Chapter 6

496 7 0
                                    

Chapter 6

Taylor Alyson Chua

Tumakbo ako hanggang sa maabutan ko si Valentin sa tapat ng open fields kung saan may mga naglalaro ng football.

Nag-alangan pa akong hawakan ang kamay niya dahil natatakot ako sa posibleng mangyari kapag dito kami tumigil, ayaw na niya sa football kaya naman baka magalit siya kung dito ko siya kakausapin.

Pero hinawakan ko ang kamay niya na kinagulat niya. Hinila ko na lang siya hanggang sa makarating kami sa isa sa mga park ng university.

Hingal na hingal ako sa kakahila sa kanya at pansamantalang nagpahinga. Tumingin ako sa kanya at kita ko ang pag-alala niya sa akin.

Nang nahuli ko siyang nakatingin, umiwas siya ng tingin at nag-smirk.

"Please, Valentin. I'm sorry kung di ko sinabi sayo yun."

Hinahabol ko pa rin ang hininga ko at bahagyang tumungo. Ayokong makita siyang naiinis sa akin, parang nasasaktan ako.

"Kailan mo balak sabihin sa akin? Kapag tapos ka na sa kanya?"

Bigla akong nabigla sa kanya. Parang iba ang pinahihiwatig niya, parang may iba akong lalaki bukod sa kanya.

"Is that how you look at me? Really? You could say to me right now?"

Nakitang kong nabigla siya sa sinabi ko. Hindi na siya nagtaka, mukhang gets niya ang gusto kong iparating.

"What? No! I wasn't looking at you that way. I'm sorry." Lumapit siya sa akin at pinigilan ko naman siya.

Ayoko munang lumapit siya, baka mawala ang galit ko.

"Then what? Ganun ba talaga akong tao? Di ko akalain na ganyan rin pala mag-isip sa akin."

"No, Aly. Di yun ang gusto kong sabihin. Sorry, I got jealous. Di ko lang kaya na nasa feeling ka ng ibang lalaki."

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Unti-unting nawawala ang galit ko sa kanya. Malakas ang epekto niya sa akin, pero nasaktan lang ako sa sinabi niya. OA na kung OA pero yun ang unang pumasok sa isip ko e.

"Please, Aly? I'm so sorry. I'm sorry you felt that way." Di ko namalayan na lumapit na siya sa akin at niyakap ako mula sa likod.

Bumuntong-hininga ako kasabay nun ang pagkalma ng isip ko. Wala na, bumigay na ulit ako sa kanya. I know nonsense lang ang pinag-aawayan namin.

"Sorry, naging OA lang ako. Di ko pa rin tanggap na ganun iniisip ng mga tao sa akin e."

"No, you are not that way. Hayaan mo sila, mas maganda ka pa rin sa kanila."

"Sino yung pinakamaganda? Daya mo!" Sinubukan kong umiwas sa kanya pero hinablot niya ulit ako at niyakap.

Natatawa siya sa akin at hinalikan ang ulo ko. "Of course, my mom. Sorry, mama's boy ako e."

Natawa naman ako sa sinabi niya. Kaya naman pala grabe ang pag-alaga niya sa akin e dahil alaga siya ng mommy niya.

"But she left us few years ago." Natigil naman ang pagngiti ko sa pagbanggit niya about sa mommy niya.

Unti-unti akong kumawala sa kanya at hinarap siya. Napansin ko din na nabigla din siya sa sinabi niya kaya naman niyakap ko siya ng mahigpit.

"Sorry, hindi ko alam ang tungkol sa mommy mo." Bulong ko. Ayokong maalala niya yung sakit na nagbigay sa kanya noon nung nawala ang mommy niya.

I want him to feel na nandito pa rin ako.

"It's okay. Naka-move on na ako because of you. This is her last wish, to be with the one that I love."

A Dying Wish (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon