Chapter 24

139 11 0
                                    

Chapter 24: Infirmary Again

Ipinagpahinga muna ako ng Doctor. Baka raw nagkaroon ako ng trauma. I experienced it first hand. Sinong hindi magkakaroon ng trauma?

The blood. Ang mga lalaki. Their weapons. All that had happened. I can still remember it clearly. Nakakatakakot ang experience na iyon lalong lalo na at ito ang unang beses kong maranasan iyon.

Caius is now better. Mabuti nga daw at nadala siya kaagad dito kasi if pinatagal pa ay mauubusan na siya ng dugo and it will be a 50/50 if he will be saved or not from death.

He is still recovering at hanggang ngayon na umaga na ay hindi pa rin siya gumigising. Sabi rin ng doctor ay mags-stay siya rito ng 1-2 days for faster recovery.

Paalis na sana ako kanina ngunit pinigilan ako ng Reyna. Nandito kasi ang Reyna since kagabi para bantayan si Caius.

Since magkakaroon daw sila ng meeting ngayon ay ako daw muna ang magbabantay kay Caius. Pakiramdam ko ay galit siya sa akin. Hindi ko lang pala pakiramdam, sure akong galit talaga siya sa akin. They're looking for someone na maaaring mapagbintangan. Naghahanap sila ng butas to have someone who can take the blame at sa paraang iyon ay mababawasan ang galit at pighati nila. Naiintindihan ko naman.

Kahit ako mismo ay sinisisi sa sarili ko ang mga pangyayari. If nacontrol ko ang sarili ko noon ay hindi na sana naubos ang enerhiya ni Caius sa pagpipigil ng sakit. If may alam lang sana ako sa pakikipaglaban ay maaaring natulungan ko siya noong panahong iyon. See? I am responsible for what happened.

I checked the time at nakita kong malapit nang maglunch ngunit hindi pa rin nagigising si Caius. Ineexpect kong dadalaw sina Eleazar at Dhea dito to check Caius ngunit hindi. Nakapagtataka ngunit inisip ko nalang na baka busy sila. Hindi rin kasi dumalaw rito ang Hari at ang kapatid ni Caius na si Cahlen.

Nagpahatid ako ng pagkain para sa sarili ko for lunch. Gutom na kasi ako. Hindi ko pa pinadalahan ng pagkain si Caius dahil baka mamaya pa siya magigising at lumamig yung pagkain.

I'm not stupid, alam kong may microwave pero it will take another effort. Pwede namang mamaya na lang. Bakit kailangang ngayon?

I ate my food silently. Pagkatapos ay iniligpit ko ito at inilagay sa gilid. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Tanging tunog lang ng makina ang naririnig ko dito. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang TV. Finally, nagkaroon na rin ako ng paraan on how to stay away from boredome.

Nakakabagot kasi dito. Ang nagagawa ko lang ay ang titigan ang mga dingding.

Ini on ko yung TV at nagpalipat lipat ng Channel. Wala akong nakitang balita tungkol sa Brunneise. Lahat ay patungkol sa mga Caeruleum. Katulad ng sales, price hike, economy, at mga bagong tatag na rules.

So, wala pang may alam sa nangyari kagabi?

That was probably the reason kung bakit sila busy ngayon. They want to cover up the mess upang isipin ng mga Caeruleum na okay ang lahat at walang problema.

Inilipat ko ang Channel at wala akong makitang magandang palabas maliban na lang sa isang drama na maaaring pagtiyagaan. Ito ay patungkol sa dalawang taong pinagtagpo muli after reincarnation.

Naaaliw ako sa mga aktor. Magagaling sila.

Nasa tabi ako ng higaan ni Caius dahil dito nakapaharap ang TV.

Saglit akong napatitig sa kabuoan ng kanyang mukha. Mahabang pilik mata. Makapal na kilay. Mapupulang mga labi. Ang gwapo nito eh! Kapag tulog.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakaramdam ako ng antok. Ilang beses pa nga akong humikab. 

The Viridi | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon