Chapter 5

242 18 4
                                    

Chapter 5: Numb

Aviana Maurice's

Kasabay ng kanilang paglisan ay ang pagkawala ng isang malaking parte ng aking sarili.

In this world, mahirap maghanap ng mga taong pagkakatiwalaan mo at mga taong nakakaintindi sayo lalong-lalo na sa ugali ko. Inaamin ko, I'm not that good as a friend pero tanggap nila iyon.

Yes, it's easy to find a friend but not those whom you can trust and share secrets with. Mahirap maghanap ng pagkakatiwalaan at mas mahirap maghanap ng nakakaintindi sayo.

I believe that everyone is a good listener but not everyone can understand. Madali lang makinig pero mahirap unintindi. I'm the type of person who doesn't easily share things kasi bakit ko pa sasabihin kung hindi mo rin naman maiintindihan? But that belief was an exception for both Liam and Shane.

Kaya ko nga sila naging kaibigan eh, they understand. Not just understand, but they also accept me for who I am. Even with all those flaws and imperfections, they accepted me. Mahirap na maghanap ng iba kung sila lang naman ang papalitan mo.

But, I lost them.

If they died because of natural causes, I can accept it through time but in that way? They took a big part of me and left wrath engraved on my heart.

Those shits made me numb. I couldn't feel anything but wrath dominating over love.

We remained in that scenario for a moment. Me, weeping over my friend's bodies while this man beside me just watched blankly as if he understands me.

Hindi rin nagtagal yun nang may mga ilaw na nangagaling sa baba ang unti-unting pumapalapit sa direksyon namin. Agad umalis yung lalaki na naidentify ko na as that man in the library.

We're not that close, we don't even know each other or even our names but he was there in times of need, thank you.

Yung mga ilaw ay napag-alaman kong mga magulang pala namin nang makita ko na sila dito sa kinaroroonan ko. Tulala lamang ako nang makita sila sa harapan ko.

Agad lumapit sa akin si nanay at si kuya. Hinagkan ako ni kuya kahit nakaupo pa rin ako sa lips habang si kuya ay tumayo lang sa gilid ko.

Walang tigil pa rin ang pagpatak ng luha ko habang ang sa mga magulang naman nina Liam ay nagsisimula pa lamang sa pagpatak.

Hindi ako makapagsalita kahit ilang beses na nila akong tinanong kung anong nangyari.

Hagkan na nila ang kanilang mga anak. Walang kaide-ideya sa nangyari. Kagaya ko, walang pakealam kung mabahidan man ng dugo ang aming mga damit.

"Nagising ang nanay ni Liam kanina at napag-alamang wala doon ang anak niya kaya pinuntahan niya kami."

Dahil sa sinabi ni nanay ay nalaman ko kung paano nila kami natunton.

May ibang tumulong sa kanilang buhatin sina Shane. Inaalalayan ako ni kuya habang papababa ng burol hanggang sa makauwi sa bahay.

Napatingin ako sa kalangitan. Hindi ko makita ang mga tala pagkat natatakpan ito ng makakapal na mga ulap.

At dahil don ay hindi ko nakita ang shooting star. Our supposedly annual bonding became a misery.

Kumbaga, isang diamante ang nabahidan ng dugo.

Nagising ako na nasa loob na ng kwarto. Ni hindi ko nga maalala kung paano ako nakauwi kagabi.

It was a good day, contrary to what I'm feeling right now. Tumulo na naman ang nag-aampat na mga luha. Pinipilit kong pigilan ngunit gusto na nitong makawala ngunit pagod na akong umiyak, ayoko nang umiyak.

Fckin' way to start a morning!

Pinahid ko yung mga luha at lumabas na nang kwarto. Sinilip ko kung may tao ba pero napansin kong wala kaya dumiretso ako sa mesa kung saan nila iniiwan yung note na nagpapaalam kung nasaan sila o kaya naman ay kung saan nila sinusulat kung ano ang gusto nilang ipagawa.

"Pumunta kami kina Shane, tutulong sa preparasyon. Pwede kang sumumod Kung gusto mo."

Yan lang yung nakalagay. Bumalik ako sa kwarto at inayos yung higaan ko. Naligo na rin ako. Hindi ko alam kung paano itatago tong mga mata kong namumugto.

Dumating na ako sa bahay nina Shane. Napag-alaman kong dito rin pala si Liam. Nakita ko sina nanay at agad akong lumapit sa kanila.

Magdamag na akong hindi nagsasalita. Naubusan ako ng lakas.

"Dalawang araw lang daw itong burol, baka raw hindi na nila kayanin ang gastusin pag pinatagal pa."

Sabi ni nanay na sinagot ko nang tango.

Pumunta ako sa harapan ng kabaong nina Shane at Liam at doon na ako tuluyang umiyak.

Isang araw na naman ng iyak at hindi pagsasalita,

Yun ang akala ko hangga't sa may dumating na Caeruleum no'ng gabi ng lamay.

"May pinadalang pera ang aming panig, parte ng pakikiramay." Sabi ng isang colonel, pero hindi yong pumatay sa mga kaibigan ko.

He was handing out an envelop na kinuha ko at sinampal sa mukha niya.

"SA SAMPAL NA 'YAN, SANA MAGISING KAYO SA KATOTOHANANG HINDI LAHAT NG NGA BRUNNEISE AY MADADAAN NIYO SA PERA NIYO! NASAMPAL KAYO NG SARILI NIYONG PERA?! IT'S A REPRESENTATION THAT AT SOME OTHER TIME, YOU CAN NOW FACE THE CONSEQUENCES OF YOUR BULLSHITS!"

Doon ko binuhos lahat. Hindi man 'yon ang lahat ng gusto kong sabihin ngunit 'yon ang lahat ng aking lakas.

Tinutukan ako ng baril ng kanyang mga kasamahan.

Shock was etched on many persons face. Hindi nila ini-expect ang gagawin ko. Si kuya ay hinawakan na ang dalawa kong kamay, pinipigilan ako sa kung ano mang plano kong gawin.

Hindi ko pa kasi sinasabi sa kanila kung anong nangyari o kung bakit gano'n ang nangyari.

May ginesture yung colonel na sinampal ko kaya binaba nila yung mga baril nila. Ewan ko ba kung bakit hindi ako natakot doon.

Tumalikod sila at umalis na nang tuluyan at doon lang ako kumalma.

Ang mga magulang nina Shane at Liam ay lumapit sa akin at iginaya ako sa loob. Sumama rin sila nanay at doon nila ako tinanong sa kung ano ang nangyari.

Ngayon ang libing nina Shane at Liam. Hindi ko pa matanggap kung ano ang nangyari sa kanila. It needs time. A lot of it.

Kinausap ko sila, kinakabisado ang kanilang mga mukha dahil ito ang huling pagkakataon na masisilayan ko ito.

Walang ampat na luha habang kinakausap ko sila. Nahihirapan na nga akong huminga. Paano ko na haharapin ang buhay gayong wala na akong karamay? Marahil ay hindi niyo ako maintindihan sa ngayon ngunit nais kong ipaalam na masakit. Ang sakit sakit.

Umupo muna ako saglit at pinagmasdan ang humahagulgol na mga magulang nila at ang mga kapatid ni Shane.

Words aren't enough to explain such feelings.

Nakakapagod rin palang umiyak kaya wala na akong nagawa kundi ang tumitig na lang sa mga kabaong nila.

Ngayon ay binabaon na sila sa lupa at isinama nila doon ang isang parte ng aking sarili na sa kasalukuyan ay pinupunan ng pagkamuhi.

Good bye, Shane and Liam. Our memories ended up with a painful goodbye. Thank you for everything.

You clothed me with strength that now turned into anger. Let me bring justice for your death.


Added: 06/15/18

READ.VOTE.COMMENT

FB: Aeirthaxei WP

The Viridi | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon