Chapter 46

108 8 2
                                    

Chapter 46: Abduction

Aviana Maurice's

Tama ba itong ginagawa ko? It feels so petty to act this way kung alam ko namang may mga tamang paraan pa at ang mga paraan na iyon ay mas mabuti.

I still doubt all these antics. All these moves kasi wala pa naman akong masyadong alam rito. My mother haven't even showed me kung ano ang meron sa ibang rooms or kung ano pa ang ibang nagagawa ng kanilang kapangyarihan.

Ni hindi ko nga alam kung hanggang saan ang lawak ng kanilang kakayahan. Alam ko ring may ibang kaalyado rito si Nanay. Hindi aabot sa ganito kalaki ang organisasyong ito kung wala siyang tinatanggap na tulong mula sa iba.

I'm just doing this 'cause I feel like I've got no choice. Kasi nandito na rin lang ako, ba't hindi pa ako tumulong sa Nanay ko?

I shrugged all my thoughts away bago pa ako malunod sa pag-o-overthink ko.

I was standing in the middle of the road, ako lang mag-isa. Nagpalinga-linga ako, umaasang may makikitang tao ngunit wala talaga.

Bahay lamang ang aking nakikita. Mga sirang bahay na pilit pinagtatagpi ng mga may-ari na hindi ko mahanap.

Inagaw ng rumaragasang sasakyan ang aking atensiyon. Nakita ko sa loob nito ang dating reyna, aking ina kalong ang isang sanggol na natitiyak kong ako.

Minsan ko nang nakita ang painting ng mukha ng aking tunay na ina. Ang ngiti niya roon ay napalitan naman ngayon ng pag-aalala. 

Nangatog ang aking binti at hindi ako makagalaw kahit pa patungo sa akin ang sasakyan. Ang tanging nagagawa ko lang ay ang impit na sigaw at ang pagtulo ng aking luha.

Nagulat ako nang lumampas lang ito sa akin na para bang isa akong kaluluwa. Sinundan ko ito ng tingin at bumangga ito sa isang puno. It exploded at pinalibutan na ako ng usok.

Napa-ubo ako at pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa burol na naman ako. With all the stars around the sky. Then, it played again.

Nakita ko na naman kung paano pinaslang sina Shane at Liam..... pareho lang ang nangyari. Wala na naman akong nagawa. Kahit ulit-ulitin pa iyon ay wala pa rin akong magagawa. Meron pala, ang umiyak.

Ang huli ay nang hinawakan ni Tatay ang aking pisngi at tinitigan ang aking mga mata............. at kasunod no'n ay nagising na ako.

Pawisan ako pagkagising. Hinahabol ko rin ang aking hininga. May kaunting luha rin ang nakatakas.

Siguro ang panaginip na iyon ang sagot sa mga doubts ko kagabi. It made my decision firm.

Naligo na ako and dumiretso sa dining area para kumuha ng breakfast. Doon na lang ako sa kwarto ni Kuya kakain.

Pagpasok ko ay sumalubong sa akin ang malamig na hangin dulot ng aircon. Tahimik sa loob.

Umupo ako sa gilid ni Kuya at doon na ako kumain. I also turned the TV on.

News about economic stability na wala na akong pakealam. I was about to take my third spoon of food nang inagaw na naman ng TV ang atensiyon ko.

Breaking News:

  Abduction of Princess Cahlen

What the heck?! Wala iyan sa usapan namin! Don't tell me binaliktad kami ni Cahlen. Among all of them, siya yung pinaniwalaan ko!

I couldn't contain what I'm feeling. Hindi ko rin matimbang kung ano ba dapat ang aking maramdaman.

I was about to get out nang gumalaw ang finger ni Kuya. Hindi na ako nag-atubiling tumawag ng doctor. Maybe now's the time para gamitin ng maayos ang pangalawang kapangyarihan ko. Cahlen taught me how to use it properly. Hindi ko alam na ginawa niya lang pala yun para kunin ang loob ko.

The Viridi | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon