Chapter 27

128 13 0
                                    

Chapter 27: Hard-headed

Magagabi na nong nagising muli ako. Bumaba na yung lagnat ko pero masakit pa rin igalaw yung katawan ko at nahihirapan akong bumangon.

From 38.5 ay naging 37.2 na yung temperature ko. Chineck ni Caius pagkagising ko. Yes, nandito pa rin siya kahit 6:45 pm na noong tiningnan ko ang digital clock sa pader.

"Hindi ka pa babalik sa kwarto mo?" I asked.

He shooked his head indicating na hindi pa siya babalik.

"Pwede ka na namang bumalik, it's not your responsibility to take care of me, anyway." Sabi ko na hindi niya pinansin.

Instead of following kung anong sinabi ko ay hindi niya ito pinansin. Instead, he proceeded with another question.

"Gutom ka na?" Tanong niya

Sasagutin ko sana siya ng hindi ngunit sa swerte ko ay tumunog ang aking sikmura. 

"No need to answer," sabi niya at lumabas sa kwarto probably kumukuha ng pagkain ko.

Pwede niya namang ipatawag lang yung maid. Nasa gilid lang naman ng pintuan yung parang intercom.

Napatingin ako sa TV na iniwang nakabukas ni Caius. He's watching a movie na may genre na teen fiction. Gayshit.

Nakikita ko na naman yung other side niya.

His transparency for me made me confused. Hindi ko na alam if I should hate him or what. I should hate him dahil isa siyang Caeruleum. Hindi lang basta Caeruleum kundi isang prinsipe ng mga Caeruleum. There's no reason to like.

Then I remembered those two images. Magkatabing picture ni Caius at CK. It's impossible and if it's possible, it can't be. Hindi pwede.

At dahil sa naalala ay it led me to hate the Queen, the Duchess and unexpectedly the Emperatress.

Hindi ko inexpect na magkakaroon ako ng galit sa Emperatress. Why? Dahil alam kong siya ang nag-utos kay Caius na gawin iyon sa akin. Alam kong may kasalanan ako kahapon but what she did proves na kakampi sila.

I'm too dumb to believe na may kakampi ako dito when in fact sarili ko lang ang mapagkakatiwalaan ko.

As for Eli and Dhea, formality is all I can give. Respect. Yun lang kung irerespeto din nila ako.

Inilipat ko ang Channel ng TV sa news. Wala pa ring alam ang mga tao sa nangyaring pag atake noong isang gabi. Walang crimes na naitala. Patungkol ang lahat sa sales, projects ng pamahalaan and such.

Gaano kaplastic? Hindi man lang nila ipinapakita ang crime rate and such. Kung meron man ay kakaunti lang. Ipinapakita din nila ang projects ng mga Caeruleums para sa Brunneise kuno na sila lang naman yung nakikinabang.

For example, may project sila na magpatayo ng building para sa pag-aaral ng mga Brunneise with extravagant materials tapos nagkakahalaga ng let's say 3 million.

But the truth is yes, gagawa sila ng building pero not with those extravagant materials na nagpapamahal. Doon sila sa hindi mahal na materials, madaling masira at hindi pulido but with the same amount of money. So ang sobra sa pera ay sa kanila na.

Okay, I already talked too much.

Sakto namang pagbukas ng pinto ay inoff ko kaagad yung TV.

Naamoy ko kaagad yung pagkain.

Pumasok si Caius. Nagtaka nga ako dahil wala siyang kasamang maid at siya pa mismo ang nagbitbit ng tray.

Dahan-dahan akong umupo sa kama habang nakasandal yung likod ko sa head board.

The Viridi | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon