Chapter 44

120 7 0
                                    

Chapter 44: Berde

Though dumbfounded ay isinantabi ko ang sinabi ni Cahlen. Shock was evident ngunit agad kong binalewala. Hindi na rin nagpumilit si Cahlen nang mapansing ayaw ko itong pag-usapan ngayon.

It will all be answered. Not now, but in the right time.

It's 3 am and i'm freaking tired dahil sa mga pangyayari. Nagsusuklay pa si Cahlen ng kanyang buhok when I bid my goodnight.

Agad rin naman akong nakatulog dulot na rin ng pagod.

Nagising ako nang may naramdaman akong dumaplis na halik sa aking noo.

Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Nanay. Agad akong umupo sa kama at tinignan siya.

Medyo nabigla si Nanay pagkakita niya sa mukha ko.

"Happy Birthday, anak." Sabi niya at sumilay sa labi ang ang pinakamatamis na ngiti.

"Salamat nay," sabi ko at hinalikan ko siya.

Matapos ko siyang hinalikan ay siya naman ang yumapos sa akin. Ilang minuto ang tinagak bago niya ako pinakawalan.

"Marami akong pagkukulang sa'yo at nasisiguro kong sa puntong ito, alam mo na ang katotohanan na hindi kita tunay na anak,"

Nabigla ako nang tumulo ang kanyang luha na siya ring naging mitsa upang mamuo ang luha sa aking mga mata.

"Ipinalaki kita at sa pamamagitan ng pagtago ng sikreto ng iyong pagkakakilanlan ay alam kong mapoprotektahan kita. Iyon ang alam kong paraan,"

"Kaya pasensiya kung nasaktan kita, anak. Yun lamang ang tingin kong makabubuti sa'yo,"
Ngayon ay pareho na kaming umiiyak. Habang nagpapaliwanag si Nanay ay nanatili akong tahimik.

May kinuha siya sa kanyang bulsa at ito ay isang salamin. Iniharap niya ito sa akin upang makita ko ang aking mukha.

Walang nag-iba sa ibang parte ngunit maliban na lamang sa namumugto ang aking mga mata ay nag-iba rin ang kulay ng mga ito. Naging permanenteng berde na ito.

Naranasan ko na ang pag-iiba ng kulay nito noon, most of the time ay kapag ginagamit ko ang aking kapangyarihan ngunit bumabalik rin naman ito sa pagiging kulay tsokolate makalipas ang ilang segundo kaya hindi ko alam kung bakit ganito 'to ngayon.

Naramdaman naman ni Nanay ang aking pagkakabigla. Ibinaba na niya ang hawak na compact mirror at niyakap ako, pinatatahan dahil humagulgol na ako nang mapagtantong wala na akong naiintindihan sa mga nangyayari.

Nang medyo tumahan na ako ay roon na naglakas loob si Nanay na ipagpatuloy ang eksplenasyon.

"Berdeng mga mata, isang natatangi. Alam mo kung bakit, anak? Kasi isa ka sa nagtataglay ng dugo ng isang Brunneise at isang Caeruleum. Tulad na lamang ng iyong tunay na ina," sabi niya

Hindi ko alam na kahit pala isang kapat lang ang taglay kong dugong Brunneise ay mayroon pa rin pala itong napakalaking epekto sa buhay ko.

"Nabuo ko ang organisasyong ito upang wakasan ang hindi pantay na turing sa ating mga Brunneise."

"Alam kong masama ang maghiganti ngunit anak, ipagtatapat ko na sa'yo na hindi lamang iyon ang dahilan kung bakit nabuo ito,"

"Sila rin ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ko, anak. Isipin mo kung gaano kasakit mawalan ng mga magulang dahil sa maling bintang," at ngayon ay siya naman ang humagulgol. Yun lamang ang ibinigay niyang eksplenasyon dahil siguro hindi na niya kayang balikan muli ang mapait na ala-ala.

The Viridi | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon