo lang nag-online ulit.

Naghintay ako ng reply niya pero ilang minuto na at hindi pa rin siya nagrereply. Hindi ko alam kung masasaktan ba ako sa nakikita ko o maghihintay at iintindihin siya kasi busy siya?

Napasabunot ako sa buhok ko. May tiwala naman ako sa kanya kahit papaano pero masakit lang na balewalain ka ng taong gusto mo.

Bumuntong-hininga ako at pinabayaan na muna ang chat ko sa kanya. Nag-scroll down muna ako para tumingin ng mga pictures.

Habang tumitingin ng pictures ng barkada ko, biglang nag-ring ang phone ko. Agad kong kinuha yun at umasang si Valentin yun pero hindi pala, si Blake lang pala.

"Oh napatawag ka?"

"Just checking on you."

"You creepy stalker. Bakit nga?" Natatawa na lang ako sa kanya. Bakit gising pa siya ng mga ganitong oras?

Don't tell me, he really meant what he said?

"I was about to sleep nang makita kong bumukas ilaw ng kwarto mo."

"I see. Well, can't sleep so I just checked kung may message siya."

"Oh my workaholic cousin. You're wasting your life on him, he's becoming his dad you know?"

A Dying Wish (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon