Chapter 13

177 12 0
                                    

Chapter 13: Whispers

Aviana Maurice's

Naglakad-lakad kami sa garden. May isang malaking maze doon pero bago ka makakarating sa maze ay may pathway na may mga benches sa gilid at sa taas ay may nakaarko na napapalibutan ng vines.

Sa gilid naman ng benches ang iba't ibang halaman.

Umupo  muna kami sa benches. Tirik ang araw pero buti na lang at natatakpan ito ng mga vines sa itaas.

Sabay kaming napabuntong-hininga ni Tina.

We don't know what to do. Bibilangin ba namin ang mga dahon dito? Kilalanin ang mga bulaklak? argh.

All along I thought maglilinis ako ng kwarto o kaya ay ng buong palasyo pero anong nangyare? This is much worst.

What's their plan?

The idea of being a personal assistant isn't that bad pero thinking of this as a disguised trap? Danger.

Biglang tumayo si Tina. Inextend niya ang mga kamay niya sakin.

"Tara, lakad tayo." Tina

Umiling ako na may tipid na ngiti.

"Ikaw na lang, I'm tired," sabi ko

A half lie, actually. Hindi ako pagod but I'm just lazy to stand. See the difference?

Tumango siya at nagsimula nang maglakad papalayo.

It was like this—alone times when I think of being lonely.

Not all alone are lonely, some are happy and contented. But where do I belong?

Of course, I'm lonely.

I suddenly missed my family. Ano kayang ginagawa nila ngayon? I hope they're fine. Sana

There's a teeny, tiny part of me na masaya dahil hindi na naabutan nina Shane ang ganitong sitwasyon wherein we became robots of Caeruleum.

They will not experience the storm coming.

Namiss ko na ang bahay. Namiss ko na ang mga damit kong madumi man tingnan, kumportable naman.

Walang-wala yon sa mga suot ng mga tao dito. Masyadong malinis, masyadong mahal.

Dala ko man ang mga iyon, hindi ko pa rin masusuot.

"Psst, Earth to Via!"

Sht! Who said that?!

Nagpalinga-linga ako sa paligid ko pero walang kahit sinuman ang nandito. Even Tina is out of sight.

Wait, baka pinaglalaruan niya lang ako. tsk.

Pagod na akong sundin yung sit like a lady na etiquette kaya grinab ko na ang opportunity at walang tao dito nag indian sit ako sa bench. Nakacycling shorts naman ako sa ilalim since its given with our uniforms. Natatakpan rin naman ito ng aking kamay.

Keeping both legs together is the most tiring thing to do!

'Hey! Young lady, don't do that. You're making me sinful.'

Napabalikwas na naman ako ng narinig ko iyon. Sigurado na talaga ako, lalaki yun!

Dali-dali akong tumayo at hinanap si Tina. Kinikilabutan na talaga ako.

Whispers everywhere. Para akong psychopath na binubulongan ng kung anong masamang gagawin.

Buti na lang at tumigil na. Baliw ba ako kung nagtataka ako kung nababaliw na ako?

The Viridi | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon