Chapter 21

159 11 0
                                    

Chapter 21: Ability

Aviana Maurice's

Pagpasok ko sa loob ng Regnum ay paalis na ang mga bisita. Iginiya ako ng katulong papunta sa aking silid. Nabigla nga ako dahil nakalagay na doon ang lahat ng mga gamit ko.

Maganda ang kwarto ko rito. Twice as big sa kwarto ko sa House of the Empire at kung doon ay dominant ang green, dito naman ay dominant ang blue.

Malambot ang kama at ang bathroom ay may kumpletong amenities. Kahit sa sandaling panahon ay napamahal na ako sa silid ko noon sa House of the Empire.

Humarap muna ako sa salamin at tinignan ko ang aking sarili. Tinanggal ko na kanina pa yung contact lens. Hindi 'yon ako, si Lady Aurora yun. This is me. Brown eyes. Brunneise.

Nahagip ng paningin ko ang aking labi. Naalala ko yung halik. Maaaring smack lamang iyon ngunit first kiss ko iyon. Kahit sa panahon ngayon, importante parin para sa kababaihan ang kanilang unang halik.

Hindi ko matanggap na nakuha iyon ng walang kahulugan.

No'ng hinalikan niya ako ay agad ko siyang tinulak at sinampal.  Kahit sa lakas ng sampal ko ay hindi pa rin nawala ang kanyang nakakainis na ngisi.

Humakbang siya patalikod pagkatapos ay bumalik na sa loob. Ako naman ay naiwan doon na nakatulala. Still registering kung ano ang nangyari.

Naghilamos ako ng mukha at napagdesisyonan kong matulog na.

Nagising ako ng tatlong knocks sa pinto ngunit hindi na ako hinintay ng kumatok na bumangon dahil kaagad na niya itong binuksan at pumasok siya.

Kahit nakahalf pikit pa ang mata ko ay pinilit kong aninagin kung sino ang pumasok.

"Lady Aurora, kailangan niyo na pong bumangon." sabi sa akin ng katulong

"Hmmm," lang  ang tanging naisagot ko

"Unang araw niyo po sa training ngayon," mahinahong tugon niya habang patuloy akong tinatapik

Dahil sa sinabi niya ay napabalikwas ako ng bangon.

ANONG TRAINING?!

Nakakunot-noong hinarap ko siya na sinagot niya lamang ng kibit-balikat.

Wala na akong choice kundi bumangon. Nagtungo na ako sa bathroom at naligo. Nababaguhan pa rin ako sa mukha ko pati na rin sa buhok particularly its color.

Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang bathrobe at lumabas ngunit sumalubong sa akin ang katulong at mukhang alam ko na kung ano ang gagawin niya.

Pinaupo niya ako at blinow dry ang aking buhok. She applied light make-up at nilagay ang blue contact lenses.

Pinasuot niya sa akin ang isang "black widow" inspired outfit. Gaya nong suot ni Alexandrea sa plaza ang kaibahan lang ay ang kulay dahil kulay green ang sa akin with some nice designs.

Fitting ito kaya hulmang hulma ang aking katawan.

Pony tail ang style ng aking buhok para daw walang istorbo.

First training pa lang andami ng kaechosan. Hindi ko nga alam kung may kapangyarihan ba talaga ako. duh

Hinatid niya ako para kumain na ng agahan. Naabutan ko doon ang Reyna, Duchess at Emperatress kasama ang kanilang mga anak.

"You will be with them for your first training then onwards, you will be with the Academy's students." sabi ng Reyna

Umupo ako sa tabi ng Emperatress at nagsimula nang kumain.

The Viridi | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon