Chapter 2

352 21 0
                                    

6:30 nang dumating nang sabay si kuya at nanay Celia. Umupo muna saglit upang makapagpahinga sa malayo-layong paglalakad nila. Sinalubong ko sila ng yakap at nagmano ako kay nanay sabay halik sa pisngi. Kinuha ko rin yung mga bitbit niyang gamit.

No'ng umupo na sila ay inihanda ko na yung hapag-kainan. Inilagay ko ang   tatlong plato at tatlong magkapares na kutsara at tinidor. Huli kong nilagay ang kanin at ulam.

Nang matapos ako sa paghahanda ay pumunta ako sa sala upang masabihan sina nanay na kakain na.

"Nay, kuya kakain na po." sabi ko

"Hintayin muna nating mag alas syete anak, hindi pa naman ako gutom." nanay

Pansin ko ang kalungkutan sa kanyang boses ngunit hindi ko na pinuna. Hahanap lang ako ng tamang oras para magtanong.

Tinignan ko kung anong oras na at nakita kong 6:45 pm na. 15 mins na lang alas syete na.

Si kuya nagpapahangin sa labas samantalang kami ni nanay nandito sa sala, sinasaluhan ang nakakabinging katahimikan.

I was the first one to break the silence.

"Nay, ba't ang dami mong dalang gamit? Matagal po ba ang binigay na oras ng iyong amo?" tanong kong tinutukoy ang rest day niya.

"Via, anak wala na akong trabaho." pagkasabi niya nang mga katagang iyon ay dumiretso na siya sa paghagulgol.

Lumapit ako sa kanya at hinimas himas ang kanyang likod. Wala na rin akong sinabi at nanatili lang ako sa tabi niya. 'Yan ang kailangan niya ngayon, comfort at hindi yung papaulanan ko siya nang tanong.

No'ng medyo nahimasmasan na si nanay ay pumasok na si kuya at lumapit rin kay nanay.

"Tara nay, kain na tayo." sabi niya sabay tingin sa akin kaya pumunta na rin ako sa kusina. Sumunod naman si kuya na inaaalalayan si nanay.

Pagkaupo nila ay umusal muna kami ng masinsinang dasal at kumain.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang magsalita si nanay.

"Pati kuya mo, di na rin magkakatrabaho." sabi niya ng di man lang inaalis ang tingin niya sa kanyang pagkain.

"Huh? Bakit po?" tanong kong may bakas ng pagkaalarma.

"Lahat ng nga Brunneise wala nang trabaho." sabi niya na sa wakas ay sinalubong na rin ang aking tingin.

"Bakit naman nila ginawa yun? Anong ginawa natin sa kanila?" tanong kong tumutukoy sa mga Caeruleum.

Ipinag-kibit balikat niya lamang ito at hindi na sumagot. Bumalik na rin siya sa kanyang pagkain, siguro'y iniisip kung ano na ang mangyayari bukas o kung paano kami mabubuhay nang wala siyang trabaho.

Tinignan ko si kuya na hanggang ngayon ay walang imik.

"'Wag mo akong tignan ng ganyan Via, hindi ko rin alam kung bakit." sagot niya sa tanong na hindi ko pa nasasabi.

Natapos ang gabing iyon na hindi man lang nasasagot ang aking mga katanungan.

Itinulog ko na lang ito, nagbabakasakaling masasagot ito kinabukasan.

Nagising ako dahil sa tunog ng mga kaldero sa kusina. Ginusot ko ang aking mga mata upang maklaro ang aking paningin. Napansin kong hindi mainit sa labas ngunit hindi rin naman uulan. Natatakpan lang ng ulap ang sinag ng araw pero hindi ito puno ng water vapor kaya walang mahahatak ang gravity pababa.

Itinupi ko na ang aking hinigaan at dumiretso sa kusina. Naabutan ko doon si nanay na inaayos ang pagka-arrange ng mga kaldero at iba pang gamit sa kusina.

The Viridi | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon