Chapter 49

126 6 0
                                    

Dez ez ze lesht shepter. Tenk ü. TëwAy.

Chapter 49: Sudden Turn of Events

Aviana Maurice's

Pinasadahan ko ng tingin ang aking mukha sa salamin na nasa aking harapan. Ibang-iba na ito sa dati. Natatakpan ng make-up ang mga dating bakas ng kahirapan.

Kasama ko ngayon si Tina at Sette. Thank God they're safe. Sila ang nag-aayos sa akin ngayon. Kulay pula ang eyeshadow na inilagay ni Tina, itinugma niya sa kulay ng gown na siyang pula rin. Habang nilalagyan ako ni Tina ng colorete sa mukha ay inaayos naman ni Sette ang gown na aking susuotin mamaya.

Ilang araw na rin kasi ang makalipas matapos ang mga nangyari. Lahat kami nabigla, especially Cahlen and Caius but they need to accept things. They also chose to cremate the body of their mother.

Pagkabalik namin rito sa Regnum ay agad inayos nila Caius ang lahat. Naglaan sila ng pondo para sa lahat ng napinsala.

Nag-aadjust pa lang ako sa malaking pagbabago sa buhay ko. Kuya chose to live with me here and pursued being a soldier. I chose to live here para makilala yung pamilya ko sa side ng tunay na nanay ko. Ang Emperatress na lang kasi at si Eleazar ang naiwan sa near relatives ng tatay ko.

Tumatak rin sa isip ko yung sinabi ni Cahlen, "You can't deny the fact na pinanganak kang prinsesa. Pwede mong takasan ang responsibilidad pero hindi ang kung sino ka,"

Nanay Celia chose to stay sa kung saan siya ngayon. We kept in touch with each other pa rin naman.

Hindi na masyadong mahirap ang adjustments and nakagaan sa loob ko yung pagpayag at pag-intindi ni Nanay kung bakit ko piniling dito tumira. It's more of finding myself, additional reason is it's because of Caius.

Today is his coronation. Salamat at hindi na nila ako pinilit pa. Out relationship is not a secret for everyone and thankfully, wala namang nagprotesta. They already know the truth na hindi talaga kami magkapatid. That it's just part of Cora's show.

"Tapos na tayo sa mukha, your highness," Tina said, mocking me.

"Your highness mo mukha mo," I replied and I also heard Sette chuckled.

Si Tina na naman ngayon ang umupo sa kung saan nakaupo kanina si Sette. Tumayo si Sette at lumapit sa akin. Siya kasi ang mag-aayos ng buhok ko.

"Ang tagal ko nang naiinggit sa buhok mo, Via," She joked.

"Maligo ka nang walang shampoo, effective yun," I replied.

Totoo naman, wala akong shampoo noon. As if may pambili kami?

Umiling na lang siya at sinimulan nang ayusin ang buhok ko. Kumuha siya ng buhok sa magkabilang bahagi at pinagtagpo ito sa gitna. Pagkatapos ay ikinulot na ito sa baba. May nilagay rin siyang kung anong mga clips. Matapos no'n ay ipinasuot na nila sa akin ang gown.

Hindi ko rin alam kung para saan ito pero sabi nila ako pa rin naman saw ang magmamana ng mga kayamanan ng aking mga magulang and I am a very important person sa coronation. 

Lumabas na ako at pinuntahan si Caius sa kanyang silid. Sigurado akong kinakabahan 'yon ngayon. Our relationship, somewhat, became official.

Kumatok ako sa pintuan at agad iting binuksan. Naabutan ko si Caius malapit sa bintana, tinatanaw ang kabuoan ng garden.

Lumingon siya pagpasok ko at lumapit naman ako sa kanya.

"You look stunning," he whispered nang makalapit ako.

Napailing na lang ako sa bola niya. Tumingin na rin ako sa tanawin.

"Are you nervous?" I asked.

The Viridi | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon