Special Chapter 1: The Past

16.1K 400 52
                                    

Special Chapter 1: The Past

“Honey? Are you sure you’re okay? You have been vomiting since yesterday!” Prince Lance was worried about his wife—the crown princess—Princess Jade who was vomiting again. Naka-alalay siya sa kaniyang asawa until his wife was done and faced him while there is a weak smile on her lips. She looks pale and weak, but the princess still managed to smile at him.

“I’m fine, Hon, no need to worry,” Princess Jade tried to calm her husband down by saying those words and smiling at him, but her husband wasn’t buying it. Inalalayan siya ng kaniyang asawa sa kanilang higaan. She sat on their bed while her husband kneels in front of her while he was holding her hands. His husband still looks worried that’s why she can’t help but sigh, “I’m fine, really… but I’m sleepy…” she chuckled lightly which made her husband sigh before kissing the back of her hands.

They are living in a small but cozy cabin in the middle of a magical forest where no one can find them. Their relationship was hidden but they both know that the day will come when the world knows about them—their forbidden love. But they promised each other that they will fight against the world while holding each other’s hands.

“I can’t stop worrying about you because I love you…” 

The princess only kissed her husband’s lips before standing and walking towards the window and almost immediately, her husband followed her and hugged her from behind. “It’s night again…” she said before sighing and lean her body in his husband’s body. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila at isa ito sa gustong-gusto ng prinsesa dahil ramdam na ramdam niyang na sa kaniyang tabi ang kaniyang asawa. Wala na siyang hihilingin pa bukod sa makasama ito ng habang-buhay. “Hon, kalian kaya nila malalaman na mag-asawa na tayo?” Tanong niya sa asawa pagkalipas ng ilang minuto.

Wala kasing naka-a-alam na may asawa na siya at tanging ang isa sa matalik na kaibigan at pinsan niya lang na si Lady Romina ang naka-a-alam na kasal na siya. Kahit mismo ang mga magulang niya at ang kapatid niya ay hindi alam ang tungkol dito dahil wala siyang lakas ng loob upang sabihin sa kanila.

“Honey, they will know soon, don’t worry,” naramdaman niyang humigpit ang yakap ng asawa niya sa kaniya dahilan upang mapapikit siya at damhin ang init at punong-puno ng pagmamahal nito mula sa yakap.

Siya na ang susunod na reyna ng Luminaria Kingdom kaya hindi niya din masabi-sabi sa pamilya niya ang tungkol sa relasyon nilang dalawa ngayon ng prinsepe at nagpapa-salamat siya dahil naiintindihan nito ang kaniyang sitwasyon. Matagal na silang magkasintahan at nitong nakaraang taon lang ay palihim silang kinasal sa tulong na rin ng matalik niyang kaibigan at pinsan. Ayos naman sa kanilang dalawa na patago muna ang tungkol sa kanilang dalawa basta’t magkasama sila. Ngunit alam nilang darating ang araw na kaiilanganin na nilang sabihin sa lahat ang katotohanan.

Tuwing natatapos ang pag-e-ensayo ng prinsesa tungkol sa pagiging reyna ay tumatakas siya sa palasyo nila at palihim na nakikipagkita sa prinsepe. Alam niyang isang malaking paglabag ang kaniyang ginagawa ngunit mahal na mahal niya ang prinsepe at sinusunod lamang niya ang sinasabi ng kaniyang puso.

“Honey?” Pagtawag sa kaniya ng asawa kaya napatunghay siya dito.

“Hmmm?”

“Mahal kita,” rinig niyang madamdaming wika nito na ikinangiti niya. 

Humarap siya sa asawa bago ipinulupot ang kaniyang dalawang kamay sa leeg nito. Pinagkatitigan niya ang asawa bago niya ito sugudin ng halik sa labi na ikina-ungol niya at ang tanging alam na lamang niya ay nakahiga na siya sa kanilang higaan habang ang asawa niya ay na sa kaniyang ibabaw. 

*** 

“A-Ano?! B-Buntis ako?!” Nanlalaki ang mga matang wika ni Peincess Jade at hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman.

Lumina Academy: The Golden Hope (Realm Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon