Chapter 9

192 11 0
                                    

Chapter 9: Hidden Talent

Aviana Maurice's

"I want her, MINE"

Matapos bitawan ng Duchess ang mga katagang iyon ay biglang natahimik lahat.

Parang may bumara sa lalamunan ko pero yung mga katabi ko ay halatang nagulat din. Tension is now radiating.

Ginapangan ako ng kaba. Ang Emperatress ay pinunasan ang kanyang labi habang ang Reyna ay naguguluhang nakatingin sa Duchess. Still with their composure.

Ang Duchess naman ay nakadirekta pa rin ang paningin sa akin habang ako ay palipat-lipat ang tingin sa kanilang tatlo. Yung katabi ko ay medyo nagstiff pero mas tensyonado pa rin ako.

"Pardon, Marchesa?" natatawang sambit ng Emperatress na para bang isang biro ang pinakawalan ng Duchess.

"I want her mine. I want her to be my servant. Siya ang gusto kong maging katulong." ani ng Duchess

"Sorry pero akin na siya, Marchesa. Siya yung nabunot para sa'kin." sabi ng Emperatress na may ngiti sa labi.

Hindi ko alam kung totoo ba ang pinapakita na kabutihan ng Emperatress. But, I can't believe this!

Pinag-aagawan nila ako na parang isang laruan. Ni hindi na man lang nila tinanong ang opinyon ko! Pero nakalimutan kong isa nga pala silang Caeruleum. At kalakip ng titulong iyon ay ang pagiging diktador.

Nagkasagutan na yung Katarina at Marchesa (Emperatress at Duchess). Nando'n pa rin ang compostura ng Emperatress na parang ayaw talaga ng away habang ang Duchess naman ay nawalan na ng kontrol ngunit hindi naman niya sinugod ang Emperatress.

Hindi ko alam kung bakit gusto akong kunin ng Duchess. Hindi nga niya ako kilala.

"Tell me first, why do you want her?" kalmado pa ring sabi ng Emperatress.

"Ano bang pakealam mo?! If I want her, I just want her!" singhal ng Duchess.

Biglang nagsalita ang Reyna sa kalmado pero nagbabantang tono.

"If that's the case Marchesa, you can't have her. We're true to our words at alam na ng mga Brunneise na kay Katarina na si - what's your name hija?" tanong niya sa akin at sinagot ko siya ng Via "-at alam na ng mga Brunneise na kay Katarina si Via at kung ibibigay ko siya sa'yo ay wala akong maipakitang rason."

Litanya ng Reyna na nagtatapos sa debate ng dalawa. Halata na ang Reyna ang kinatatakutan nila dito.

Pinagpatuloy nila ang naudlot na 'seal with a wine' kung saan ininom ko ang wine.

Galing sa dining room ay dumiretso kami sa hall na mas maliit kumpara sa Ball Room.

Kung sa Ballroom ginaganap ang mga engrandeng pagtitipon ay dito naman sa hall na ito dumideretso ang mga bisita upang mag-aliw matapos ang fine dining o hindi engrandeng pagtitipon o kaya ay gusto lang nilang makapag-bonding.

Nangunguna ang Reyna at sa likod niya ay ang Duchess at Emperatress at kaming tatlo naman sa likod.

Si Tina sa kaliwa at si Rosette naman sa gitna.

Hindi pa rin kami magkaibigan at casual pa lamang ang turingan. I don't know if gugustuhin ko pang magkaroon ng kaibigan.

Dahil sa mundong aking kinabibilangan, hindi ko na kilala kung sino ang dapat pagkatiwalaan.

Kung mabibilang lang sa mga daliri ang iyong pinagkakatiwalaan, the less possibility ka ring masasaktan.

Dumating na kami sa hall at nakita ko roon ang mga upuang nakahanda para sa amin.

The Viridi | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon