Chapter 6

228 18 5
                                    

Chapter 6: Emperatress

Aviana Maurice's

It was one week after their death and I'm still grieving but I need to move on with my life.

We need to be in pace with the world to refrain from being left out. Even though we're tired, strive harder to cope up.

Believe, then you can.

Nagising ako nang maaga. Paglabas ko ng kwarto ay tulog pa si nanay habang si kuya naman ay umalis na at sumama kina Mang Eliong.

Naglinis na lang ako ng bahay at nagwalis. Winalisan ko rin ang aming bakuran at huli ay ang harap ng aming bahay.

Habang winawalis ko ang mga natuyong dahon ng punong mangga ay nagising na si mama.

"Via, tutal ikaw na ang naglinis ay ako na ang magluluto." sabi niya na sinagot ko na lang ng tango.

Ilang minuto ang nakalipas ay natapos ko na ang pagwawalis ng natuyong dahon.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at umupo sa mesa habang pinagmamasdan si nanay na nagluluto.

Habang pinupunasan ko ang pawis ko gamit ang towel ay may biglang kumatok sa pintuan na para bang sisirain na nila ito.

Nagmadali akong pumunta sa pintuan para pagbuksan ang kumakatok.

Nalaglag ang panga ko nang mapagtantong nga colonel na Caeruleum ang kumakatok. Seryoso ang nga mukha nila at kung may gagawin kang hindi nila gusto ay maaari na itong maging katapusan mo.

My body went immobilized.

Naramdaman ko na rin si nanay sa gilid ko. Gaya ko ay ramdam ko rin ang kaba niya.

Na-trauma na siguro kami sa nakaraang pangyayari.

May nagawa ba akong kasalanan? May makukulong ba sa amin? Bakit nandito sila? Ilan lang iyan sa libo-libong tanong sa isip ko.

"A-anong ginagawa n-niyo r-rito?" utal na sambit ni nanay

"Magkakaroon ng pagtitipon mamaya sa Kapitulo, 10:30 am." ani ng isa sa mga kolonel na may awtoridad ang boses.

Umalis na rin sila at nag-announce pa sa ibang bahay. Napabuntong-hininga ako as a sign of relief, akala ko kung ano na pero alam kong hindi maganda ang dahilan ng kanilang ginawang pagtitipon sa kapitulo.

10:30 ang pagtitipon at 9:30 na ngayon kaya naligo na ako. Kailangan kong bilisan dahil maliligo pa si nanay. 

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako. Sakto namang paglabas ko sa kwarto ang siyang pagdating ni kuya.

"Hindi daw pwedeng ipagpaliban ang pagtitipon na iyon." aniya sabay buntong-hininga, siguro'y namomroblema dahil matumal ang huli ng isda.

Naglalakad na kaming tatlo ngayon papunta sa kapitulo. Kasabayan namin ang ibang mga Brunneise. Kung titingnan ay para kaming nasa isang prusisyon, ngunit hindi. Dahil hindi simbahan ang aming patutunguhan kundi panibagong kalbaryo.     

Pagkarating namin doon ay nakita naming may nakaset-up na stage. Mukhang pinaghandaan talaga nila.

Naroon sa stage ang Duchess at Emperatress ngunit walang kahit anong bakas ng Regnum.

Ang mukha ng hari at reyna ay minsan lang nakikita samantalang ang mukha ng kanilang anak ay nananatiling misteryo.  Makikilala lamang sa Choosing Ceremony.

The Viridi | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon