Chapter 14

175 12 0
                                    

Chapter 14: Choosing Ceremony

Aviana Maurice's

Nasa daan kami ngayon patungo sa kung saan man.

"Via, ibigay mo nga sa akin ang salamin."

Agad ko namang hinanap sa pouch niya ang salamin at ibinigay sa kanya.

"Pati na rin yung lipstick." 

Ibinigay ko rin yon sa kanya.

"Thank you."  sabi niya tsaka ibinalik yung mga gamit.

Nakarating na kami sa aming destinasyon. Ang tahanan ng Duchess.

Sabi ko nga noon na parang iisang compound lang yung tatlo. Ibig sabihin hindi na namin kailangan lumabas pa sa gatehouse.

Dominant ang color maroon and bronze dito. Nakasunod lang ako sa Emperatress habang papasok siya dito.

Nang binuksan na ang double doors ay nakakasilaw na ilaw galing sa chandelier ang sumalubong sa amin.

Since gabi na kaya klaro ang ilaw.

Para akong tuta na bumubuntot sa Emperatress habang nakatungo.

Hindi rin naman nakapagtataka kung bakit ako pinasama dito. I am her personal assistant. Dapat nga ako yung nagprepare sa mga gamit niya.

Dumiretso kami sa dining area. Nakita kong nando'n na rin ang reyna at Duchess. Nando'n rin sila Tina at Rosetta. Pansin ko ang pagpayat ni Tina, siguro dahil sa depression?

Magkatabi ang tatlo tapos kami naman ay medyo malayo sa kanila pero rinig namin ang kanilang pinag-uusap since nakaupo rin naman kami dito sa 16-seater na mesa, medyo malayo nga lang talaga sa kanila.

Sinerve na ang pagkain. Nakakagutom ang amoy but still nakakaramdam ako ng pang of guilt. Maayos kaya ang lagay nila Kuya?

Nagsimula nang kumain. Pansin ko ang pamumutla ni Tina kanina pang umaga. Akala ko hindi lang siya nagbreakfast. Tatanungin ko siya mamaya.

Nagsalita ang Reyna,

"I called for this meeting para sa nalalapit na Choosing Ceremony. May representative na si Marchessa, how about you Katarina?"

"I'm still looking for someone who has the power but at the same time, suitable for the position." sagot naman ng Emperatress

"Next week na ang ceremony, wala ka pa ring nahahanap?!" sigaw naman ni  Carolina (Reyna)

Hindi na sumagot si Katarina dahil wala siyang kakayahang kalabanin si Carolina, baka mawala siya sa pwesto nang wala sa oras. 

"Alam mo namang kapag wala pang napipili ang isa sa inyo ay mamomove ang Ceremony. Ayaw ko nang madelay, I want my son to get married as soon as possible!" sigaw na naman niya.

Anong klaseng ina siya? Para niyang binebenta yung anak niya.

"Marchessa? Is Alexandrea ready?"  tanong niya sa Duchess

"Ofcourse madame, my daughter is always ready. She's born for that position." sagot naman ng Duchess na pinipikon si Katarina.

As you remember ang Duchess at Emperatress ay maghahanap ng representative each. Sila ang bahala sa strategy nila. Ang mga napili nila ay maglalaban at kung sino man ang mananalo ang siyang magpapakasal sa prinsipe o prinsesa.

Mamimili sila doon sa mga nagtatraining sa Regnum. Each strongest and rich family ay may anak o mga anak na nag-aaral at nagtatraining sa Academy ng Regnum.

The Viridi | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon