Chapter 4: Into The Magic World

26.3K 859 17
                                    

Chapter 4: Into The Magic World
 
Arielle Henriett Williams
 
Pagkagising ko palang ay bigla na akong nakaramdam ng kaba. But I think, I’m just excited. Hanggang sa pumunta na kami sa hospital, hindi pa rin ako mapakali.
 
Umaasa akong makikita namin siya kaagad sa hospital na pinagta-trabahuan pala niya—a hospital that owned by an immortal like us—pero, wala pala siya do’n at nang bumalik si Gwen galing CR at sinabi kung na saan siya ay dumoble ang aking kaba na nararamdaman. 
 
Nang na sa tapat na kami ng room number niya ay pinagpapawisan na ako ng malamig, lalo na nang bumukas ang pinto at parang nag-slow motion ang lahat.
 
Nang bumukas na ng tuluyan ang pinto ay nakita ko nalang siya na gulo-gulo ang buhok na parang naistorbo ang kaniyang tulog.
 
Shit. We found him! We finally found my twin brother!
 
And with that, bigla nalang nagsibagsakan ang mga luha ko at napayakap ng mahigpit sa kaniya habang humahagulgol. I felt him stilled kaya bumitaw ako at tinignan siya sa kaniyang mga mata.
 
Hindi pa rin talaga siya nagbabago, gwapo pa rin.
 
Nakita ko naman siyang napatulala at nakatitig lang ito sa akin habang nanlalaki ang mga mata. Para bang hindi pa nagsi-sink in sa kaniya ang mga nangyayari.
 
“A-Arielle?” Gulat na gulat niyang tanong at kumurap-kurap pa siya at bigla nalang niya akong niyakap ng mahigpit.
 
“Arielle? Ikaw ba talaga ‘yan, Sis?” Sunod-sunod niyang tanong at bumitaw sa aming yakapan.
 
Tumango naman ako habang may luha pa ring pumapatak mula sa mga mata ko. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko.
 
Oh, Gods, I miss this!
 
“Hey, twinny, hindi ka pa rin nagbabago. Pangit ka pa rin,” sabi ko at sabay halakhak habang hindi pa rin tumitigil ang luha ko mula sa pagpatak at siya naman ay walang sawang pinupunasan ang mga ito.
 
Hindi ko alam kung ano’ng nararamdaman ko ngayon. Basta masaya akong nandito na ulit ang kapatid ko at makakasama ko ng muli siya. Siguradong ikatutuwa din ito ni Mommy at Daddy. Niyakap niya ulit ako at hinalikan sa nuo habang may ngiti sa mga labi.
 
“Hey, hey! Tama na ang dramahan! May tao pa po sa likod nyo!” Rinig ko namang sabi ni Jacob na panira ng moment.
 
Nang lumingon ako sa kanila ay nakita ko nalang na bigla siyang binatukan ni Kaizer kaya sumimangot nalang siya.
 
Pasalamat ka at hindi nakikisali si Lucas, kung hindi… tigok ka na ngayon!
 
“Well, I guess… welcome back Prince Azriel Henritte?” Nakangiting tanong ni Clara.
 
Hinila naman ni Kaizer si Jacob at dahil katabi niya si Gwen ay nadamay siya ng wala sa oras at nauwi sa group hug, syempre except sa dalawa, Aiden and Kuya Logan.
 
Mga kill joy! Hmp!
 
Natuwa naman ako dahil nakita ko na ulit ang ngiti ng kakambal ko pati na rin ang pakikipagbiruan niya sa mga kaibigan namin. 
 
Iuuwi na kita at ibabalik sa lugar kung saan tayo nararapat.
 
I wish this will last forever.
 
***
 
Hope Lorelei Lara Sapphire Watson
 
“Mimi, mahirap po bang mag-aral do’n?” Tanong ko kay Mimi, nasabi ko na rin na pumapayag na akong bumalik do’n—na mag-aral sa akademya na kung saan ay siya ang punong guro, kaya heto kami ngayon at nag-aayos kami ng mga gamit para sa pag-alis namin bukas.
 
Narinig ko naman silang tumawa kaya napatingin ako sa kanila. “Hindi ka naman mahihirapan, anak, siguradong mabilis ka ring makakapag-adjust. At saka, naituro naman na namin ang iba mo pang dapat malaman do’n, pero kung may kailangan ka, nandito lang si Mimi at Nana. Okay?” Saad ni Mimi na may ngiti sa labi kaya tumango at nginitian ko din siya.
 
“Siya nga pala, Raine, nakahanda na ang lahat sa pagbalik natin do’n, at gaya nga ng sinabi mo ay dapat walang maka-a-alam kahit sino man, except the headmaster, of course. Sa anibersaryo nalang ng academy nila malalaman at Lara,” Nana looked at me, “Do’n ka na din ipakikilala bilang anak ng kanilang headmistress na matagal ng hindi nagpapakita sa kanila, okay?” Pagpapatuloy naman ni Nana habang sinasarado na ang maleta.
 
Surprise yarn?
 
“Nana, kailan po ba ang anniversary ng academy?” Hindi ko mapigilang tanong habang nagtitiklop pa rin ng mga damit ko.
 
“Next week na ‘yon, Hopie,” sagot ni Nana habang nag-aayos na ulit ng gamit niya sa isang maleta.
 
Tumango na lang ako at hindi na umimik pa. Nag-ayos na lang kami nang gamit para wala ng problema sa pag-alis namin bukas.
 
Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Nakita na kaya nila si Azriel? Sana oo, dahil delikado na ngayon, madami nang pakalat-kalat na kalaban dito kahit pa alam niyang protektahan ang kaniyang sarili.
 
Sana naman magawan ng paraan ‘yon ng academy dahil madaming mapapahamak na Elementalist na nakatira dito. Kaya din siguro pinababalik na si Mimi at Nana do’n para masolusyonan na ang problema dito sa mortal world.
 
***
 
Kinabukasan ay inayos namin ang bahay para kapag magbabakasyon kami ay dito ang tuloy namin. Bigla tuloy akong nalungkot. Sana maganda ang maging buhay ko do’n tulad ng buhay ko dito. Dahil kung hindi, uuwi talaga ako dito!
 
Pagkatapos namin ay naligo at nagbihis na rin kami. Ang sinuot ko ay black ripped jeans, black leather boots, turtleneck sweater, and pink coat. Sinuot ko na rin ang relo ko na regalo pa sa akin ni Mimi at kinuha ang backpack ko at ang luggage kong kulay pink.
 
Yeah. I’m a pink monster!
 
Luminaria realm’s weather is cold—it’s currently winter there right now that’s Mimi advice me to wear winter clothes. Na-excite pa nga ako, eh, kasi first time kong makakita ng snow. Ayoko namang gamitin ang kapangyarihan ko magkaroon lang ng snow dito, kasi kapag nagkataon, ibig sabihin lang no’n ay malungkot ako.
 
Isa iyan sa aking kapangyarihan, ang pagkontrol ng panahon kung gugustuhin ko man, pero sa tuwing malungkot, masaya o ano pa man ang nararamdaman ko ay nag-iiba ang panahon. My emotions and weather are connected.
 
Ang gusto ko sa lahat ng panahon ay ang tag-ulan, bakit? Kasi masarap matulog. Pero kasi sa tuwing umuulan, ibig sabihin lang no’n ay malungkot ako. Ayoko namang maging malungkot ako dahil naka-konekta sa akin ang panahon at ayaw ko namang may madamay kapag nakaramdaman ako ng lungkot.
 
Lagi din naman kasi akong pinasasaya nila Mimi at Nana kaya laging maganda ang panahon.
 
***
 
Nakasakay na kami ngayon sa kotse ni Mimi at bumabiyahe na. Pero kanina pa kasi kami bumabiyahe kaya ang sakit na ng pwet ko. Huhu. Almost seven hours na kaming naglalakbay. Masyado ba talagang malayo ‘yon?
 
“Mimi, matagal pa po ba tayo?” Naka-simangot kong tanong kay Mimi. Si Mimi ang nagda-drive, habang na sa passenger seat naman si Nana at ako naman ay na sa backseat.
 
“We’re almost there, Hopie,” sagot ni Mimi sa akin while her eyes are still on the road.
 
They told me that we will go where the portal is. Ang portal na patungi sa magic world ngunit tanging mga imortal lamang ang may kakayahang buksan at makapasok dito.
 
Ngumuso na lang ako at tumingin sa labas ng bintana. Kailan kaya uulan? Winter naman kasi sa pupuntahan namin, eh. Nang tinanong ko naman si Nana kung bakit winter do’n ay ang sabi niya, malungkot daw kasi ang reyna.
 
Which one? Sinong reyna? Sa pagkakaalam ko, madami ang hari’t reyna do’n, eh. Hindi naman kasi nilinaw ni Nana. Kapag tinatanong ko naman si Mimi, parang nalulungkot siya bigla. Ano ba kasi ang nangyari?
 
Maya-maya pa ay napahikab ako at nahiga na lang ulit sa backseat. Sakop ko naman lahat ‘to dahil mag-isa lang naman akong nakaupo dito. Ipinikit ko na ang mga mata ko at hinayaan ng lamunin ng kadiliman.
 
Sana nando’n na kami pagkagising ko.
 
***
 
Lorraine Jade Watson
 
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kung sakaling makabalik na ako sa mundong iyon. Galit pa kaya siya sa akin? Sana napatawad na niya ako. But I don’t think she already forgave me even it’s been a long time. She despise me after all…
 
Habang nagbi-biyahe kami ay nagtanong ang anak ko. Naiinip na siguro. Pero totoo namang malapit na kami kaya natuwa ako ng natulog na lang siya kaysa naman mainip siya kahihintay na makarating kami kung na saan ang portal.
 
Nang umalis ako do’n ay pumunta muna ako sa Academy kung saan ako ang namumuno at nang malaman ni Mina na aalis ako ay sumama siya sa akin at do’n na nagsimula ang pamumuhay namin dito sa mundo ng mga tao.
 
Naging tahimik ang loob ng sasakyan ng mapag-pasyahan ng anak kong matulog ulit hanggang sa narinig kong nagsalita si Mina. “Handa ka na bang ipakita ang anak mo sa kanila?” Biglang tanong niya. Tinignan ko naman sa rearview mirror si Lara at nakita siyang mahimbing na natutulog.
 
A fast sleeper.
 
“Basta sa anak ko, magiging handa ako,” sagot ko habang diretso ang tingin sa daan.
 
“Eh, ang sabihin ang totoo? Handa ka na rin ba?” Tanong niya ulit gamit ang seryosong tono.
 
Nagulat naman ako sa tanong niya at hindi ko ‘yon napaghandaan. Matagal na namin itong pinag-uusapan pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong maisagot sa tanong na ‘yan.
 
Not now.
 
“May tamang oras at panahon para diyan, Romina,” sabi ko at naging-seryoso na rin.
 
“Pero kailan? Kai—” pinutol ko naman siya sa iba pa niyang sasabihin at nagsalita.
 
“Kilala ko sila, Romina, kaya gusto kong sila mismo ang makatuklas,” sabi ko. Tumango na lang siya at napabuntong-hininga.
 
If it’s not just about the prophecy…
 
***
 
Hope Lorelei Lara Sapphire Watson
 
Nagising ako dahil mayroong mahinang tumatapik sa pisngi ko kaya unti-unti ko namang iminulat ang mga mata ko at nakita si Nana.
 
Nang makita niya akong gising na ay ngumiti siya sa akin kaagad. Ang ganda talaga ng Nana ko. Bakit kaya wala pa siyang asawa?
 
“We’re here. Bumaba na tayo. Isuot mo na rin ang coat mo,” saad ni Nana sa akin kaya tumango na lang ako at bumangon na.
 
Sinuot ko naman ang coat ko bago bumaba. Nagtungo naman ako sa likod ng kotse at para sana kunin ang mga gamit namin pero napansin ko na lang na nasa labas na ang mga ito, pati ang backpack ko na nakapatong sa maleta ko kaya lumapit na lang ako kina Nana.
 
Nakita ko naman si Mimi na parang may binibigkas na mga salita habang nakataas pa sa harapan niya ang kanang kamay.
 
Parang may binubuksan siyang portal dahil sa ginagawa niya. Nang matapos na niyang bigkasin ang mga salita na hindi ko alam ay may biglang lumabas na ginto at gumuhit ito ng bitwin, kasunod no’n ay buwan, at last ang… araw.
 
“She’s opening the portal of Lumina Academy,” I heard Nana said which made me nod.
 
I see.
 
Tumagal ang araw ng mga ilang minuto ‘di tulad ng iba kanina. Bigla naman akong nakaramdam ng pag-iinit sa kaliwang balikat ko at kasabay no’n ay ang pag-ilaw din ng birthmark ko sa kaliwa ko ding balikat sa likod. Hindi naman masakit ang pag-init niya kaya hindi naman ako nasaktan.
 
At pagkatapos uminit ng birthmark ko ay agad ko namang napansin ang pagkulay ginto ng ilang hibla ng buhok ko.
 
Golden highlights.
 
What just happened made me curios. Ano naman bang pangyayari ang nangyayari ngayon? Nang mawala ang araw na nakaguhit sa harapan ni Mimi ay tumigil na din sa pag-ilaw ang birthmark ko.
 
Titingnan ko ‘to mamaya.
 
Kasabay no’n ay ang paglabas ng portal kaya walang alinlangan kaming pumasok do’n ng hindi kasama ang aming kotse. Nang makapasok ako sa portal ay parang nasusuka ako dahil nakahihilo, mas malala pa ito sa mga bus! Parang ayoko nang gumamit ng portal sa susunod kaya pumikit na lang ako upang maibsan ang pagkahilo ko.
 
Nanatili akong nakapikit hanggang sa makarinig ako ng tawanan at ng pakiramdaman ko ang paligid ay malamig na kaya iminulat ko na ang aking mga mata at nakita ko si Nana at Mimi na tumatawa. Napanguso na lang ako dahil alam kong ako ang kanilang tinatawanan.
 
Kaasar ‘tong dalawang ‘to. Hmp!
 
Nang libutin ko ang paningin ko ay mukhang madaling araw na dito, malamig din at totoo ngang nag-i-snow dito. Pero hindi naman umuulan ng snow, mukhang kakatapos lang. Kung sino man ang reyna’ng ‘yon… kailan kaya siya sasaya?
 
I got excited when I saw my surroundings. It really winters here and I can’t help but jump because of excitement which made my Mimi and Nana chuckle before hearing their voices.
 
“By the way, Lara, welcome to Lumina Academy, the school for not ordinary people! A school for elementalist!” Nakangiting sabi nila Nana at Mimi. Natawa naman ako dahil parang nag-practice pa sila.
 
I can’t utter even a single word because of the snow that I am seeing right now. As long as I wanted to play, I just can’t because it was too cold. It’s one of my elements but I still feel cold.
 
“So, let’s go? Malamig, eh,” yaya ni Nana kaya tumango kami ni Mimi.
 
Naglakad na kami papasok sa kung saan man kami pupunta. Hindi ko masyadong maaninag ang lugar dahil sa natatakpan ng snow ang lugar. Sayang, maganda pa naman siguro ang mga bulaklak dito.
 
Habang naglalakad kami sa hallway ay napansin ko namang naka-red carpet ito at madaming pixies ang nagsisilipadan sa kung saan-saan.
 
Natuwa naman ako dahil first time kong makakita ng ganitong nilalang, pero nang mapansin nila kami ay nagulat sila at yumuko sa amin bilang paggalang.
 
Cute. 
 
Ngumiti naman sila Mimi sa mga ito kaya ngumiti na din ako sa kanila. Napansin ko naman na mayroong papalapit sa amin na isa ring pixie ngunit kumpara sa mga pixies na nakayuko ngayon, ang isang ito naman ay hindi pangkaraniwan ang suot.
 
Yellow gown at kumukintab, ang pakpak naman niya ay gano’n din kaso parang butterfly ang pakpak niya, naka-bun naman ang buhok niyang brown at mayroon siyang korona. Ang ganda. Para siyang binudbudan ng maraming glitters. Siguro siya ang reyna nila.
 
Huminto naman siya sa harap namin at ngumiti. Ramdam ko ang saya niyang nararamdaman at makikita rin ‘yon sa kaniyang mga mata. Lalo na ng magsalita siya. “Welcome back, Lady Romina and Princess Lorraine,” she said which made me frown.
 
Huh? Lady? Princess? Sino? Sila Mimi at Nana ba?
 
Kunot-nuo akong tumingin sa kanila at sakto namang lumingon sila sa akin. Na sa likod kasi nila ako at nang magtama ang mga mata namin ay ngumiti lang sila at ibinaling ulit ang tingin sa pixie queen.
 
“Thank you, Queen Clarion,” sabi nila at bahagyang yumuko, nakigaya na rin ako para sa pagbibigay galang na rin.
 
“Matagal-tagal na rin ng huli tayong nagkita,” sabi nito matapos naming yumuko. Ngumiti lamang sila Mimi sa kaniya at nagulat ako ng mapatingin sa akin ang reyna at pansin ko ang pagka-gulat nito.
 
Napansin naman nila Mimi ito kaya hinawakan ni Mimi ang dalawang balikat ko at pinaharap sa reyna. “Ah, siya nga pala, siya pala ang anak ko, si Lara,” tumingin naman sa akin si Mimi. “Lara, siya si Queen Clarion, ang reyna ng mga pixies,” pagpakikilala ni Mimi habang nakangiti. Tinignan ko naman si Queen Clarion at bahagyang yumuko at ngumiti din ng bahagya.
 
“May anak ka?” Gulat na tanong ng reyna na nagpakunot naman ng nuo ko.
 
Bakit? Hindi ba nila alam na may anak si Mimi?
 
Bigla namang napatawa si Nana kaya napatingin kami sa kaniya. “It’s a long story, Queen Clarion, but don’t worry, if we have some time, we will tell you,” sabi naman ni Nana habang nakangiting nakatingin sa reyna.
 
Tumingin naman ang reyna kay Mimi kaya tumango at ngumiti na lang din ito sa reyna. Napatingin ulit sa akin si Queen Clarion bago ngumiti.
 
“Napaka-gandang Prinsesa,” sabi niya at ngumiti. Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
 
Prinsesa?
 
“Oh,” shocked was visible in the queen’s face. “Mukhang hindi pa niya alam kung sino at ano siya dito sa mundong ito. Sana ay sabihin niyo na sa kaniya sa lalong madaling panahon. Nakasisiguro naman ako na alam niya na ang mundong ito at tungkol sa kapangyarihang taglay niya, tama ba? At sigurado din akong kayo mismo ang nag-training sa kaniya,” mahabang wika ng reyna kina Mimi. Tumango at ngumiti lang si Mimi at Nana bilang sagot sa kaniya.
 
Kanina pa sila ngiti ng ngiti.
 
“Tara na, pumunta na tayo sa headmaster’s office,” yaya ng reyna at lumipad na ito patungo sa kaniyang tinutukoy kaya sinundan na lang namin siya.
 
Nang na sa tapat na kami ng pinto ng headmaster’s office ay kumatok ng tatlong beses si Nana bago may nagsalita mula sa loob. Gising pa pala ang headmaster sa ganitong oras? Pero oo pala, alam niya pa lang dadating kami.
 
“Come in,” sabi ng baritonong boses sa loob kaya binuksan na ito ni Nana at pumasok.
 
Napansin ko namang medyo may kalakihan ang headmaster’s office. Sa kaliwang bahagi ay mga bookshelves at may study table, mayroon ding mga nakapatong na papeles dito. Sa kanang bahagi ko naman ay may tatlong mahahabang couch na nakaharap sa fireplace, may maliit ding lamesa sa gitna nito. Napansin ko ding naka-red carpet ang buong headmaster’s office.
 
Sa gitnang bahagi naman ay ang lamesa ng headmaster, ang swivel chair niya ay nakaharap sa malaking-glass window na kita ang parang field at nakatalikod ang headmaster sa amin ngayon. Tumikhim si Nana kaya humarap ang lalaki mula sa pagkakatalikod niya at inangat ang tingin mula sa binabasa niya.
 
Ang lalaking sa tingin ko ay kasing edad lang nila Mimi, masasabi ko nang para siyang si Adonis—but yeah, we’re immortals and immortals doesn’t age. Bahagya itong nagulat, dahil siguro nakilala niya yung dalawa, which is si Mimi at Nana.
 
“M-Mina? R-Raine?” Tanong nito habang nauutal pa.
 
Nanlalaki din ang mga mata niya habang medyo nakaawang ang kaniyang mga labi. Hindi pa nakakapagsalita sila Nana ng bigla itong nawala sa kinauupuan niya at alam kong ginamit nito ang kaniyang abilidad.
 
Super speed, eh?
 
Nang na sa harap na siya nina Mimi at Nana ay bigla niya silang niyakap na ikinatawa naman nina Mimi at Nana. Dahil sa nakita ko ay hindi ko mapigilang malukot ang mukha.
 
Chansing yarn? Char.
 
Lihim na lang akong napailing. Nang tignan ko ang table niya ay nabasa ko ang kaniyang pangalan. Headmaster Cadmus Felix Jones. He’s the second headmaster of this academy and I guess, Mimi was the first one.
 
Headmaster Cadmus, huh?
 
Nang matapos ang yakapan nila ay biglang nagsalita si Headmaster Cadmus. “Welcome back, Lady Romina Feyh Ford and Princess Lorraine Jade Watson!” Sabi niya sabay ngiti ng malawak.
 
***

Lumina Academy: The Golden Hope (Realm Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon